02

491 23 10
                                    

   

Makalipas ang dalawang linggo, dumating na ang araw ng gig ng pinsan ni George. Dumeretso sa condo ko ang dalawang taga-Pasig dahil sa akin malapit ang venue ng pupuntahan namin. Nauna pa nga sila sa aking makarating, kaya naghintay pa sila dahil wala naman silang susi ng condo ko.

"Napakatagal mo naman!!!" reklamo ni KC nang sa wakas ay nakita na nila akong lumabas ng elevator.

Tumatawa akong isinuksok ang susi. "Sorry, ang dami kong ginawa. At nagko-commute lang ako, ano ba? Pare-pareho lang tayong hampas-lupa dito!"

Tumawa kaming tatlo bago tuluyan nang pumasok sa loob ng unit. Nagkan'ya-kan'ya sila ng higa sa couch saka binuksan ang TV para manood ng Netflix. Napapailing akong pumasok sa loob ng kuwarto ko para magpalit ng damit.

Nang makapagbihis, kumuha ako ng pagkain sa cabinet ng kusina ko at ipinagbabato sa kanila 'yon dahil nakakahiya naman, wala man lang silang kinakain habang nanonood sila sa living room ng condo ko!

Naupo ako sa single couch at nagbukas ng Lays. "Anong oras ba ang alis natin?"

Nagkibit-balikat sila. "Ewan ko. Hintayin na lang natin yung mag-jowa, baka nag-chu-chukchakan pa," sabi ni Aika na tinawanan namin at saka siya sinabunutan.

"'Tang ina mo, ikaw pasimuno niyan, eh!" bulyaw ko sa kan'ya.

"Oh, bakit? Nasa akin lang ang impluwensiya pero nasa inyo pa rin ang desisyon!" katwiran pa niya na tinawanan na lang namin kasabay ng mga mura namin ni KC sa kan'ya.

Napapailing na lang ako bago kumuha ng maiinom namin sa kusina. Habang nasa kusina ako at nagtitimpla ng orange juice, may nag-door bell.

"Pagbuksan mo nga 'yon, Katrina," sabi ko dahil nakita kong napakaganda ng higa niya sa couch ko.

Tiningnan niya ako nang masama. "Ako pa inutusan! Ina mo, Delilah Mae!"

Babatuhin ko sana ng kung anong mahawakan ko si KC nang makita kong tumakbo ito papunta sa pintuan. Pinanood ko siya kung paano sumilip sa peephole na tinawanan ko kasi akala naman niya may kawatan dito.

OA ampota.

"Nandito na 'yong mag-jowa! Tapos na silang mag-chukchakan!"

Humagalpak ng tawa si Aika bago pumasok sa loob sina Anna at George.

"Yay! May pagkain si Papa George!"

Hinalo ko ang juice sa pitsel bago tiningnan ang dala ni George. Nakita kong isang bucket ng fried chicken ang dala niya!

"Pagpalain ka ni Lord!" sabi ko bago inilagay ang pitsel na may juice sa center table. "Mabuhay ka hanggang gusto mo, George—patron saint of Brianna Rose!"

Pinagtawanan nilang lahat ang sinabi ko.

Mabilis lang akong nagsaing ng kanin na kakainin namin habang sama-sama kaming nanonood ng movie sa sala. Hindi magkatabi sina Anna at George dahil hinila ni KC at Aika saka pinaupo sa gitna nila. Miss na nila 'yan, eh. Ako lang naman hindi nila miss kasi palagi nila akong nakikita!

Nasa single couch si George at tahimik na nanonood, paminsan-minsan tumatawa sa nakakatawang parts. Nakikipag-usap din siya sa mga kaibigan ko at nakakatuwa lang na nakahanap si Anna ng taong sobrang nag-adjust para sa aming lahat kahit na puro kami kaartehan.

Sobrang ideal guy ko talaga si George, sa totoo lang. Nakakainggit, wala bang pinsan o kapatid 'tong si George na katulad niya kung itrato ang mga babae? Yung mas g'wapo sana sa kan'ya!

I mean, alam ko na malaki ang clan nila George, sabi ni Anna, pero wala bang p'wedeng ligawan do'n na katulad niya ang ugali? Kahit ako na ang manligaw!

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon