CHAPTER 20

85 17 12
                                        

"By the way, anong nangyari sa interview mo?"

Nilingon ko si Arley na nagtanong.

"Okay naman." walang ganang sagot ko.

"Anong mga sinagot mo?" tanong niya ulit.

"Ede kung anong tinanong niya." pabalang kong sagot.

"Ano bang tanong?" makulit na tanong niya.

"Sabi niya tell me about yourself and then sinabi ko sa kanya that I am rude." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at si Tristan naman ay napailing nalang. "Walang mali sa sagot ko duh, tanong niya yung mali. Bakit hindi niya na lang sinabi na 'okay so tell me about your experience' hindi ba?"

Sabay pa silang napabuntong hininga at uminom nalang ng milktea na nasa table namin.

Tama naman diba? Walang mali sa sagot ko duh.

"Paano kapag hindi ka natanggap dyan? Paano na? Saan ka mag tra-trabaho?" nag aalalang tanong niya.

Napaisip ako sandali sa sinabi ni Arley, "I don't know." nagkibit balikat nalang ako.

"Miss Itzayana?" sabay sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin. Professor Frio?

"Professor Frio!" si Arley na agad kumaway dito.

"Nakabalik ka na pala."

"Upo muna ho kayo sir," yaya ni Tristan sa kanya at iginaya siya sa tabi nito.

"How have you been?"

"I'm good." matipid kong sagot.

"Kailan ka pa nakauwi?"

"Yesterday."

"I see..." tumango tango pa siya. Tumunog ang cellphone niya at sandaling tinignan yon. "By the way, if your still interested on my offer you're welcome to my gallery anytime. Just call me, here's my calling card. I have to go."

"Thank you sir," sabi ko nalang. Nagkatinginan kami ni Arley ng kunin ko ang calling card na nilapag niya.

"Back up work huh?" ngisi ni Tristan.

"Hindi ba curious ka sa anak niyang kamukha mo? Bakit hindi mo nalang tanggapin 'yong offer niya para malaman mo?" suhestiyon ni Arley.

"Hayst, papasok ka doon at tatanggapin ang offer niya dahil lang gusto mo 'yon malaman? Come on, private life na ng professor niyo 'yon." sermon naman ni Tristan na hindi sang-ayon sa sinabi ni Arley.

"Alam mo ikaw, umuwi ka na nga lang. Hanggang dito lang yung usapan oh? Wag ka ngang sabat ng sabat dyan." banat naman ni Arley sa kanya at kunwaring nilagyan pa ng hati ang mesa.

"Puro kayo kalokohan, ipasa mo nalang yung interview na sinasabi ni Tita Allison at doon ka magtrabaho para naman hindi sayang ang experience mo at magamit mo sa makabuluhang bagay," seryosong sabi nito, pero dahil desidido si Arley ay hindi ito nagpatinag.

"Excuse me? Ako ata ang bestfriend niya? Hindi ka kasali dito okay? Kaya ikaw shut up!" dinuro niya pa ito.

Hindi nalang ako sumingit at halos maubos ko na ang iniinom ko, nagtatalo pa rin sila, parang mga aso at pusa. Napaisip naman ako sa mga sinabi nila.

"Sandale! Ito huling bala ko na 'to! Makinig ka. Sabi nga 'you can't chase your dreams when your fears are chasing you. Kaya face your fears, Madie. Double purpose ka na doon oh? Malalaman mo na yung tungkol kay Lizelle at matutupad na 'yong pangarap mo. Ayaw mo ba non?"

Behind My CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon