22

331 17 0
                                    

    

 "Babe, I cooked you breakfast."

Iminulat ko ang mga mata at nakita si Dion na nakaupo sa gilid, bahagyang tinatapik ang pisngi ko. Ngumiti ako sa kan'ya bago nagpatulong bumangon. Mabilis niyang pinulot ang long sleeve na puti na suot niya kagabi na nasa sahig saka isinuot sa akin.

"Ayaw na sana kitang gisingin pero may pasok ka pa . . ." he added.

I smiled. "It's okay. Thank you."

He planted a kiss on my lips before carrying me to the dining area. Nakita ko na nagsangag siya ng kanin at nagluto ng meatballs. May nakahanda na ring kape ro'n at wala na akong gagawin pa kung hindi ang kumain na lang.

I chuckled. Parang reyna naman.

"Happy monthsary."

Napalingon ako sa kan'ya at nakita kong may isang pulang rosas siyang dala, saka ibinigay sa akin. Natatawa akong kinuha 'yon. February 7 na pala ngayon. Hindi naman talaga kami nagsi-celebrate ng monthsary dahil tuwing anniversary lang. Ayaw ko ng ganoong ka-OA na relas'yon. Hindi ko nga alam kung ilang buwan na kami, eh. Basta ang alam ko ay mag-a-apat na taon na kami. Sapat na 'yon.

"Ang corny no'n!" I laughed.

Tumatawa siyang naupo sa harap ko at kinuhanan ako ng litrato sa cellphone niya. Umamba akong aagawin pero mabilis niyang iniwas ang cellphone, pinipigilan ang kamay ko.

"Maganda!" He laughed. "Wait lang!"

Nagtipa siya nang nagtipa ro'n bago ibinigay sa akin ang cellphone niya. Tiningnan ko ang ni-post niya sa Instagram at ako 'yon, suot ang puting long sleeve niyang suot kagabi habang hawak ko ang pulang rosas, nakangiti habang nakatutok sa ilong ang bulaklak.

@dion.oliver: more beautiful than the flower itself

I laughed. It is indeed a beautifully taken photo of mine at this morning, kahit stolen. Nakangiti kong ibinalik sa kan'ya ang cellphone niya at saka kami sabay na kumain.

"Ihahatid na kita sa workplace mo," he said.

Uminom ako ng kape bago sumagot sa kan'ya. "Huwag na."

"Babe," he said in his authoritative voice. "I want to serve my queen again. Just let me, please. I missed you."

I chuckled. "Oh, sige na nga."

Miss ko na rin naman siya. Ayaw ko lang makaabala kaya ako tumanggi.

Nang matapos kumain, gumayak na kami. Pinauna na niya ako dahil daw ako itong matagal maligo tapos mag-aayos pa. Maliligo na lang daw siya habang nag-aayos pa ako.

Nang matapos gumayak, lumabas na kami sa unit ko at naghintay kami ng elevator para bumaba sa underground parking lot. Nang makitang kaming dalawa lang sa loob ng elevator, tumingin siya sa akin nang nakangisi bago hinawakan ang baywang ko at isinandal ako doon, saka ako siniil ng halik.

Natatawa akong humawak sa batok niya at hinalikan siya pabalik.

God, I missed him so much. Ang daming nagbago dahil sa ilang pangyayari, pero yung pagmamahal ko . . . nananatiling buo.

Naramdaman ko ang paghinto ng elevator dahil mukhang may papasok. Bibitiw sana ako sa mga halik niya pero kinagat niya ang labi ko, mas lalong hinila ang baywang ko papalapit sa kan'ya. Napasulyap ako sa mga papasok dahil sa ginagawa namin, pero nakitang hindi na sila tumuloy pa.

We continued making out inside the elevator hanggang sa makarating kami sa underground parking lot. Nakakatawa lang na walang nangahas na sumakay pa ng elevator dahil sa pinaggagawa namin ni Dion sa loob.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon