"Madieson?" hindi ako makasagot sa kaniya. Wala akong masabi, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Bago pa ako makapagsalita ay magkasunod na lumabas si Lindsey at Tita Ara.
"Tara na, Madie. Nagyaya si Tita Ara magpahangin. Naiinip daw siya sa condo mo." wala sa sariling naibaba ko ang linya. Hanggang sa pagsakay namin ng elevator ay nakatitig lang ako kay Tita Ara.
"May mali ba sa mukha ko Madie?" nilingon niya ako ng may nagtatakang tingin. Umiling na lang ako bilang sagot.
Pagdating namin sa labas ay naglakad kaming tatlo papunta sa daan, nasa pedestrian lane kami at naghihintay ng tamang ilaw para sa pagtawid namin.
Tatawid palang kami ng matanaw ko na ang isang lalaki na pamilyar ang tindig dahil sa suot nito. Pinakatitigan ko siya.
"Madie? Woy, Madie?" napatingin ako sa kaniya ng kalabitin niya na ako. "Ano bang nangyayari sa'yo kanina ka pa wala sa sarili mo ah?" tanong ni Tita Ara.
"Galit ka ba sa'kin, Madie?" agad akong umiling kay Lindsey. Ibinalik ko ulit ang paningin ko sa nakita ko kanina pero hindi ko na 'yon nakita.
"Madieson!" napaangat kami ng tingin sa pagsigaw na 'yon. Nasa kabilang daan siya at kababa lang ng taxi. Matthew...
"Matthew Hanreich?" sa pagkakabigkas pa lang ng pangalan ni Tita Ara sa kaniya ay nakumpirma ko na.
"Sino 'yan?" si Lindsey na nagtataka.
Maging si Matthew sa kabilang daan ay natulala ng magtagpo ang mata nila ni Tita Ara. Masaya ako para sa kanila, pero hindi 'yon ang nakapag pakaba sa akin.
Gulong gulo na ako hindi ko na alam ang nangyayari. Nakita ko na naman ang pamilyar na tindig sa di kalayuan.
Sa isang iglap, maging ako ay hindi inaasahan ang mga susunod na nangyari.
"Madie..." si Tita Ara na bigla na lang yumakap sa akin na animoy prinotektahan ako.
Isang putok ng baril ang nangibabaw sa kapaligiran kasabay ng pag-ilaw ng red light.
Ngumiti sa akin si Tita Ara. "Salamat...dahil sa'yo ay nakita ko na siya." at sa paglabas ng dugo sa bibig niya doon ko napagtanto na siya ang tinamaan.
Hinawakan ko siya bago pa siya bumagsak.
"Tita Ara!" si Lindsey na nataranta.
Hindi ko alam ang gagawin ko, sunod sunod na luha na ang pumatak mula sa mga mata ko.
"Tita! Wake up!" si Lindsey na humahagulgol na din.
"Eomma..." kahit malabo na ang paningin ko ay nasisiguro kong boses ni Matthew 'yon. "Eomma" hawak ko pa rin si Tita Ara habang nakatingin kay Matthew na nangilid na din ang luha.
Maging si Lindsey at napatingin sa kaniya. "Matthew?" mas hindi ko inasahan ang pagtawag ni Lindsey sa kaniya.
Pero wala siyang nilingon sa amin, ang paningin niya ay nakatutok kay Tita Ara.
"Matt..." iyon palang ang binibigkas si Tita ay napayakap na si Matthew sa kaniya at humahagulgol na.
"Eomma..." naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko ng makita kung paano abutin ni Tita ang mukha niya.
"Sa wakas...nakita na din...kita." humigpit ang pagkakayakap ni Matthew kay Tita Ara at paulit ulit na umiling. "Alagaan mo...siya.." doon pa lang ako nilingon ni Matthew ng sandaling 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/233167316-288-k123237.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasíaMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...