18

343 18 0
                                    

     

Kalalabas lang namin sa sinehan at hindi pa rin tapos tumawa si KC dahil sa pinanood. Nakakapit siya sa braso ko habang naglalakad kami sa mall pero paminsan-minsan naiirita ako sa likot ng pagtawa niya dahil natatangay niya ang braso ko dahil doon.

"'Tang ina, do'n ka nga ang likot mo," sabi ko sabay alis ng braso ko sa kan'ya.

Pinagtawanan niya ulit ako bago muling kumapit sa braso ko. Napabuntonghininga na lang ako. Muli kaming naglakad at naghanap ng mapapasyalan sa SM MOA.

"Gusto ko pang manood," sabi niya. "Nabibitin ako sa lahat ng pinanood natin."

I scoffed. "Ang sakit na ng ulo ko, KC! Hapon na! Nakadalawa na tayong pelikula, maawa ka naman!" reklamo ko na tinawanan niyang muli.

Paano ba naman, pagkayari naming mag-agahan sa Starbucks, nag-aya kaagad manood ng sine. Nang matapos ang isang pelikula, nananghalian kami at saka ulit nanood! Ngayon gusto niya pa raw kahit na alas-tres na nang hapon!

Napailing na lang ako.

"Hmp! Sige na nga, maghanap na lang tayo ng mga damit."

Hinila niya ako sa loob ng mga store at naghanap ng mga damit na p'wede raw gamitin sa trabaho, bar, party, at kung sakali raw na ikakasal na kami ni Dion, may susuotin siya sa mga bridal shower ko kung sakali.

"Imposibleng ikasal si Anna sa ngayon dahil mukhang naka-move on na si Lola mo kay Papa George. Sayang lang ang halos isang dekada nilang relas'yon, pero wala, eh. Gano'n talaga. Kapag natauhan ang marupok, wala ka nang magagawa!" sabi niya habang itinatapat sa sarili ang mga dress na nakita. "Sinabi ko na kasi sa kan'ya noon, lahat ng mag-jowang nagpupunta sa Baguio, naghihiwalay din! Hindi naman naniwala!" Humagalpak siya ng tawa. "Pero sayang kung totoong naka-move on na siya."

I smirked. Naghanap na rin ako ng p'wedeng mabili.

"Mukha lang natauhan 'yon dahil malayo at hindi nakikita si George. Alam mo naman ang isang 'yon, sobra rin ang pagmamahal sa tao. Kapag nagkita ang dalawang 'yan, tingnan natin."

Tumawa si KC sa sinabi ko. "Tama ka d'yan, Bakla! Naisip ko rin 'yan! Excited na akong makita si Anna, sana umuwi na siya!"

Napangiti na lang ako at tumango-tango dahil gusto ko na rin makita ang kaibigan ko. Gusto ko rin ng kalinga ni Anna at Aika pero ayaw kong maging pabigat sa kanila kaya hahayaan ko na lang muna si KC pa lang ang may oras para sa akin.

At alam ko namang kaya ko kahit ako lang. Hindi na nga dapat ako samahan ni KC sa totoo lang. Wala nga siyang idea sa kung anong pinagdadaanan ko pero nandito pa rin siya.

Nakakailang paper bag na kami at kung titingnan, para kaming spoiled brat na anak ng bilyonaryo na walang alam kung hindi maglustay ng pera, pero siyempre, ako naman ang nagtrabaho para sa lahat ng ito kaya okay lang.

"Tara sa Robinson, mas marami pagpipilian doon."

Nagpahila na lang ako sa kan'ya at namili ng mga bagay na hindi naman kailangan. Madalang naman kaming mag-shopping spree pero kapag ginawa naman namin, talagang nauubos sa isang araw ang dalawang buwan na s'weldo ko sa apprenticeship. Mabuti na lang talaga malaki na sweldo ko ngayon.

Napailing na lang ako nang kwentahin ko ang lahat ng nagagastos kong 'yon. Hindi talaga magandang idea na nagkukwenta ka, eh.

"Uy, ang cute ng sapatos!" Tumawa si KC tapos pinakita sa akin ang topsider na pambata. "Pota, parang keychain!"

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Naramdaman ko ang sakit sa puso ko nang makita na nasa gawi na pala kami kung saan puro pambata ang mga gamit.

"Kapag nagkaanak kayo, naku, spoiled sa akin 'yon!" She chuckled as she scanned the clothes for infant. "Tingnan mo 'to, nakalagay, I heart Mommy, I heart Daddy. Pero ito ang gusto ko! I heart Ninang!"

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon