SPECIAL CHAPTER

115 6 6
                                    

A/N: This chapter is for flashback purposes only.

HIS POV

Naglalakad na ako pauwi galing sa school. Hapon na at hindi na sikat ang araw kaya umuwi na ako. Sa pagtawid ko sa kabilang daan ay isang batang babae ang natanaw ko na naka-upo sa kalsada at nakatingin sa kawalan.

Napahinga ako ng malalim bago siya tuluyang nilapitan.

"Pst, anong ginagawa mo dyan?" nasa bulsa ang kamay na tanong ko sa bata. Napatingala naman siya dahil sa pag-tawag ko.

Don't get me wrong, hindi ako mahilig sa bata. Wala lang talaga akong magawa at maka-usap ngayon kaya trip ko siyang lapitan.

"Inaantay ko po 'yong mama ko, sabi niya po hintayin ko siya dito." magalang na sagot niya at napahikab pa. Agad naman siyang nagtakip ng bibig. "Pasensya na po," pinakatitigan ko siya ng maiigi.

Base sa nakikita ko ay kanina pa siya naghihintay dito, hapon pa lang at imposible sa kagaya niya na antukin ng ganitong oras. Sa tingin ko ay nasa pitong taong gulang pa lang siya. Mahaba ang buhok at maganda, payat at mestisa.

"Nasaan ba? Malapit na mag-gabi bakit wala pa din?" hindi ko alam kung bakit ako biglang nag-alala sa kanya.

Siguro kung walang pamilya ang kumupkop sa'kin ay dinanas ko din ang kalagayan niya. Yes, my mother left me when I was young and I don't know why.

"Hindi ko po alam, kuya. Basta ang sabi niya lang po hintayin ko siya dito..." hindi ko inaasahan na iiyak na siya matapos niyang sabihin 'yon. Wala sa sariling napayuko ako para mapantayan siya.

"Oh? Bakit ka umiiyak?" tanong ko pero umiling lang siya. "Sabihin mo, makikinig ako." dahil doon ay tumingin siya sa'kin.

"Maniniwala po kayo sa'kin?" gusto kong matawa dahil medyo seryoso ang pagkakasabi niya.

"Oo naman, ano ba 'yon?" interesadong tanong ko.

"Hindi ko po alam kung saan 'yong lugar na nakita ko sa panaginip ko po, pero nakita ko pong maaaksidente ang mama ko." nangunot ang noo ko at sandaling natigilan. "Maniwala po kayo kuya, nakita ko po talaga, hindi po nagkamali ang panaginip ko." napakamot nalang ako ng ulo dahil sa mga sinasabi niyo.

"Wait, wait. You mean hindi ka naghihintay dito? Hinahanap mo 'yong lugar na nakita mo sa panaginip mo? Tama ba?" seriously? Matthew? Anong pinagsasabi ko?

Paulit ulit na tumango ang bata.

"Gusto ko pong patunayan pero hindi ko po alam kung paano," malungkot at nakayuko niyang pag-amin. Tsh, hindi naman ako maniniwala.

"Ganito na lang, bukas mo na lang alamin. Ihahatid na kita pauwi sa inyo, okay ba?" hindi siya nakapagsalita at tumitig lang muna.

"Wala po akong uuwian, kuya."

"Talaga? Ibig sabihin kung hindi ako dumating...dito mo balak matulog?" ngumiti pa ito at tumango. Weird. Anong nakakatuwa sa pagtulog sa kalsada? Bakit ko nga ba kinakausap 'to?

Hindi naman na kakayanin ng konsensya ko na iwanan nalang siya dito knowing na hindi naman na dadating ang hinihintay niya. Wala rin akong balak maniwala sa pinagsasabi niya.

"Sige, ganito na lang. Bukas tutulungan kita hanapin ang mama mo, sa ngayon matulog ka muna para makita mo ulit sa panaginip mo kung nasaan siya ha?" sinabi ko 'yon para kahit papano ay gumaan ang loob niya.

Tumango lang siya at sabay na kaming naglakad pauwi sa bahay na inuuwian ko.

Halos wala ng ka-tao-tao dito sa daan at masyado ng malamig kaya binilisan na namin ang paglalakad.

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon