16

347 19 0
                                    

    

Kinabukasan, nagising ako nang ganoon pa rin ang pakiramdam.

Pakiramdam ko rin, hapon na o kung hindi naman ay tanghali. Nakita ko na may nakadukmo sa gilid ng kama ko. Sa buhok pa lang niyang malambot, alam ko kaagad kung sino 'yon.

Iginalaw ko ang kamay kong hawak niya nang mahigpit, dahilan para magising siya. Iniangat niya ang ulo at tiningnan ako. Nakita ko kung paano mamula ang mga mata niya bago marahang naupo sa gilid ng kama ko at marahan din na hinila ako para yakapin.

Muling bumuhos ang mga luha ko nang maramdaman ko kung gaano kasarap sa pakiramdam ng ganito . . . na may yayakap sa 'yo sa tuwing pakiramdam mo, mag-isa ka lang.

"I'm sorry, I wasn't there for you."

Hindi ko man lang magawang yumakap pabalik sa kan'ya dahil pakiramdam ko, wala akong lakas para iangat ang mga braso ko. Pakiramdam ko rin, hindi ako nararapat para sa yakap niyang 'yon.

"Patawarin mo ako, Dion," I said. "Hindi ko alam. Hindi ko sinasadya."

"Shh," he hushed me. "Wala kang kasalanan. Hindi mo ginusto ang nangyari, at hindi mo rin naman alam." Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang mga luha ko gamit ang dalawang kamay niya. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, Deli. Please . . ."

Umiling ako nang umiling. "Ang tagal ko nang gusto ng anak, Dion . . ."

He pursed his lips because I know that I was very vocal to him about that since before when he realized that I stopped taking pills. I told him how badly I wanted to have a baby and he supported me in that. He tried . . . we tried. At ngayong nasa akin na pala, hindi ko pa naramdaman. Hindi ko pa naalagaan.

"We can always make one."

"Hindi kasi gano'n!" I shouted. "Hindi mo maiintindihan . . ."

Tumango-tango siya at hinawakan ang kamay ko. "Naiintindihan ko . . . naiintindihan ko."

Muli niya akong niyakap pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang yakapin siya pabalik dahil sa sakit na nararamdaman.

"Tahan na . . ." he whispered. "Nag-alala ako sa 'yo. I'm sorry." He sniffed. "I'm sorry that I was away. I'm sorry. I thought I lost you too."

Muli akong napahagulgol dahil do'n. Why does he keep on saying sorry when it was my fault all along? Why does he have to be sorry when it was I who deprived him of his child?

Nang makapananghalian, tumawag sa akin si KC.

"Bakla! Hindi ka na naman online! Kausap ko sa Skype si Anna at KC kaninang lunch!"

They really have no idea . . . and it's alright.

"I'm sorry, m-medyo busy."

"Pumasok ka ba? Galing ako sa company n'yo kanina, wala ka raw."

I sighed. "Masama ang pakiramdam ko. Um-absent ako—"

"Puta, tinatablan ka ng sakit?!" Humagalpak siya ng tawa. "Punta ako r'yan, samahan kita hanggang sa maging maayos ang pakiramdam mo."

Sunod-sunud muli ang tahimik na pagtulo ng mga luha ko nang sabihin 'yon ni KC. Sigurado akong kung alam lang nila ang nangyari, baka higit pa rito ang sinabi niya. Baka sabihin pa n'on na doon muna siya sa condo ko titira dahil alam niyang may trabaho si Dion sa Cebu. Baka rin umuwi nang wala sa oras si Anna sa pagtatago niya kay George, kaya mainam nang wala silang alam.

"Ano, nandito si Dion. U-Umuwi siya kagabi."

"Wow, sweet!" She chuckled. "Puntahan kita d'yan minsan. Nakakasawa kapag puro sex sa jowa. Gusto kong makipagmurahan muna sa 'yo."

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon