06

413 24 1
                                    

     

Hindi ako makapaniwala.

Talagang itatanong niya sa akin 'yan? Sinong tanga ang hindi magkakagusto sa ganito kag'wapo, career-oriented, at generous na tao? Kung hindi ko lang naman ito katrabaho, baka isa ako sa mga babaeng lihim na sumusulyap sa kan'ya!

"B-Bakit naman hindi?"

Ngumiti siya at lalo akong inilapit sa kan'ya. "I want to meet your friends."

Napaawang ang bibig ko. "Bakit?!"

"Bawal? Gusto ko rin maging kaibigan ang mga kaibigan mo."

"Pero bakit nga?"

"Because you'll be my girlfriend soon and I want to meet them earlier before we could make this relationship official."

Pinagtawanan ko siya sa sinabi niyang 'yon dahil parang napakabilis naman, Engineer! Alam ba niya kung ilang buwan akong nililigawan ng mga naging ex ko?!

"Anong official sinasabi mo? Limang buwan pa lang akong single, hayaan mo naman akong sulitin yung freedom ko!" bulyaw ko saka tumayo na pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. "Tara na, kumain na tayo. Magre-review pa ako."

Muntik nang mawala sa isip ko ang tungkol sa pagre-review ko. Sabado na naman bukas kaya matindi-tinding paggamit na naman ng brain cells ang gagawin ko.

Tumayo siya at sumunod sa akin, pero nananatiling magkasalikop ang daliri ng kamay naming magkahawak. Pigil ang ngiti ko nang sinulyapan ko 'yon.

"Kwento mo sa akin 'yang mga ex mo, Deli."

Naupo siya sa upuan sa harap ko at nagbitiw na ang kamay namin. Kumuha ako ng plato saka inilapag 'yon sa harap niya.

"May dala din akong pagkain," sabi niya.

Pumunta ako sa living room at kinuha ang mga paper bag na dala niya. Nag-take out pa sa restaurant, sayang pera! Sa isang paper bag naman ay mga damit lang.

Pota, seryoso ba yung dito siya matutulog?!

Naglakad ako pabalik sa dining area saka inilapag doon ang mga paper bag niya. "Bakit may dala kang mga damit?!"

"Dito nga ako matutulog!"

"Ayaw ko!"

"Bakit?!"

"Babae ako, lalaki ka. Ang pangit tingnan na nasa iisa tayong unit, 'no."

Umirap siya. "Tss. Eh 'di huwag mong tingnan."

Tiningnan ko siya nang masama bago kinuha sa loob ng paper bag ang mga pagkaing dala niya. Inihain ko 'yon sa lamesa, pagkatapos, nagsimula na kaming kumain.

"Magkwento ka na," he insisted.

"Tungkol saan ba?" irita kong tanong habang nagsasandok ng kanin sa plato.

"Sa mga ex mo."

I rolled my eyes. "Tss. Wala namang dapat ikuwento."

"Ilan sila?"

"Lima."

Tumingin ako sa kan'ya nang marinig ko ang woah at nakita ko ang pagbilog ng bibig niya. "Oh, bakit?"

"Ganda naman pala," natatawa niyang sabi saka sumubo ng pagkain.

Pati ako ay natawa na rin sa paraan ng pagsabi niya.

"Talaga!" I flipped my hair. Pota nagagaya na ako sa kaartehan ni Anna, ah? "Ikaw?"

"Anong ako?" he asked back.

"Ilan ex mo?"

"Dalawa."

Tumawa ako. "Mahinang nilalang."

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon