40

350 16 1
                                    

40:



"Bakit ba gan'yan..." I sang myself to sleep for the third night that Henz was not with m me. "Ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan..." my tears fall. "Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan..."

Napapikit ako nang mariin nang maalala ang sinabi niyang kakantahin niya sa akin iyon. Talaga bang hindi nangyayari ang mga plano? Are promises and plans made to be broken?

"I'm sorry."

Ipinikit ko ang mga mata ko matapos kong uminom ng tatlong tablet ng sleeping pills. One or two pills won't work for me anymore. So I need to drink more.

Nang magising kinabukasan ay nagbihis ako nang maganda at nagpunta sa bahay nila KC. Hindi na siya sa condo nakatira, kung hindi sa asawa niyang si Tyrone. May sarili na silang bahay.

"Wow, ang ganda natin ngayon, ah!" bati ni KC sa akin nang makita na nakaitim akong spaghetti strap dress at nakapulang stilletos. "Saan ang lakad?"

I laughed. "Wala! Dito. Alam mo naman, nag-resign na muna ako." sagot ko habang naglalakad papunta sa living room nila. "Gusto ko lang magmaganda," I chuckled.

"Naku!" she giggled. "Siya nga pala, tapos na 'yung room para kay baby Theo. Gusto mong makita?" tanong niya.

Ngumiti ako nang malaki at tumango. "Sige!"

Kinuha niya ang kamay ko at hinila paakyat sa hagdanan. "Kulay blue! Si Tyrone ang nag-isip ng ibang designs!"

Napangiti na lang ako habang pinakikinggan ang masayang pagkuwento niya tungkol sa magiging kuwarto ng anak niya. Nang makarating kami sa harap ng isang kuwarto ay binuksan niya ang pintuan, at nakita ko ang loob na kulay blue ang pintura na may kulay puti, tapos ay punung-puno ng mga gamit na para sa bata.

"Look! Dalawa 'yung nagbigay sa akin ng crib pero 'yung sa 'yo ang ginamit ko."

Nakita ko ang crib na iniregalo ko sa kan'ya noong baby shower, at nakitang sobrang gandang tingnan noon kasama ng ibang gamit na nandoon.

"Ito 'yung bigay ni Anna at George na walker!" she showed me the walker on the corner. "Aahhh, ang saya ko, Deli," she went to me and hugged me. "Sobrang saya ko. Kumpleto na ako, sa wakas."

Ngumiti ako kasabay ng pangingilid ng mga luha ko bago hinawakan ang braso niyang nakayakap sa akin.

"Ako rin, masayang-masaya ako para sa 'yo."

Niyakap niya ako lalo at mas naramdaman ko ang tiyan niya sa akin. Tuluyan na akong naiyak nang dahil sa inggit. Kung nalaman ko lang na buntis ako noon ay baka gumawa rin kami ng kuwarto na para sa anak ko. Pero dahil hindi ako sensitive sa sarili ko ay hindi ko napansin...hindi ko nalaman.

"Shhh," KC whispered, still hugging me. "Your baby is happy now with his Daddy. You should let yourself be happy too, okay?"

Anak ko, buti pa kayo ng Daddy mo, magkasama na ngayon at masaya. Samantalang ako, narito, tulad ng sinabi ni Henz ay nabubuhay pa rin ako sa nakaraan.

"Masaya ako, KC. Masaya ako."

Tumango siya at niyakap ulit ako nang maigi.

Every night, simula nang umalis si Henz, ay palagi akong nagpupunta ng bar, umaasang makikita ko siya na tumutugtog, o kahit na umiinom kasama ang mga kaibigan niya.

Pero hindi. Isang linggo na, wala pa rin.

Hindi ko na kaya. I've had it for years, and I don't think that giving up now means I'm a weak person, right? For years, I've endured the pain of losing my child, all alone, dahil hindi ko hinayaang manatili sa akin si Dion para sa Cebu project niya.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon