Chapter One

5.8K 109 18
                                    

  Ella

The smell of stress ay nalalanghap ko na. First day of school at ramdam na ramdam ko na ang hirap na pagdadaanan ko. Makita ko lang ang mukha ng mga ka-school mates ko, ang aming guard, ang mga silid, parang inaatake na ako ng katamaran. Don't get me wrong—learning is fun, but forcing not that important lessons into my brain is not. Ganoon pa rin ang paaralan namin– malaki, maingay, at magulo. Walang pinagbago. Habang naglalakad ay napapansin ko ang mga bagong mukha, pati ang mga nakakasawa rin.

  Tahimik akong nakikinig sa music habang nag heaheadbang sa loob ng utak nang may biglang humila sa akin. Agad na natanggal ang earphones na nakasalpak sa tenga ko na ikinainis ko.

  “Hoy!” Sinamaan ko ng tingin ang dalawang pamilyar na mukha, at nagulat naman ako nang may dumating pang iba. Sila ang tinutukoy ko na mga nakakasawang mukha. Pwede naman ako tawagin ng maayos. Kailangan hilain talaga? Tingin n'yo sa akin lubid?

   “Kalma ka nga! Hindi mo kami naririnig na sumisigaw, eh! Malay ba namin!pasigaw na sagot ni Ynnah bago ako hinila sa braso. “Anyway, may pasok na. Kailangan na natin pumunta sa oval!”

  Ang tinutukoy niyang oval ay ang oval shaped na flat land kung saan namin ginaganap ang usual flag ceremony. Sobrang laki ng space na ito at madalas na ginagamit as soccer field.

  Alam mo na ba ang section mo?” tanong ni Sam.

  Tumango ako at laking pasalamat ko nang marinig kong pareho pa rin kami. Hinila nila ako papunta sa linya, at pinagtatanong. Natigil lang kami nang may pumunta na sa stage at nag announce na magsisimula na ang ceremony. Pagkatapos ng mahabang speech, pumunta naman sa stage ang nag-iisang anghel na pinaka hinahangaan ng lahat, ang nag-iisang Bridgette Drejo. Balita ko ay Vice President siya ngayong taon sa student council at next year ay tatakbo siya as President. I know right, unreachable.

  “Good morning, students, teachers, faculty staffs, and everyone here today. I am your Vice President, Bridgette Drejo. Pinaubaya sa akin ngayon ni Pres ang pag speech dito dahil may inaasikaso pa siya. I am happy to welcome you to this year's opening of class! I hope everyone has their schedule already, and to our new students, please don't be shy to seek and ask help. We are also encouraging everyone to join clubs na fit sa gusto ninyo. Tomorrow will be the official club hunting day kaya you're all excused today and tomorrow so you can arrange things. That's all, good day.” Pagkatapos niyang magsalita ay nakatulala lang ang lahat sa kanya, inaabangan ang kanyang galaw na para bang artista. Echos, hindi naman nakatulala lahat, karamihan lang talaga sa mga estudyante ay nakatingin sa kanya.

  Nasa public school kami pero halo halo ang nga estudyante rito. Nag-iisang paaralan lang ito sa lugar namin, na kasali sa tatlong lugar na naka locate sa isang malaking isla, kaya sobrang dami talaga ng istudyante.

  Siniko ako ng kaibigan ko. “Tulala na naman kayo. ”

   Inirapan ko lang si Ynnah at naglakad na papunta sa room namin. Iniisip ko kasi kung anong club ang sasalihan ko. Last year sinubukan ko ang choir pero sa sobrang dami ng practice ay tinamad na ako. Pwede naman hindi sumali pero sayang din ang points na makukuha.

  “Guys, sa tingin n'yo saang club ako bagay?” tanong ko habang papasok kami sa bagong classroom namin.

  “Club house ni Mickey. ”

  Sinamaan ko ulit ng tingin si Ynnah na walang ibang ginawa kung hindi ang mambwesit.

  “Math club, matulog ka habang nagmemeet. ”

  Ngumiwi naman ako sa suggestion ni Sam. Kapag seryosong usapan, puro kabulastugan naman ang sinasagot. Bakit ko ba sila naging kaibigan? Ewan din, hindi ko na mahanap ang rason.

  “Rinig ko naghahanap ka ng club? Tara! Join tayo sa writers club,” singit bigla ni Ari na hindi ko alam kung saan galing. Isa si Ari sa mga kaklase kong sobrang energetic na para bang pinalaklak ng isang kahong cobra energy drink noong bata. Madalas din itong sumusulpot kung saan, isa ata sa kanyang taglay na talento.

  “Ano isusulat ng batang ito doon? Paano matulog pag nagklaklase? ” sagot naman Ynnah. Kahit kailan talaga, bwesit.

  Siniko ko ito sa kanyang tagiliran. “Ingay mo talaga, Ynnah. Hindi ka ba nauubusan ng laway? ”

  “Bakit? Manghihingi ka? Ito oh. ”

   Lumayo ako nang bigla niyang ilabas ang dila niyang may laway. Kadiri talaga ito kahit kailan.

  “Basta, Ella, pag gusto mo sumali sa Writers Club sabihan mo ako, ah? Sama tayo magpa register,” sagot ni Ari na hindi pinansin ang pinag-gagawa ni Ynnah.

  Tumango ako at nagpaalam naman si Ari para umupo sa upuan niya. Nakahanap na rin kaming tatlo ng upuan at naupo na sa may bandang likuran. Daig pa ang sabungan sa ingay ng mga bunganga ng kaklase ko. May nagsisigawan sa kabila at may nagtitilian naman sa isa pang kabila. Kung hindi lang talaga ako tinatamad na magalit, kanina ko pa sila sinigawan na manahimik. Hindi ba nila alam na kailangan ng katahimikan kapag first day? Bakit sila masaya? Hindi dapat nagbubunyi kapag mayklase na!

  “Good morning!”

  Napatigil ang lahat nang may biglang pumasok sa room, ito na siguro ang new adviser namin.

  “I'm Ms. Vie, and I'm going to be your class adviser plus English teacher for this year. Wag na tayo mag waste ng time and let's elect our classroom officer. For the preside-”

  “Si Ella ma'am!” Marami akong narinig na sumigaw kaya sinamaan ko ng tingin ang mga kaklase ko ngunit hindi lang ito pinansin. Alam ko na naman itong trip nila.

  Ngumisi kaagad si Miss Vie. “Oh, Ella. Come here. Help me. ”

  Huminga muna ako bago tumayo. Kahit kailan talaga nakakaasar ang mga 'to.

  “So let's start our-ewan ko sainyo sino ba ibang iboboto ninyo as president?” Nilakihan ko sila ng mata ngunit wala man lang isang kumibo. Hinigpitan ko ang hawak ko sa chalk habang isa-isang sinasamaan ng tingin ang mga kaklase ko. “Ano ba 'yan. Final na?”

  May nag taas ng kamay at dali ko itong pinatayo.

  “I move to close the nomination.”

  Walanghiya naman ito. Akala ko may ibang iboboto na.

  “Yay! Si Ella na ang new president ng section natin!”

  Sinamaan ko ng tingin si Ynnah na parang nanunukso pa. Alam nilang tamad ako sa mga ganito, pero responsable naman ako. May araw ka rin sa akin! Tinapos namin lahat ng mga pakulo sa classroom bago kami hinayaan ni ma'am na mag hunting ng clubs.

  Hanggang ngayon wala parin akong maisip. Si Ynnah ay nasa dance club, magpapabali ata ng buto niya. Si Sam naman ay kasali na sa mga Athletes kaya wala na itong problema.

  Ako? Ito, tunganga pa rin.

  Masaya kaming nag-uusap habang naglalakad nang makita ko si Ari na mag isang nakatayo sa gilid. Nakatutok ito sa cellphone niya habang ngumingiti. Nakapag join na kaya ito sa writers club? Baka tama siya, baka nga pwede ako sa writers club.

  “Guys, samahan ko nalang si Ari sa writers club. Parang gusto kong mag try.”

  “Seryoso ka na?”

  Nag taas baba ang mata ni Sam sa akin at si Ynnah naman ay tumango tango.

  Tumango ako. “Oo, huwag na kayong pa-epal. Magsipunta na kayo sa club na sasalihan ninyo at magpapa-register muna ako.”

  “Sige na nga. Pag naging mala Shakespeare ka na, sulatan mo ako ng Romeo and Ynnah, ha?”

  “Kung may susulatin man ako, 'yun ang a hundred reasons to kill Ynnah. Mauna na ako.”

  Nilakad-takbo ko ang gawi ni Ari na mukhang nasurpresa rin sa pag litaw ko. Agad niyang pinasok ang cellphone sa bulsa at ngumingiti sa akin. “So sa writers?”

  “Kung may available pa,” sagot ko.

  “Tara!”

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon