Now it make sense...Allison Merleigh...
Hindi na naalis ang paningin ko sa painting na 'to kung saan nakasulat ang pangalan ni Mommy at ang pamilyar na pangalang Allei sa ibaba nito.
"Ahh sir? Pwede bang magtanong?"
"What is it?" agad niyang sabi at tumitig sa akin, naghihintay.
"Bakit may collection kayo ng painting ng hindi naman sikat na artist?" takang tanong ko. Ngumiti ito na ikinagulat ko...sa ka una-unahang beses ay nakita ko siyang nakangiti sa loob ng dalawang taon kong nagtratrabaho.
"She's someone important to me...I guess she's my mother."
Nagpaulit ulit sa isip ko ang boses niya habang sinasabi 'yon. Tama ba 'tong naiisip ko? Tama ba ang pagkakaintindi ko?
Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko at hindi makapaniwala sa sarili kong pagkakaintindi.
"Madie?" napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Mommy ang nasa pinto at nakatingin sa akin. All this time inakala kong sarili kong talento ang pagpipinta...pero nagkamali pala ako.
"A-llei," sapat na ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya bilang sagot. Saksi din ako kung paano nangilid ang luha niya. Lumapit ako sa kaniya, "Ikaw ba?" paniniguro ko. "Ikaw si Allei?" pag uulit ko kahit na malapit na rin tumulo ang luha ko.
"Madie..." naikuyom ko ang kamao ko. Hindi ko alam kung paano ko itatanong ang katotohanang ngayon ko lang nalaman.
Kung titignan ay wala namang masama sa nalaman ko na isa siyang artist. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang katotohanang tinago nila ang katotohanang may kapatid ako, na naging director ko pa.
"Si Rylle..." pagkasabi ko palang ng pangalan niya ay pumatak na ang luha niya. "Si Rylle Tyler Gonzales." pagbuo ko.
"Alam mo?" gusto kong matawa sa tanong niya.
"Really? You're asking me that instead of how did I know? Aren't--"
"Kilala mo si Rylle?" hindi ako sumagot. "Nasaan si Rylle?!" nagulat ako ng pagtaasan niya ako ng boses.
"You're really something, Mom."
"I'm sorry...please, sabihin mo sa akin nasaan si Rylle." biglang bawi niya.
Bago pa ako makapagsalita ay natanaw ko na si Matthew at Dad na nasa hagdan na din.
"Allison? Madie? Anong nangyayari dito?" si Dad. Pumunta siya kay Mommy at si Matthew naman ay pumunta sa akin.
"Alam mo din 'to Dad?" binigyan niya ako ng nagtatanong din na tingin. "Alam mo din ang tungkol kay Rylle?" kung ano ang reaksyon ni Mommy kanina ay ganoon din ang kay Dad.
"Madie..." hindi ko na natagalan ang pakikipagtitigan sa kanila.
"All this time...akala ko sa akin 'to, pero nakuha ko lang pala sa'yo." sabi ko kay Mom. "Anong dahilan niyo at bakit niyo tinago sa akin na may kapatid ako?" hindi na sila makatingin ng maayos sa akin pagkatapos kong itanong 'yon.
Walang umimik sa mahabang katahimikan sa pagitan namin. Nag iiwasan lang sila ng tingin at paulit ulit na bumubuntong hininga.
"Hindi ko siya anak." nangunot ang noo ko sa sinabi ni Dad. "Pag usapan muna natin 'to Madie, anak." pakiusap ni Dad. Nilingon ko si Matthew na tahimik lang, tumango ito sa akin.
"Mauuna na po ako," paalam niya sa kanila. Walang lingunan akong bumaba kasabay si Matthew. Sinamahan ko muna siya hanggang sa labas.
"Okay ka lang ba? Sabi ko naman sa'yo kahit hindi mo na ko ihatid dito."

BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasyMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...