39

285 16 0
                                    

39:



Nang makabalik na sa trabaho ay dumiretso ako sa opisina ng boss ko at inilapag ang resignation letter. Nakita ko ang kunot ng noo ng head architect nang mabasa iyon.

"Why? This is so sudden, Architect. Is this about the last time I scolded you? You know that it's part of this job."

Ngumiti ako at umiling. "Hindi po, Architect. Matagal ko na dapat ginawa 'yan pero ngayon lang yata ang tamang panahon para dito." I sighed. "Alam niyo naman pong hindi ako stable, hindi ba? Aware ako do'n, at gusto ko munang ilayo ang sarili ko sa lahat ng puwede kong maidamay sa pagiging unstable ko. This is the best thing to do for me, Architect."

Marami pang naging tanong ang head sa akin bago ako pinayagan nang umalis. Bumalik ako sa cubicle ko at iniligpit na ang mga gamit ko.

"Bakit? Why are you leaving us?" tanong ni Architect Ella.

Ngumiti ako. "I need this."

Niyakap nila akong lahat at binigyan ako ng encouraging messages bago ako tuluyang umalis ng company. Gusto kong umiyak pero hindi ko na magawa. Parang masiyado na akong mahina para doon.

Nang makaalis ng company ay nagpagawa ulit ako ng bouquet of flowers bago dumiretso sa puntod ni Dion. Ibinaba ko iyon sa tabi ng lapida niya, at muling nakakita ng isang puting rosas. Hindi ko na iyon pinansin.

"Hi, babe. Nandito ulit ako." I chuckled. "Wala ka talagang balak magparamdam? May boyfriend na akong bago, hindi ka ba magagalit?"

For a moment, akala ko, wala na akong lakas para umiyak. Pero dahil nandito na naman ako kay Dion ay muling bumuhos ang mga luha ko.

"I'm sorry for having a boyfriend, Dion. Masaya talaga ako sa kan'ya, eh. Puwede ba 'yun? Puwede ba akong sumaya sa iba, Dion? Nakapangako naman ako sa iyong hindi ka mawawala sa puso ko...at alam niya 'yun...kasi ikaw pa rin naman ang laman ng puso ko, Dion. Alam niya 'yon. At handa siyang maghintay, kahit gaano katagal...hanggang sa bigyan ko na siya ng kahit kaonting puwang sa puso ko."

I wiped my tears with the back of my hands.

"But that's not the sole reason why I went here again. Alam kong madalas akong pumunta rito para magkuwento, pero...ito, hindi ko nalaman kaagad 'to. Nakakapagtampo si KC. Hindi niya kaagad sinabi sa akin na buntis siya. Nag-aalala raw siya sa akin dahil alam niya kung anong nangyari sa akin."

I gulped as I sobbed.

"Buti pa sila may anak na," I sobbed as I cried more. "Malaki na sana ang anak natin kung nag-ingat lang ako, at kung nalaman ko."

Tinakpan ko ang bibig ko at umiyak nang umiyak matapos balikan ang alaalang iyon.

"Buti pa kayo magkasama d'yan. Iniwan niyo akong mag-isa rito. Gusto kong magtampo. Sana isinama niyo na lang ako," I cried louder. "I miss you so much, Dion. I miss you so...much. At hanggang ngayon...mahal na mahal pa rin kita."

I calmed myself slightly before talking again.

"Hanggang ngayon, isa pa rin sa malaking pagsisisi ko ay hindi ko nasabi sa iyo, kahit isang beses lang sa loob ng apat na taon, na mahal na mahal kita, Dion. At hinding-hindi ako magsasawang sabihin sa 'yo ngayon na mahal na mahal kita...kaso wala ka na. Sana sinabi ko na lang kaagad. I'm sorry for depriving you of my I love you's. I'm sorry that you had to die without hearing it from me."

Patuloy lang ako sa pag-iyak habang paulit-ulit na sinasabi ang lahat lahat ng pagsisisi ko noong kasama ko pa siya.

Totoo nga talaga na sa huli mo na lang malalaman ang lahat ng pagkukulang mo, kapag wala na ang tao. Sa huli mo lang malalaman lahat lahat ng mga dapat mong gawin, na hindi mo nagawa habang kasama mo pa siya.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon