CHAPTER 07

144 58 5
                                    

Hindi ako makatulog ng gabing 'yon kaya napagdesisyonan ko nalang na pumunta sa rooftop. Naramdaman ko ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko kaya napahawak ako sa pisngi ko. Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng coat ko at mula doon ay nakapa ko ang maple leaf na nilagay ko dito kanina.

"Isn't it strange? The saddest and deadest of things is yet so like the gayest and most vital of creatures?"

Narinig ko pa ang boses niya sa isip ko.
Napatitig ako sa maple leaf na binigay niya. Naiinis man ako ng sobra sa kanya ay kinalimutan ko nalang dahil masyadong marami pa ang problema ko para idagdag ang ginawa niya.

Even a leaf in the wind settles sometimes...

Every falling leaf reminds me that I too will soon be separated from these trees. Trying to capture freedom is like trying to catch a falling leaf.

Makakalaya pa kaya ako sa mga tanong sa isipan ko? Makakalaya din kaya ako kagaya ng dahon na 'to? May sasalo din ba sa akin kapag nakalaya na ako?

Siguro ay pagbalik ko sisimulan ko nalang na sumunod sa gusto ni Mom at Dad para sa'kin. Baka sakaling sa paraan nila ay makalaya ako. Baka sakaling sa paraan nila ay may sumalo sa'kin. Baka tama si Dad...baka pwede naman ako sumubok ulit.

"Autumn shows us how beautiful it is to let things go."

Sa bawat hakbang ko pabalik sa kwarto ko ay boses niya lang ang naririnig kong paulit ulit sa isipan ko. Let things go..

Should I let things go?

Naka upo at mahigit isang oras na akong naghihintay sa airport. Ngayon na ang flight ko pauwi. Wala naman sa plano ko ang magtagal sa Canada. Marami pa kong kailangan asikasuhin sa Pilipinas at kailangan ko pang bigyan ng sagot ang prof namin na nag offer sakin sa kanyang gallery.

Naglakad na ako bitbit ang maleta ko ng marinig na aalis ang ereplano. Muli akong napalingon at bumuntong hininga sa hangin. Paalam...au revoir pour le moment...

Pumasok na ako at sinuot ang salamin ko, sinalpak ko ang earphones at nagpatugtog. Hinanap ko ang upuan ko at naupo na. Nakangiti akong umupo ng makita kong walang tao doon at solo ko ang pwesto.

Muling nag announce na sa ilang sandali lang ay lilipad na ito. Nagulat ako ng biglang may maupo sa tabi ko at nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino 'yon.

"Ikaw?! Anong ginagawa mo dito?" galit na sabi ko at naalala ang ginawa niyang kalokohan kagabi.

"Uuwi syempre. Baka balikan pa ko ng mga 'yon." inosenteng sagot niya pa at parang walang maalala na pinagloloko niya ko kagabi.

Wala namang patutunguhan ang walang kwentang pakikipag usap sa kanya kaya muli kong sinalpak ang earphones ko at hindi nalang siya pinansin. Nakakainis. Kanina lang ay maganda ang mood ko ngayon ay nakakairita na.

Pinanood ko nalang ang tanawin ng makalipad na ang sinasakyan namin. Napangiti ako ng makita ang napakagandang tignan ng dagat mula sa taas. Nahagip din ng mata ko ang isang isla na may malaking bahay. Naisip ko na ang sarap siguro mabuhay sa tahimik na mundo. Iyong walang manghuhusgang mga tao sa paligid mo. Walang kokontra sa mga desisyon mo. Tahimik kang mabubuhay, 'yon nga lang ay malungkot. Maliban na lang kung may kasama kang titira sa isang malayo at tahimik na lugar.

Ipinikit ko ang mga mata ko ng maramdaman kong nakatitig sa akin ang katabi ko, gusto ko man siyang tanungin at sabihing wag niya akong tignan ay hindi niya rin naman gagawin. Mangungulit lang ito hanggang sa mag away na naman kami. Bahala siya sa buhay niya, ayokong masira ang araw ko dahil sa kanya.

Napamulat ako ng mata ng may nalaglag na kung ano at gumawa iyon ng ingay. Pagtingin ko ay gitara iyon na nalaglag. Napatingin din ang katabi ko, ang kaninang mga ngiti niya ay napalitan ng salubong na kilay, kunot na noo at seryosong ekspresyon.

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon