12

354 18 0
                                    

     

Nanlalamig ang mga kamay ko habang nasa loob kami ng sasakyan ni Dion. Nakahinto 'yon sa harap ng malaking-malaking bahay at may ilang sasakyan din na naka-park sa labas.

Hindi muna kami lumabas ng sasakyan dahil sabi ko, kinakabahan ako. I've never felt so terrified in meeting the family of my ex-boyfriends but this is Dion's family that we are talking about. Ang lahat-lahat sa kan'ya ay importante sa akin kaya natatakot ako sa kung anong p'wede kong marinig at maramdaman habang nasa loob ng bahay na 'yon.

Kanina ko pa kinukutkot ang kuko ng kamay kong malalamig, kanina pa rin ako binabawal ni Dion. Sa huli, hinawakan na niya ang mga kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa para mapigil ako sa bad habit ko.

I looked at him with terrified eyes. "They won't like me."

He smiled. "They will." He kissed the tip of my nose. "And if worse comes worse, I will still choose to love you." Ngumiti ako at tumango bilang tugon. "Let's go?"

Pakiramdam ko nga, thirty minutes na kaming narito sa labas kaya sa tingin ko naman, kailangan na talaga naming lumabas.

Hawak niya ang kamay ko nang nag-doorbell siya. Mabilis lang din at pinagbuksan kami ng isa sa mga katulong nila. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko habang naglalakad papasok sa mahabang pathway patungo sa double door ng bahay.

Nasa likod lang ako at nakasunod sa kan'ya pero lagi niya akong ipinapantay sa kan'ya.

Nang makapasok kami mula sa double door, sumambulat sa akin ang napakaganda at napakalaking mansyon. Akala ko, malaki na sa labas pero mas malaki pala itong loob. Napakalaking chandelier ang una kong napansin sa bawat parte ng bahay. Talaga namang alam mo na pamilya ng mayayaman ang may-ari ng ganito kalaking bahay.

Hinila niya ako papunta sa dining area kung nasaan may long table. Nakita ko ang mga taong nakaupo roon habang tahimik na kumakain. Lumapit kami sa matandang nasa kabisera ng lamesa at saka nagsalita si Dion.

"Good evening, Papa."

Nag-angat ng malamig na tingin sa amin ang lalaki. Sumulyap siya sa kamay naming magkahawak. Sa paraan kung paano niya 'yon tingnan, muntik na akong bumitiw sa kan'ya pero hindi niya hinayaan gawin ko 'yon dahil hinawakan niya ito nang mas mahigpit pa.

"This is Deli. My girlfriend."

Nakita ko ang pag-irap ng matandang lalaki bago ibinalik ang atensyon sa pagkain.

"Maupo kayo at kumain."

Kabang-kaba ako sa bawat segundong nasa loob ako ng mansyon na ito. Marahan niya akong hinila papunta sa mga bakanteng upuan. Naghila siya ng isa saka ako pinaupo, tapos, naupo siya sa gitna namin ng isang mukhang dalaga na tahimik lang na kumakain.

"Dion, have you talked to Paulyn?" the woman on the right side of his father asked.

Umiling siya. "No, Mama. There's nothing to talk about with her anymore."

Nagsandok siya ng pagkain sa plato ko habang ang mga kamay ko ay hindi na naman mapigilan ang paglalaro sa kuko ng bawat isa dahil sa nerbyos na nararamdaman.

"You agreed to that in the first place, hindi ka pinilit. You should man up and do as planned," matigas na sabi ng mama niya.

Nakita kong napatigil siya sa paglagay ng pagkain sa plato niya nang marinig 'yon, pero mabilis lang dahil ipinagpatuloy din kaagad.

"I think I should man up more and marry Deli. That's the manliest thing to do, Ma."

Napalingon ako sa sinabi niya. Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng kutsara at tinidor sa plato ng papa niya. Napalingon kaming lahat doon. Dumaan ang paningin ko sa mga nakaupo sa harap namin.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon