Finale

746 28 6
                                    

Baguio Series #4

Unmended

(Healed In Baguio)

Finale:



"Daddy, may iba po bang mahal si Mommy?"

Hindi palagi nakakatakas sa pandinig ko ang tanong ng dalawa kong anak kay Henz sa tuwing aalis ako sa araw ng pagkamatay ni Dion, para dalawin ang condo unit na ibinigay niya sa akin.

"No. Ako lang ang mahal ng Mommy niyo. At kayong dalawa," nakita kong hinalikan ni Henz ang pisngi ng dalawang anak naming buhat niya. "Bakit mo naitanong, Hazel?"

"Lagi po siyang may ibang dinadalaw sa sementeryo!" sagot ni Hance.

Tumawa si Henz bago ibinaba ang dalawang anak sa sofa. "Kaibigan ni Mommy iyon."

"Pero bakit lagi po siyang umiiyak kapag naroon?"

Nang hindi na matiis ang tanong ay tuluyan na akong bumaba at nagpunta sa sofa. Naupo ako sa harap ng dalawang anak namin ni Henz, hinawakan ko ang balikat nila. Ngumiti ako sa kanila, pero kita ko sa mga mata nila ang kakaibang tingin, na parang nag-aakusa.

Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing ganoon ang nakikita ko...

"Uuwi rin bukas si Mommy, may aasikasuhin lang."

Hindi sumagot ang dalawa at tumayo lang paalis sa harap ko, tsaka nagpunta kay Henz.

"Hance! Hazel! Kinakausap kayo ng Mommy niyo, 'di ba?"

Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing umaalis sa harap ko ang dalawang anak ko kapag hindi nila ako naiintindihan. Lagi nila akong iniiwanan at parang si Henz lang ang gusto nila. Parang ayaw nila sa akin...pero kahit masakit ay tinitiis ko, dahil alam kong may dahilan ang mga tampo nila.

"B-Babalik din si Mommy," sabi ko nang lumingon sa kanila.

Hindi lumapit sa akin ang dalawa, kaya naman naiyak na lang ako bago tuluyang tumayo. Tumakbo silang dalawa paakyat sa kuwarto nila, naging dahilan kung bakit tuluyan na akong naiyak. Lumapit ako kay Henz at niyakap siya.

"Pagpasensiyahan mo na ang mga anak natin," he whispered as he hugged me tight. "Hindi pa nila maiintindihan 'yun sa ngayon."

Tumango na lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Ikaw, okay lang ba sa 'yo ang pag-alis ko sa tuwing ganitong araw?" tanong ko.

Ngumiti siya at pinunasan ang mga luha ko. "Okay lang. Isang araw lang naman ang ibinibigay mo sa kan'ya. Nasa akin ka naman na hanggang sa dulo."

Ngumiti ako at siniil ng halik ang kan'yang labi.

"I love you," I said.

He kissed my lips too. "I love you so much, Deli."

Yumakap ulit ako sa kan'ya bago niya ako inihatid sa garahe. Siya na ang nagbukas ng gate para makalabas ang sasakyan ko. Kumaway ako sa kan'ya bago tuluyang makalabas sa bahay namin.

It's been five years since I gave birth to my twins. Hindi ko akalaing lalaki sila nang matalino at marunong mag-obserba ng mga nangyayari sa paligid. Sobrang kampante ko na hindi nila mapapansin kung paano ako umalis sa ganitong araw at umiyak sa puntod ni Dion, pero sa narinig ko kanina, alam kong pinagdududahan na nila ang pagmamahal ko sa kanila ng Daddy nila.

Ang anak kong babaeng si Hazel ang alam kong lumalaki nang malayo ang loob sa akin. Sa tuwing nagtatanong sila kay Henz ay lagi siyang maraming kasunod na tanong, at alam kong nasasaktan ko siya ro'n.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon