45

348 12 3
                                    

R-18 (slight lang hehe)


45:



Hindi natuloy ang plano ni Henz para sa amin noong gabing iyon kaya naman kinabukasan ay maghapong badtrip sa Mama hanggang sa mga sumunod na araw. Hindi pa kinikibo. Pinagtatawanan ko na lang. Napasarap din kasi ang kuwentuhan namin ng Mama niya noong gabing 'yon kaya naman nang makapasok ako sa kuwarto ay nakita kong tulog na siya.

Alam ko rin namang pagod siya dahil maghapon siyang nagdi-drive, kaya hindi na rin ako nagulat.

"Ma!" malakas na tawag ni Hennessey sa Mama niya mula sa hagdanan.

Nasa living room kami ng Mama niya, nagku-kuwentuhan.

"Kinuha mo na naman si Deli, akin na 'yan, aalis kami!"

"Noong isang linggo pa mainit ang ulo mo, Hennessey!!!" sigaw ng Mama niya.

Tumawa na lang ako nang kinuha ni Henz ang kamay ko at hinila ako paalis do'n.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang makaalis kami sa living room. "Hindi pa ako naliligo!"

Pumaywang siya sa harap ko nang may kunot na noo. Kulang na lang ay magdugtong ang dalawang makapal niyang kilay.

"Magdi-date. Sige na, maligo ka na."

Tumango na lang ako at umakyat na. Dahil tapos na ang lunch ay binilisan ko na lang ang pagligo para naman marami kaming mapasyalan ni Henz dito.

Nagsuot ako ng denim buttoned down casual dress at itim na sandals. Hinayaan kong nakabagsak ang buhok ko, nag-apply ng kaonting makeup tsaka lumabas na ng kuwarto.

Mabilis na tumayo si Henz sa couch nang makita na pababa na ako, pinaiikot ang susi sa daliri niya.

"Alis na kami, Mama. Huwag mo na kaming hintayin at umaga na kaming uuwi."

Napakunot ang noo ni Mama Pinky. "Hindi! Anong umaga, Hennessey?"

Nagbuga ng buntonghininga si Henz. "Ma, ang tanda ko na! Hayaan mo na kami ni Deli, 'no!"

Napapailing na lang ako sa tuwing naririnig ko ang pag-aaway nila ng Mama niya. Alam ko namang inaasar lang ng Mama niya si Henz kaya naman sinasakyan ko na lang ang trip ng Mama niya dahil nakakatawang panoorin na mabadtrip si Henz, sobra. Parang bata na nagta-tantrums.

Nakita kong isinakay niya sa backseat ang gitara niya at pagkatapos ay pinagbuksan ako sa shotgun seat at pinasakay ako ro'n. Pagkatapos no'n ay sumakay na siya ng driver's seat.

Nag-drive kami palabas ng malaking compound ng bahay nila, tapos ay pinagbuksan kami ng gate ng isang katulong sa bahay ng Lola niya na namatay na raw noong nakaraang mga taon.

"Badtrip na badtrip ka sa Mama mo, ah?" natatawang sabi ko.

Tumingin siya nang masama sa akin. "Isa ka pa, eh. Sinasakyan mo pa, eh."

Tumawa ako at hindi na nagsalita pa. Tiningnan ko ang orasan at nakitang pasado alas dos na ng hapon. Saan naman kaya kami makakarating nito?

Tahimik lang siyang nagdi-drive kaya naman napasulyap na talaga ako sa kan'ya at hindi na napigilan ang bahagyang pagtawa.

"Ang tahimik. Galit ka talaga?"

Tumingin siya sa akin bago nagbuntonghininga. "Hindi ako galit. Nakakainis lang talaga si Mama kapag inaasar ako," muli siyang nagbuntonghininga kaya natawa na talaga ako. "Lagi ka na lang sinosolo."

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon