CHAPTER 16

82 15 16
                                        

"Gusto kita...at ayoko ng nadadamay ka pa dito." hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko at bahagyang yumuko. "Kung kailangan ako mismo ang humuli sa sarili kong kaibigan...gagawin ko."

"Kaibigan?"

Tumango siya. "Hindi ko alam kung anong dahilan ng galit niya sa akin pero hindi na tama na may inosenteng nadadamay sa kagaguhan niya."

Hindi ako sumagot, isa lang ang kanina pang nasa isip ko na gusto kong itanong sa kanya. "Paano mo nalaman na ako 'yong nasa loob ng elevator?"

"Noong una hindi ko siya nakilala pero nakita ko siyang nandito, kasama ko si Daphne kanina at nagduda na ako ng mag black-out paglabas namin ng elevator. Sinalubong ako ni Bella sa hallway at sinabi niyang nakita niya din si Aiden. Una kitang hinanap pero magulang mo lang ang nasa kwarto mo."

"Oh tapos? Paano mo nga nalaman na nandoon ako?"

"Dahil sinabi nila kung anong suot mo at naalala ko yung kasabay namin sa loob ng elevator...na ikaw pala," malamang busy kayo mag away eh. "Don't worry hindi na mauulit 'to sigurado akong nahabol na siya ni Bella. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka pa, I will protect you...no matter what."

Naguguluhan na ako sa kanya, sa mga ginagawa niya at sa mga sinasabi niya sa akin kaya naglakas loob na akong tanungin sya. "Dahil kamukha ko si Lizelle?"

Dahan dahan syang napabitaw sa pagkakahawak sa akin matapos kong sabihin 'yon. "Kaya mo ba ginagawa lahat 'to? Kaya ba pati buhay mo isasakripisyo mo kasi...kamukha ko siya?" ganito pala ang pakiramdam ng matakot. Matakot sa mga totoong sagot na pwede mong makuha na magiging dahilan ng pagkadismaya.

Sapat na ang hindi niya pagsasalita bilang sagot sa tanong ko. Ngayon alam ko na kung saan ako lulugar.

"Tama ako 'di ba? Gusto mo lang ako dahil naalala mo ko sa kanya, kung ano man siya sa buhay mo," pinilit kong ngumiti kahit gustong gusto ko ng ilabas lahat. "Hindi ako si Lizelle...so, stop liking me..." dagdag ko. "...stop worrying for me, and stop bothering me. Dahil simula ng dumating ka sa buhay ko...wala ng naging ligtas na lugar para sa akin."

Naikuyom ko ang kamao ko ng yumuko siya at hindi na niya ako magawang tignan. Kinapa ko ang singsing na ibinulsa ko kanina, inabot ko ang kamay niya at inilagay doon ang singsing. "We have our own lives. I may not know what's the reason behind this but please...you already have someone who is really committed to you, don't ever waste it just because you feel responsible for my safety."

"Yeah, you don't know everything but look...you're acting like you know everything."

"Ayoko ng malaman, hindi ako interasado at wala akong dahilan para alamin ang lahat sayo, dahil una sa lahat--"

"Enough. Hindi ka nga si Lizelle..." Nakagat ko ang labi ko at pinigilan na ang sarili.

"I'm leaving after this and..." gusto kong bawiin ang sinabi ko ng sandaling makita ko ang pangingilid ng luha niya pero hindi ako pwedeng magpatalo sa emosyon ko. "I will forget...everything about you...for my own sake and safety." hindi ko alam kung bakit may kirot akong nararamdaman habang pinagmamasdan ko ang mukha niya at ang mga mata niya.

Hindi ko na kayang tagalan ang mga titig niya kaya tumalikod ako. Sa bawat hakbang ko papalayo sa kanya ay kasabay ng magkakasunod na luhang pumatak. Ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

I'm scared of people leaving me. I'd rather push people away than watch them leave...

"See? I am right. He saved you because it was his responsibility for involving you in his own mess."

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon