CHAPTER 23

49 8 13
                                    

Akala ko hanggang doon na lang ang sakit na mararamdaman ko dahil sa pag-ngiti niya, hindi pa pala. Nasaksihan ko din kung paano niya niyakap pabalik si Bella.

Napa-atras nalang ako ng magtitigan sila.

Bakit kailangan maging ganito kasakit na naman? Bakit kailangan ko na naman makaramdam ng ganito?

Hindi ko alam kung bakit nandito pa din ako sa kabila ng nasasaksihan ko. Para akong nawalan ng lakas ng makita ko kung gaano na kalapit ang mukha nila sa isa't isa.

Bago ko pa masaksihan ang susunod na mangyayari ay may nagtakip na ng mga mata ko. Hinawakan niya ang pulsuhan ko at inilapit ako papunta sa dibdib nito.

Ang pamilyar niyang pabango ang tuluyang naging dahilan ng pagpatak ng luha kong kanina pa nagbabadya. Nandito ka na naman. Napakapit ako sa gilid ng damit niya, pinipigilan ang sarili na humikbi.

Nang mapakalma ko na ang sarili ko ay humarap ako kay Tristan. Sinalubong ko ang mga mata niyang puno ng pag-aalala. Hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon makapagsalita, agad niya na akong inalis sa lugar na 'yon.

Pagdating sa harap ng kotse ko ay huminto na siya at binuksan ang driver's seat.

"Are you free?" tanong ko bago pa siya makapasok. Lumingon siya sa akin.

"I'm not and I will send you home, right now. Alam mo ba kung gaano nag-alala sa'yo si Tito Mark dahil bigla ka nalang umalis? Alam mo ba kung anong oras na?" sermon niya sa akin kaya sumakay nalang ako dahil hindi naman siya titigil kakasermon sa akin kahit anong gawin ko.

"Sa condo ako uuwi." sabi ko ng paandarin niya na ang kotse.

"Hindi. Doon ka sa bahay niyo." pagsalungat niya agad.

"Ihinto mo. Bumaba ka at ako ang magmamaneho pauwi sa cond---what the hell?!" sigaw ko ng bigla nalang siya prumeno sa gitna ng kalsada.

"Hindi ako nag-step aside para lang saktan ka niya ng ganito, Madie." seryosong sabi niya. "Sapat na siguro 'yong nakita mo para masagot lahat ng tanong mo." umiwas ako ng tingin.

Hindi na ako sumagot sa kaniya. Hinayaan ko nalang din siya ng iikot niya ang kotse. Bumaba na siya ng kotse at pumasok sa convenience store na hinintuan namin.

"Okay ka na ba?" tanong niya habang naka-upo kami sa tabing dagat at umiinom ng binili niyang alak na nasa lata.

"Can I lie and pretend that everything is all fine?" pinilit kong ngumiti kahit wala na akong maintindihan sa dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to.

Sa tuwing maalala ko ang nasaksihan ko kanina ay paulit ulit pa rin akong nasasaktan.

People can tell you anything but actions tell you everything.

Sana ay hindi ko na nakita. Sana ay hindi na ako pumunta.

Nakatitig pa din sa akin si Tristan kaya lumingon ako sa kanya. "Tell me how to stop from hurting." nangunot ang noo niya sa tanong ko.

"Love me." pero hindi ko inaasahan na ako pala ang mabibigla sa sagot niya. Seryoso ang mukha niya kaya napalunok ako. "Just kidding haha!" bawi niya at tumawa na ng tumawa dahil sa reaksyon ko.

"Psh, nice corny joke." inismiran ko nalang siya at muling itinuon ang paningin sa dagat.

"You know back then, when we're in the Ponte Piera..." tahimik akong nakikinig sa kanya. "I got scolded but I didn't regret going there just to show you what I feel and what I want to do with you. Well your birthday is just an excuse for me to see you."

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon