Lumabas ako ng hotel at naglakad-lakad muna, bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Naagaw ng atensyon ko ang araw na papalubog pa lang, sinundan ko iyon hanggang sa namalayan ko nalang na nasa St. Lawrence River ako napadpad. Naupo ako habang pinanonood ang paglubog nito. Kasabay ng unti unting pagdilim at pag simoy ng malamig na hangin... ay ang katahimikan na nagdulot ng pangungulila sa loob ko. Ganun na lang ang pagpipigil na tumulo ang mga luhang nagbabadya sa gilid ng mga mata ko.
Sinikap kong idaan sa buntong hininga upang pakalmahin ang sarili kong emosyon. Lumipas ang mga oras at lumubog na ng tuluyan ang araw. Unti unting nawalan ng tao sa paligid.
Nilibot ko ang mga mata ko at sa bandang dagat ay nahagip ng paningin ko ang isang lalaki na may hawak ng bote at nakatanaw sa dagat.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkusa ang mga kamay kong iguhit ang imahe niyang nakatalikod. Pakiramdam ko ay nagkaron ako ng karamay, at kasama na nag iisa din. Alone together...
Matapos kong iguhit yon ay itinabi ko na ang maliit na sketch pad ko at akmang aalis na ko ay may nagsalita sa gilid ko.
"Republic Act No. 9995, Section 1... Anti-photo and Video Voyeurism Act of 2009." sabi nya na ipinagtaka ko. Nakita kong may hawak siyang bote ng alak at doon ko napagtanto na siya yung ginuhit ko kanina.
"Ha?" lutang na sagot ko at napalunok, dahil sa mukha niyang sobrang lapit.
"This..." nanlaki ang mata ko ng makitang hawak niya ang sketch pad na ginamit ko kanina. "This is me... right?" tanong niya ng ibuklat niya yon.
"Of course not," tanggi ko agad at akmang aagawin 'yon ay iginuhit niya ang daliri nya doon na lalo kong ipinagtaka.
Iniangat niya 'yon ay nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung bakit niya ginawa 'yon. Pinakita niya ang bakas ng lapis na napunta sa daliri niya. "Walang ibang tao dito bukod sating dalawa miss, at base sa ginawa ko ay bagong drawing lang to." sabi niya ng nakangisi.
"Geez. I didn't take a photo of you, okay? You're overreacting... give it to me." pagdadahilan ko at akmang aagawin ko ulit ang sketch pad pero nilayo niya yun na ikinainis ko lalo.
"Sketching is another way of capturing, Miss." pagpupumilit niya pa.
"That's not you either, psh." inis na sabi ko.
"Then why did you said that you didn't take a photo of me, instead of denying it.. again?" ngisi niya ulit.
Sinamaan ko siya ng tingin at pinigilan ang sarili na magsalita dahil wala akong maibatong salita sa kanya. Bakit bigla naman akong naubusan ng katarayan pagdating dito? What's happening to me?
"I said give it to me, that's mine." pag iiba ko ng usapan at tuluyan ng kinuha ang sketch pad, huli na dahil nakuha ko na bago niya pa ulit ilayo. Tumayo na ako at naglakad papalayo sa kaniya.
"Hey! Miss! Wait for me!" sigaw niya pa pero diretso lang akong naglakad. Sa sobrang inis ko ay pumara ako ng taxi para hindi niya na ako masundan.
Tinignan ko siya sa likod ng maka alis na ang taxi na pinara ko, nakita kong nakamasid siya habang papalayo ang sinasakyan ko.
Sa hindi maintindihan na dahilan ay nakaramdam ako ng lungkot sa loob ko. Ang pagtitig niya sa sasakyang papalayo na sinasakyan ko ay nagbigay sa'kin ng bigat sa pakiramdam. Pakiramdam ko ay iniwan ko siyang mag isa doon ng walang paalam.
Umiling ako ng umiling at pinakalma ang sarili. Paulit ulit kong kinumbinsi ang sarili ko na tama lang ang ginawa ko bilang proteksyon sa sarili ko.
You did what's right, Madie. Tama lang sa kanya 'yon.

BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasiaMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...