CHAPTER 25

63 9 16
                                    

"Woah...You exactly look like her." bulong niya. Naramdaman kong umalis na siya sa likuran ko at nagpunta sa harap ko.

Kahit madilim at tanging liwanag lang na galing sa bintana ang meron sa loob ng condo ko ay kitang kita ko ang mukha niya.

Yumuko siya para titigan ng mas malapit ang mukha ko kaya napa atras ako.

"Do you want to know the story of the three of us?" tanong niya. Ang kaninang kaba at takot ko ay nadagdagan ng kuryosidad. "Masyadong mahaba at ma-drama kaya para sa'yo, let's make it short." nakita ko din kung paano siya ngumisi.

Inangat niya ang tatlong daliri niya at tinuro 'yon isa isa. "This is me... Lizelle...and that damn Matthew." itinapat niya pa sa mukha ko ang daliri niyang 'yon. "I loved her, but she liked him," humalaklak siya. "Funny isn't it?" palihim kong hinawakan ng mahigpit ang unan na nasa tabi ko.

"Ano bang meron sa kaniya at pati ikaw nakuha niya?" tanong niya pa at parang kinakausap pa ang sarili niya. "Do you wanna know a secret?" gusto ko na siyang batuhin ng hawak ko at lumabas dito pero natatabunan ang kaba at takot ko ng kuryosidad. "I killed her..." ngumiti pa siya na parang proud na proud sa ginawa niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "But he didn't know that, he didn't know everything because he's so damn stupid and useless." hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang mga sinasabi niya.

"Sasabihin mo sa kaniya? Hahaha!" huhugot na sana ako ng pwersa para batuhin siya pero nagsalita pa siya. "Go, maganda 'yon. Para kapag nalaman niya na papatayin niya na ko at magsasama na kami sa kulungan." unti unti ay napabitaw ako sa hawak ko dahil sa sinabi niya. "Hindi lang ako mag isa ang makukulong, isasama ko ang lalaking mahal mo. Imagine the man you love the most is a murderer, satisfying."

Lahat ng kaba ko kanina ay napalitan ng takot. Hindi para sa akin, natatakot ako sa pwedeng magawa ni Matthew kapag nalaman niya na ang totoo. Kung totoo man ang sinasabi niya ay hindi ko alam ang gagawin ko ngayong nagsalita na siya.

Sunod sunod na doorbell ang nangibabaw sa pagitan namin. Napalingon ako sa pintuan dahil nasisiguro kong boses ni Mom 'yon. Napalingon din siya doon bago matalim na tumingin sa akin.

"Da-eum-e boja..." bulong niya ulit bago tuluyang humakbang papalayo sa akin.

Naikuyom ko ang kamao ko ng makita kung saan siya dumaan. Ngumisi pa siya sa akin bago tuluyang bumaba sa bintana.

"Madie?" nabalik ako sa wisyo sa muling pag tawag sa akin ni Mom. Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. Kasabay ng pagtayo ko ay ang pagbalik ng kuryente sa loob ng condo ko."What's the meaning of this?" kunot noo niyang bungad at pinakita sa akin ang cellphone niya.

Nakagat ko ang labi ko ng makita na naka upload na online ang eksenang ginawa namin kanina sa airport.

Napaiwas ako ng tingin kay Mommy, alam kong malaki na ako pero ang katotohanang nakita niya pa yon ay naiilang ako.

She's strict but when it comes to those things, she normalized everything.

"Ilang beses kitang tinawagan, patay ang phone mo. Sana naman sinabihan mo kami."

"Right, I forgot, nasira ang phone kanina sa airport. Kaya ngayon palang ako nakabili."

"Next time, inform me. Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo."

I guess it was the accident two years ago. She didn't even care about the article since she's not asking about it.

"I'm sorry, Mommy. I'll make sure of it."

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon