CHAPTER 04

174 70 17
                                        

Pagmulat ko ng mga mata ko ay puro puti lang ang nakikita ko at masyadong maliwanag dahilan para masilaw ako at mapasingkit ang mga mata. Napakurap kurap pa ako bago tuluyang naidilat ang mata.

"Madie?!" ang matitinis niyang boses ang nangibabaw. Kahit hindi ko pa siya nakikita ay kilala ko na. "Oh gosh! Madie, gising ka na!"

Tinulungan niya akong umupo at sinandal ang likod ko sa hospital bed. Inabutan niya akong inumin pero inilingan ko yon.

Pilit kong inaalala ang nangyari. Ang huli kong natatandaan ay umiiyak ako at nasa harap ako ng chapel at... yung lalaki na may hawak na payong!

"What happened to me?" tanong ko sa kaniya.

"Ang sabi sa akin ni Tito Mark ay nag paulan ka daw. Ano bang nangyari sa'yo?" sagot naman niya at naupo sa tabi ko.

"I... I need to go."

"Huh? Saan ka pupunta?" natatarantang aniya ng simulan kong alisin ang mga nakalagay sa kamay at ilong ko. Tumayo ako nag suot ng pambaba na nasa gilid ng kama. Inalalayan niya nalang ako kahit nagtataka siya. "Okay ka na ba--"

"I'm okay," putol ko sa tanong niya at lumabas na ng hospital. Nasa labas na ako at naghihintay ng taxi. Naiwan si Arley sa loob dahil hindi niya alam ang gagawin niya. Doon ko lang napagtanto na naka hospital gown pa pala ako pero binalewala ko yun at tuluyan ng sumakay.

Wala na akong pakelam sa suot ko basta ang gusto ko lang ay mapuntahan siya. Nagpunta ako sa kompanya nila Dad.

Pinagtitinginan man ay binalewala ko ang mga bulungan nila at sumakay ng elevator. Hindi naman ako nahirapan pumasok dahil kilala ako ng mga tauhan ni Dad, I guess? Hindi naman kasi nila ako tinatanong.

Agad akong umakyat sa floor kung nasaan ang office ni Dad. Ngunit laking gulat ko ng si Mom ang bumungad sa akin na nag aayos ng mga papeles.

Nanlaki ang mata nya at napatayo sa upuan ng makita ako na nakatayo sa pintuan. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago nag angat ng tingin sa akin.

"Where's Dad?" pagdidiretsa ko, wala na akong oras para sa mga itatanong niya kung bakit ako nandito.

"Madie? Are you crazy? Bakit ka--"

"Didn't you hear me? I'm asking you where's Dad?" pag uulit ko at sandaling oras na lang ay maiirita na ako.

"Tune down your voice. Bakit ka lumabas ng naka...ganyan? Nababaliw ka na ba?" lumapit siya sa akin at hinatak ang braso ko papasok ng opisina at sinarado ang pinto.

"Where is he?" pag uulit ko pero tinitigan niya lang ako.

"Why are you looking for him?" pormal na tanong niya.

"I'm..." nangangapa ako ng sasabihin pero wala akong maidahilan na iba kaya sinabi ko nalang ang gusto ko. "..I'm going to Canada...now."

"What? Why?"

"Nakita mo at narinig mo lahat ng nalaman ko Mommy, tapos tatanungin mo ako kung bakit? Seriously?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"What's going on here?" tinig ni Dad ang nangibabaw mula sa pintuang bumukas "Madie?! Are you okay?" lumapit siya sa akin at kinapa ang noo ko.

"I'm fine dad," pilit na ngiting sagot ko.

"Buti nalang at may nakakita sayo at dinala ka sa hospital saan ka ba nang galing kagabi? Hinanap kita sa buong village pero hindi kita makita, hanggang sa may tumawag sa akin at sinabing na sa hospital ka nga at nawalan ng malay."

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon