43

309 13 0
                                    

43:



Isang malakas na pagputok ng kung ano ang narinig ko pagkabukas naming ng pintuan ng condo ko, at nakita ko ro'n ang mga kaibigan ko, maging ang mga pinsan ni Henz na naging malapit na rin sa akin.

"Congratulations on healing!!!" masayang bati nila sa akin.

Nakita kong may mga party hats pa sila at may mga pagkain na nakahanda sa dining table. Natawa na lang ako bago lumapit sa kanila at niyakap sila isa-isa.

"Hindi ko na pinapunta si Anna kasi sabi niya ay maglilipat sila ng gamit ngayon at sa mga susunod na araw," sabi ni KC at niyakap ako nang mahigpit. "I'm so happy that you finally recovered."

"Thank you, KC."

Kumalas siya ng yakap tsaka ngumiti. "Aika's going home too. Magtatayo sila ng firm dito ng Kuya niya, sa kan'ya na lang tayo magtrabaho," she chuckled.

Lalong sumaya ang puso ko sa dami ng magagandang balita na natanggap ko simula nang makalabas ako ng hospital. Lumapit sa akin ang mga pinsan ni Henz at niyakap ako, kinukumusta ako, at sinabing masaya sila para sa akin. Naging maingay na sila nang lumipas pa ang mga oras hanggang sa nakita ko na lang silang natutulog na sa sahig sa sobrang kalasingan. Natawa ako dahil doon.

"Deli, uuwi na muna ako, ha?" sabi ni KC habang hawak ang cellphone. "Baka hinahanap na ako ng anak ko, iniwan ko lang sa ama niya para dito, eh." She laughed.

Tumango ako at inihatid siya sa pintuan. Niyakap niya akong muli nang mahigpit bago tuluyang lumabas na. Bumalik ako sa living room at nakita ko si Henz na nakatalikod sa akin, nililigpit ang mga kalat ng pinsan at mga kaibigan namin. Napangiti ako bago tahimik na lumapit sa kan'ya at niyakap siya mula sa likod. Napahinto siya sa pamumulot ng bote na ginagawa niya.

"I love you..." I whispered as I put my head on his warm back, closing my eyes. "I love you, my Hennessey."

Naramdaman ko ang paghawak niya ng kamay ko sa tiyan niya bago kinalas iyon at hinarap ako. Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya, at ang ginhawa sa kan'ya, na para bang sa wakas ay nakamit na niya ang pinapangarap.

"D-Deli..." he sighed as he cried.

I chuckled as I tiptoed and planted a kiss on his lips. "I don't like younger men, but you're the only exception," I tiptoed and kiss him again. "I love you."

Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit, at pagkatapos ay umiyak nang umiyak. Narinig ko pa ang impit ng pag-iyak niya, kasabay ng paghigpit ng yakap niya. I tapped his back.

"Mahal na mahal kita," he said in his broken voice. "Sobrang mahal kita."

Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. "Mahal din kita, Hennessey. Mahal din kita..."

Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa kumalma siya.

***

Kinabukasan ay nagpahatid ako kay Henz sa Memorial Garden kung nasaan si Dion. Hindi na siya sumama sa akin sa loob, at sinabing maghihintay na lang siya sa akin sa labas. Pumasok ako sa loob dala ang bulaklak na ipinagawa namin ni Henz.

"Hi, babe," I greeted Dion as I put the bouquet down. "It took me so long to visit you again. I'm so sorry. Did you miss me?" I chuckled as tears fall. "Sorry, I need to mend myself first. And look at me now. Para akong bagong tao ngayon. Para akong bagong binyag." I laughed.

Naupo ako nang tuluyan sa damuhan bago hinagkan ang mga letra ng pangalan niya sa lapida.

"Thank you so much for coming to my life, Dion. Thank you for teaching me how to love like this...and thank you for loving me with your whole life. I understand now, that I might not tell you before that I love you so, you still never asked...even once, because you knew...so much. You already knew that I love you so much, but I can't put into words. I understand now, that you don't need the words from my lips, because I never stopped showing...right?"

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon