CHAPTER 22

64 12 11
                                    

"Tinanong ko ba? Tsaka, eh ano naman ngayon? Hahaha! Tabi nga dyan! Pumunta ako dito para sa kotse ko, psh." hinawi ko na siya at binuksan na ang kotse ko. Sinikap kong itago at pigilan ang ang mga emosyon ko.

"Hindi mo na ako tatanungin kong bakit hindi na kita gusto?" tanong niya pa sa akin na akala mo biro lang ang sinasabi niya.

Tangina, nananadya ba 'to? Kung oo, masakit na ah.

"Hindi," mabilis na sagot ko. "Hinding hindi, Matthew. Ano bang pakialam ko? Gaya nga ng sabi mo, kamukha ko lang si Lizelle at hindi ako si Lizelle and I will never be that girl!"

Pumasok na ako at hindi na siya pinagsalita pa. Pinaandar ko na ito, palayo sa kaniya. Muli ko siyang nilingon sa side mirror ko, nakatayo pa rin siya kung saan ko siya iniwanan kanina. Ni hindi niya ako sinulyupan kahit umalis na ako.

Fine! Kakalimutan na din kita kagaya ng ginawa mo.

Bumalik ako condo ko, ayoko na munang kumausap ng kahit na sino. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng maiinom.

"I'm sorry, but...I don't like you anymore, Madieson."

"You don't like me anymore? Fine! Then the feeling will be mutual!" gigil kong niyupi ang bote matapos kong inumin ang laman. Binato ko nalang 'yon sa kung saan.

Para akong nagkaroon ng record button sa utak ko at kusa kong naririnig ang boses niya sa bawat kilos ko.

Babalik na sana ako sa kwarto para matulog na lang pero nag ring ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Lindsey sa screen, nagdadalawang isip kung sasagutin ba ito o hindi.

"Madie! May good news ako sayo!" bungad niya ng pindutin ko ang answer button. "Gusto mong malaman?"

"Hm? Ano?" matipid kong tanong.

"Wait for me and Tita Ara, guguluhin namin ang buhay mo dyan sa Pilipinas hahaha!"

"Seriously? Here?" paniniguro ko pa.

"Oo naman, basta see you in two days!" at ibinaba niya na ang linya.

Hindi pa man ako tuluyang nakakahakbang ay may nag doorbell na. Seriously? Bakit ba sa tuwing gusto ko mag isa lagi nalang may ganitong eksena?

Padabog akong naglakad papunta sa pintuan. Pagkabukas ko ay ang salubong na kilay ni Tristan ang bumungad sa akin. Dire-diretso siyang pumasok.

"Hoy! Ano bang ginagawa mo?" sigaw ko.

"Itatapon lahat ng alak sa ref mo." what?

Natatawa akong sumunod sa kaniya papunta sa kusina ng condo ko. Wala kang makikita diyan dahil hindi ako mahilig sa alak, kapag trip ko lang.

Pinanood ko siyang buksan ang ref at hanapin ang gusto niyang itapon.

"See? Ano bang nangyayari sayo at umiinom ka na ngayon?" hindi ako sumagot sa kaniya ng makita niyang walang alak sa ref ko. "Si Arley, panay ang tawag sa akin at pinapapunta ako dito."

"Oh tapos? Nanay mo ba si Arley at sumunod ka sa kanya? Hindi pa ba obvious? Ayoko ng kausap ngayon kaya please lang---"

"Nag aalala na sayo 'yong tao Madie, tapos ano? Nilayasan mo lang kaninang umaga pagkatapos ka niyang bantayan magdamag dahil lasing na lasing ka at hindi mo na alam kung anong nangyari sayo?"

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon