01

619 29 14
                                    


Ilang linggo na ang nakakalipas simula noong gabing nag-bar kami kasama ang mga kaibigan ko, maging ang pagkikita namin ni Engineer Dion doon. Hanggang ngayon, hiyang-hiya pa rin ako sa katotohanang nakita ako niya akong gumigiling nang sobra sa harap ni Jojo!

Last week, nagpunta rito si Ma'am Allison para sa final presentation ng floor plan at layout ng bahay. Tuwang-tuwa siya sa scale model ko, eh. Kulang na lang ilagay sa bag.

Pero sobrang ganda ni ma'am! Swerte ni Sir Paolo, napangasawa niya 'to. At their age, baby face pa rin si Ma'am Allison. Nawa'y lahat, vampire!

Nagkita na kami noong araw na 'yon ni Engineer Dion pero hindi kami gaano nagkausap kaya nakahinga ako nang maluwag. Siguro naman, nakalimutan na niya 'yon! Nagpupunta naman pala siya ng bar. Dapat alam niyang normal lang gumiling nang gano'n doon!

"Magsisimula na ang construction sa Antipolo any time this week or next week, architect. You'll be the one to check the site each and every time. Maaaring hindi na ako kasama. Kaya mo na ba 'yon?" tanong ni Architect Ysa sa akin. "Puwede naman kitang samahan, kaso nga lang, baka magtama ang mga schedule ng site visitations ko sa ibang project."

Ngumiti ako. "Okay lang, architect! Kaya ko na po 'yon. Tatawag na lang po ako kung sakaling may hindi ako maintindihan o kung kailangan ko ng tulong."

Tumango siya. "Good. Nandoon din naman si Engineer Salvador. He'll help you."

Pakiramdam ko, naging ngiwi ang ngiti ko nang dahil sa sinabing 'yon ni Architect Ysa. Oo nga pala, siya ang engineer na kinuha para sa project na 'yon kaya kahit na ilang beses ko siyang iwas-iwasan at taguan sa kahihiyang ginawa ko, alam kong hindi mangyayari 'yon.

Tinapik ni Architect Ysa ang balikat ko bago nagsalita. "Kaya mo 'yan! May tiwala ako sa 'yo. Mabait siyang engineer. Maniwala ka sa akin."

Ngumiti na lang ako sa kan'ya bago siya naupo sa table niya. Hindi naman 'yon ang pinoproblema ko, eh. Napahilamos na lang ako ng mukha.

Teka, bakit ba ako nahihiya?! It's normal to dance in a bar! Bakit ba ako nahihiya, eh normal naman na magsasayaw ako ro'n! I went there to enjoy and forget all the problems and pressures in me! So, bakit ako mahihiya? Ang dami naman siguro namin doon pero ako lang ang pinansin niya!

Itinuloy ko na ang paggawa ng layout sa plano na ginawa ni Architect Ysa para sa isa sa mga proyektong tinanggap niya sa Bataan.

Kinabukasan, pagka-check ko ng e-mail ko, nakita ko na may site visitation ako ngayon sa Antipolo! At oo! Ako lang mag-isa!

I expected for the site visitation to come but . . . bakit ngayon kaagad?

"Architect Deli, yesterday, engineer asked me to give you a schedule for site visitation in Antipolo. Susunduin ka na lang daw niya nang makatipid ka sa pamasahe."

Napaawang ang bibig ko at naalala ang pangamba, dahilan para makaramdam ako ng sobrang kaba.

"Naku, architect, h-huwag n'yo na po akong ipasundo, please!" Tumayo ako at pinagdikit ang mga palad ko. "Please, architect, kaya ko pumunta ro'n! Huwag n'yo na po ako ipasundo, please!"

Tumawa siya sa ginawa kong halos pagmamakaawa sa kan'ya. "Ano bang problema, hija? Mabait si Engineer, huwag kang matakot do'n."

Ilang sandali pa, sumulyap siya sa likuran ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ngumiti si Architect Ysa.

"Engineer, good morning!"

Umalis si Architect Ysa sa harap ko saka pumunta kay Engineer Dion para makipag-usap, habang ako, naiwang hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi man lang ako makalingon dahil pakiramdam ko, matutunaw ako sa kahihiyan matapos kong makita ang mga tingin niya sa akin.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon