CHAPTER 06

165 60 12
                                        

Dumiretso ako sa bahay ng mga parents ni Eithan para ipakita sa kanila ang video na natuklasan ko. Hinihiling ko na sana ay katulad ko, hindi din nila ang katotohanan dahil pagsisihan kong ako at ang pamilya ko lang ang hindi nakaka-alam ng katotohanang iyon.

"Madie?!" gulat na sabi ni Tita Ella ang mommy ni Eithan. "Pasok ka.." ngumiti lang ako iginaya niya ko papasok.

Ibinigay ko ang CD sa kanila pagkatapos nila akong pakainin.

"À quoi ça sert?" tanong ni Tito ng kunin iyon. (Translation: What's this for?)

"It's about his last words..." malungkot na sabi ko at nagka-tinginan pa silang dalawa.

Sinalpak ni tito ang bala sa player nila at tahimik namin yung pinanood. Kagaya ko ay humihikbi din si Tita ng matapos ang video. Si tito naman ay tulala lang pero bakas sa mukha niya na pinipigilan niya lang maging emosyonal.

"Madie?" nilingon ko si Tita. "Can we talk?" kinabahan ako sa sinabi niya.

Umalis si tito at lumabas muna saglit. Naiwan kaming dalawa sa living room.

"I know... it's been a years since my son died.." panimula niya. "That day he proposed to you... nag duda na ako sa mga kinikilos niya. Eithan is not a kind of man who rush things..." nagsimula na namang mangilid ang luha ko. "Kabisado ko ang bawat galaw at kilos niya..." pagpapatuloy niya pa. Mula sa mini table ay may kinuha syang sketch pad at iniabot yun sa akin. "His dreams are quiet special.."

Binuklat ko ang sketch pad na 'yon at sinuri isa isa ang mga nakaguhit. Sa pinaka unang pahina ay nakasulat ang pangalan niya.

Eithan Nikolai Martin...

Maganda ang calligraphy ng pangalang 'yon na sinamahan pa ng magandang background.

Sa pagbukas ko ng sketch pad niya ay nanlaki ang mata ko ng makita na iyon ang eksaktong scenario na napapanaginipan ko at pilit na tinatawag ang pangalan ko.

Ang blankong mukha nito ang nagpa-nginig sa sistema ng katawan ko. Ibig sabihin nanaginip din siya tungkol sa lalaking ito? Sino ba siya? Kakilala niya kaya?

Ang sumunod na pahina ay lalo kong ipinagtaka. Isang babae na wala ding mukha ang nasa gitna ng karagatan at isang lalaking inaabot ang kanyang kamay sa pagitan ng alon.

Binalewala ko iyon at tinignan ang susunod. Isang babae at lalaki naman ang tumatakbo sa isang isla.

Hindi ko rin iyon maintindihan kaya nilipat ko nalang ulit. Sa pagkakataong to ay nakaguhit ang aksidente na nangyari sa amin, kung saan nabangga ang kotseng minamaneho niya. Nasa daan ang dalawang tao dahil tumalon kami bago pa man sumabog ito.

Napatakip ako ng bibig ng matuluan ko 'yon ng luha. Hindi ko na kayang titigan pa iyon ng matagal kaya nilipat ko ito.

Nagtaka pa ako ng ito nalang ang pahinang natira at ang iba ay blanko na. Nakaguhit dito ang isang blankong babae at lalaki na magkahawak kamay na nakamasid sa dagat.

"May idea ba kayo kung sino ang mga naka-drawing dito, Tita?" tanong ko matapos isara 'yon.

Umiling lang siya bilang sagot. "Ang totoo niyan... nagsimula siyang managinip noong araw na natuklasan niyang may sakit siya," sabi niya.

"Ganun po ba?... po?!"

"Pasensya ka na, Madie..." nakayukong sabi niya pa.

"Alam nyo po? Bakit hindi nyo man lang sinabi sa---"

"Dahil gusto ng anak ko na maikasal sayo." sagot niya agad.

Naging sariwa na naman sa isip ko ang lahat ng nangyari bago ang aksidente na nangyari sa amin.

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon