36

322 15 0
                                    

     

Nang magising ako kinabukasan, sobrang sakit ng ulo ko na akala mo, binibiyak siyang buko sa gitna!

Hindi na ako nakalabas pa ng k'warto para kumain ng agahan. Ngiting-ngiti naman ang mga kaibigan ko nang makita ako na para bang may magandang nangyari sa buhay nila. Hindi ko na sila pinansin pa at nahiga na lang ulit.

Nang sumapit ang hapon, umalis na rin kami ng La Union dahil hindi naman talaga ako naka-leave. Sinabi ko na lang na may sakit ako at magpapasa ng sick leave kinabukasan.

Ramdam na ramdam ko rin ang pagbabago kay Henz noong umuwi kami galing sa La Union. Hindi ko alam, malaki yata ang epekto sa kan'ya ng garter ni Anna na nakuha niya. Napapailing na lang ako.

Nang mga sumunod na araw at linggo, si Henz na ang nagkukusang pumunta sa k'warto para masiguradong makakatulog ako kahit na pakiramdam ko, makakatulog na ako kahit hindi na gawin ang ginagawa niya sa akin.

"Huwag na, okay na ako, kaya ko nang matulog mag-isa!" sabi ko nang nahiga siya sa tabi ko.

Tumawa siya. "Ako pala yung hindi makatulog. Ako naman patulugin mo."

Tumawa ako nang tumawa. "Eh doon ka sa k'warto mo, bakit dito ka matutulog!"

He laughed again. "Okay."

Napatili ako nang binuhat niya ako at inilabas ako ng k'warto para dalhin sa kabila. Sinuntok ko ang dibdib niya bago ako ibinaba sa kama. Amoy na amoy ko ang pabango niya nang pumasok do'n.

Hindi naman na kasi ako pumapasok sa k'warto na 'to madalas dahil baka mamaya, may mga gamit siyang importante doon na hindi ko p'wedeng makita.

"Sige na, ako naman patulugin mo," sabi niya bago ako isiniksik sa dibdib niya. Hinampas ko 'yon. "Aray!"

"Tabi ka nga!" sabi ko bago pinalayo siya nang bahagya.

Tumawa siya. Ini-stretch ko ang braso para sana ipatong niya ang ulo doon, tulad ng ginagawa niya sa akin, pero tiningnan niya lang ako nang nagtataka.

"Hindi ka makatulog, 'di ba? Patutulugin kita."

Pinagtawanan niya ako bago hinila saka niyakap nang mahigpit. "Hindi na, sapat nang nasa tabi kita."

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko nang muli niyang isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya. Nagsimula nang maglaro ang daliri niya sa ulo ko. Nang dahil doon, nakaramdam ako ng sobrang antok, saka ako nakatulog nang tuluyan.

***

Nang lumipas ang mga buwan, tumawag sa akin si Anna habang pauwi ako galing ng site visitation.

"Oh? May problema?" tanong ko habang nagdi-drive.

"I have a big news!!!" masiglang sabi niya.

Napakunot ako ng noo. "Oh? Ano?"

"I'm pregnant! Five weeks na!"

Napatapak ako sa preno at wala sa sariling napahinto sa gilid ng kalsada sa narinig. Nanlamig ako at pakiramdam ko, pinagpapawisan ako ng malamig na pawis nang marinig ko 'yon. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko.

"T-Talaga?" I asked as I felt my chest become heavy. "Congrats!" My tears fall silently. "I'm . . . I'm so happy for you!"

Natakpan ko ang bibig ko kasabay ng paghawak sa manibela nang mahigpit sa dami ng nararamdaman ko ngayon.

I should be happy, right? I should be happy . . . but why do I feel like a fucking . . . trash?

Babae din naman ako, ah? Bakit ang dali para sa iba na magkaanak, pero pagdating sa akin . . . kailangan ko pang maghirap at makunan in the end? I badly wanted to have a child. Dion and I have been trying to conceive for years.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon