24

339 17 0
                                    


"Your band is good. Bakit hindi kayo nag-focus?" I asked as I ate the chips.

He smiled. "Secret," he said, then chuckled.

Inirapan ko siya. "Tss. Curious lang. Magaling talaga kayo. Baka nga sumikat kayo ngayon kung sakaling tinuloy-tuloy n'yo, eh."

He smiled. "Feeling ko lang hindi sapat ang pagbabanda para may mapatunayan ako sa sarili ko . . . sa ibang tao." He chuckled as he drank his shot. "Gusto ko sana magpa-impress sa isang tao, gano'n. Kaso . . ." He shrugged. "Wala, eh." He laughed again.

Tumawa ako. "Kaya ka ba hindi na nagka-girlfriend ulit dahil nasaktan ka nang sobra do'n sa babaeng nambasted o nang-iwan sa 'yo?"

Tumango siya tapos hinawakan ang dibdib, umarte na parang sobrang sakit. "Sobrang sakit, eh. Nakamamatay." Pinagtawanan ko lang siya sa OA niyang pag-arte. "Kung alam ko lang . . . pinag-igihan ko sana sa kan'ya kaysa sa pagkuha ng patunay na may ibubuga rin ako." He laughed as he drank his Whiskey. "Kaso, huli na ang lahat."

I, somehow, feel for him because of that. Alam ko yung pakiramdam ng na-late ka na sa bagay na gustong-gusto mo. Kasi, ramdam na ramdam ko 'yun noon sa anak ko.

I gulped when I felt my eyes heating.

"Ano ba kasi ang ginawa mo sa mga taon na 'yon?" tanong ko.

"Hmm . . ." He paused. "G-um-raduate? Nag-review? Pinasa ang board exam? Nagpaka-teacher?" He laughed. "Teacher kasi ang kinuha kong course. Music teacher. Tapos, habang nagtuturo ako, yung mga kinikita ko sa gig at salary ko sa pagtuturo, ini-invest ko sa pinag-invest-an ni George. Nakakaipon na ako. Balak ko sana magtayo ng negosyo para sa mga mahilig tumugtog tulad ko."

Hmm, business-minded naman pala—at teacher pa! Okay naman pala ang ginawa niya, anong pinanghihinayangan niya?

"Wala naman palang nasayang sa mga taon mo, ah? What makes you feel so devastated right now?" I chuckled.

He smiled. "Nakuha ko nga 'yun . . . hindi ko naman nakuha yung babaeng dahilan kung bakit ko ginawa 'yun."

Napaawang ang bibig ko. Wow. This kid got some seriousness in him. Mana yata kay George na kapag nag-invest sa babae, ii-invest na ang buong buhay para dito. Pero syempre, hindi naman perpekto ang tao kaya kahit gaano ka ka-invested, magkakamali ka pa rin.

"Wala na kayong pag-asa?" tanong ko.

Hindi kaagad siya sumagot. Uminom na muna siya nang uminom. Nakaapat na shot na muna siya bago tumingin sa akin at ngumiti.

"Wala na."

Napatango-tango ako at hindi na naiwasang malungkot pa para sa kan'ya.

"Okay lang 'yan! Marami pa d'yan! Tsaka bata—I mean, mas bata ka naman sa amin. Marami ka pang mahahanap d'yan."

Mabuti na lang talaga at nabawi ko kaagad ang muntik ko nang sabihin. Kung hindi, magagalit na naman 'to, panigurado! Buti na lang at ngayon, natawa na lang.

Ilang sandali lang, nagbuntonghininga siya. "Ikaw? Bakit ka mag-isa dito? Walang nagsabi na pupunta ka."

I smiled before drinking my shot. Paubos na ang isang bote. Mabuti na lang at hindi pa ako lasing.

"I just think that I need to. Gusto kong magpahangin."

He chuckled. "Wala namang hangin dito." Hinawakan niya ang braso ko dahilan para mapatingin ako ro'n. "Halika. Lakad tayo."

Si Henz na ang nagbayad ng lahat ng kinain at ininom ko, dahilan para makaramdam ako ng sobrang hiya. Nang makarating kami sa parking lot, iniaabot ko sa kan'ya ang bayad.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon