50

492 24 0
                                    

50:



Nang magdaan ang mga buwan ay mas naging maselan ang pagbubuntis ko. Minsan ay naglakad lang ako nang kaonti, pero dinugo na ako. Kinailangan ko raw mag-bedrest hanggang sa maging maayos na ako. Paminsan-minsan ay nakakaramdam ako ng heartburn. Mabuti na lang at naiwan si Mama pansamantala para samahan ako hanggang sa manganak ako.

Sabi  ng doctor ay dala raw ng stress kung bakit nangyayari iyon sa akin. Malaking factor daw kasi ang stress sa buhay ng isang buntis. Hindi ko naman maikakaila iyon dahil hindi naman nawala sa isip at puso ko 'yung takot dahil sa nangyari sa akin sa nakaraan.

Hangga't maaari ay ayaw ko nang alalahanin 'yung dating pagbubuntis ko. Pero hindi ko mapigilan. Paulit-ulit akong natatakot para sa mga anak ko.

Tiningnan ko ang sarili ko sa full length mirror at nakitang sobrang laki na ng tiyan ko, parang puputok na.

Naalala ko noong unang beses na dinugo ako. Sobrang natakot ako at umiyak ako nang umiyak sa pag-aakalang mawawala na naman ang mga anak ko.

"Henz!!!" sigaw ko habang mahigpit na nakakapit sa damit niya, buhat ako para dalhin sa sasakyan. "'Yung anak ko!!!"

Para akong bumabalik sa simula pa lang noong unang beses na nakunan ako. Parang tinatakasan ako ng katinuan kapag naiisip ko iyon.

Nang makarating kami sa ospital ay may mga ginawang test sa akin habang umiiyak ako nang umiiyak. Ilang sandali lang ay naramdaman kong inantok ako.

Nang magising ako ay mabilis akong umiyak nang makitang nasa ospital ako. Muli kong naalala ang mga araw na iyon, na hindi ko naman alam na buntis ako, pero wala na rin pala ang anak ko noong oras na malaman ko.

"Deli..."

Lumingon ako kay Henz at nakita kong nakaupo siya sa gilid, hawak ang kamay ko.

"Yung anak ko..."

Ngumiti siya. "Okay lang sila... huwag kang mag-alala."

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Nagpabangon ako sa kan'ya kaya naman tinulungan niya akong makaupo mula sa pagkakahiga. Lumapit ako sa kan'ya at niyakap siya.

"I love you, Hennessey," I said. "Natatakot lang ako, baka hindi ko pa nasasabi sa 'yo."

Tumawa siya. "Lagi mong sinasabi sa akin...at kahit hindi mo sabihin ay ramdam na ramdam ko, Deli."

"Gusto ko pa rin paulit-ulit na sabihin," my voice broke. "Para wala akong pagsisihan kung sakaling...ako naman ang mawala."

"Deli..."

I hugged him tight. "Hindi ako normal magbuntis, Hennessey. Harapin na lang natin ang katotohanang hindi ligtas kapag manganganak na ako. Gusto ko lang maging handa ka."

Naramdaman ko ang higpit ng yakap niya sa akin kasabay ng pag-iyak niya. Rinig ko ang mga hikbi niya habang nakayakap nang mahigpit sa akin.

"Hindi ko kaya..." his voice broke. "Hindi ko kaya nang wala ka..."

"Shh," I rubbed his back. "May baby naman tayo, dalawa pa. Kung darating ang araw na kailangan kong lumisan...sa mga anak natin ikaw humugot ng lakas, ha?"

"Deli..."

Lalo akong umiyak nang muli kong marinig ang pagkabasag ng boses niya.

"Mahal na mahal kita. Hindi ko hahayaang mawawala ka."

I smiled as I hugged him.

***

Nang dumating ang kabuwanan ko, at maramdaman ko ang pag-labour ko, ay sobrang nahirapan ako. Kinailangan kong maglakad nang maglakad hanggang sa bumaba na raw ang bata. Marami pa silang sinabi. Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa sakit, pero tiniis ko ang lahat lahat, mabuhay lang ang dalawang anak ko.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon