08

430 19 2
                                    

   

"Happy birthda—"

Napatigil sila midway sa pagbati sa akin oras na buksan ko ang pintuan ng unit nang makitang may kasama ako. Tawang-tawa ako sa kung paano naiwang nakabukas ang bibig ng tatlo kong kaibigan habang si George ay natatawa lang na nakatingin sa kanila.

"Sino 'yan, ha?" bulyaw sa akin ni Aika nang lumapit na kami sa kanila. "Sobrang late mo na ngang dumating! Ang tagal-tagal naming naghintay dito para i-surprise ka tapos kami ang isu-surprise mo?!"

Tumawa ako sa naging rant ni Aika. Nakita ko na nakanganga pa rin si KC ngayon at si Anna naman ay parang may panghihinayang sa mukha. Nakangisi lang si George bago uminom ng beer.

"This is Dion . . ." Inilahad ko ang kamay para ipakilala siya. "B-Boyfriend ko."

Nagtilian ang mga kaibigan ko saka ako pinagsasabunutan at sinaka-sakal dahil sa kilig na naramdaman nila.

Yes, gan'yan silang kiligin.

"Gaga ka, kaya pala may nararamdaman akong kakaiba!" bulyaw sa akin ni KC.

Lumapit si Dion at nagpakilala sa mga kaibigan ko nang pormal. Nakipagkilala din siya kay George habang ang mga kaibigan ko naman ay nakipag-beso sa kanila.

Nagkaroon sila ng interview with Dion, kung paano kami nagkakilala, kailan pa naging kami, at kung anong klaseng panliligaw ba ang ginawa sa akin at napasagot ako nitong si Engineer.

"Engineer, anong nagustuhan mo r'yan, eh napakalakas magmura niyan?!" sabi ni Anna nang hindi makapaniwala.

"Akala mo hindi nagmumura!" singit ni George, dahilan para kurutin siya nito.

"Iba ang maganda, Anna!" sagot ko na pinagtawanan ni Dion.

Nagkasiyahan pa sila at inabot na ng 1:00 a.m. ang pag-i-interview nila kay Dion hanggang sa nagpunta na sa balcony ang dalawang lalaki para bigyan kami ng oras na mga babae.

"Ang pogi ni Papa Dion!" kinikilig na sabi ni Aika. "Ang swerte mo, sismars! Napaka-happy ng birthday mo!"

Napapailing na lang ako. "Gwapo rin naman ang mga nagiging boyfriend mo, Aika. Hindi ko lang alam kung bakit walang nagtatagal sa 'yo!" I laughed.

"Hmp!"

"Sayang, ang bagal kasi ng manok ko," sabi ni Anna saka nakipag-cheers. "Si Henz."

I scoffed. "Ang bata n'on, Anna. Maghunos-dili ka nga!"

"Age doesn't matter!" singit ni KC.

I pouted. "Bakit? Ayaw n'yo ba kay Dion?" I asked.

Sabay-sabay na umiling ang tatlo. "Hindi naman! Pero syempre, ako, kilala ko si Henz. Nanghinayang lang ako, lalo na't alam kong may crush sa 'yo 'yon."

I chuckled. "Tss. Crush lang 'yon. Lilipas din 'yon."

"Tama!" sabi ni Aika.

"At saka nakilala ko naman si Dion," I said as I drank my beer. "Mabait 'yan. Pakiramdam ko, sobrang ganda ko kapag kasama ko siya." I chuckled.

They smiled at me like what I said was something new to them. Sabagay, hindi ko naman pinupuri nang ganito ang mga naging ex ko sa kanila.

"Sa kan'ya galing yung kuwintas mo?" tanong ni Anna nang nagniningning ang mga mata.

Kinapa ko 'yon at ngumiti, bago tumango. "Oo. Kanina."

"So, anong ibig sabihin niyan?! Dion o Delilah?!" tanong ni Aika.

Binatukan ko ito nang malakas. "Deli! Deli ang ibig niyan sabihin, 'tang ina ka!"

Nagtawanan kaming apat sa asaran na 'yon.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon