21

333 18 2
                                    

   

Simula noong magdesisyon kami ni Dion na maghiwalay na muna pansamantala, hindi muna kami nagkita. Hindi kami nag-uusap at alam kong kahit gusto niyang mag-text sa akin at tumawag para kumustahin ako, hindi niya gagawin dahil 'yon ang napag-usapan namin.

We need this break. Hindi man kami nagsasalita, alam namin sa sarili namin na kahit gaano namin kamahal ang isa't isa, nasasaktan na rin namin ang isa't isa.

Maybe this breakup will teach us, somehow, right?

"Do you want to go with me?" KC asked me on the other line.

May site visitation ako sa Bocaue at siya ang kausap ko ngayon habang ginagawa ang trabaho dito sa site.

"Saan?" I asked.

Ibinaba ko ang mga gamit na hawak ko at naupo sa monobloc chair para makipag-usap nang maayos sa kan'ya.

"Sabi ni George sa akin, may gig daw ulit sila Henz dito sa Manila. Pinapuntahan sa ating dalawa dahil ngayon na lang nga naman ulit nag-gig dito after almost four years. Hindi raw kasi nag-focus 'yon sa malalayong gig. Gusto niya tayong pumunta."

Uminom ako ng tubig dahil medyo mainit dito, bago sumagot. "Okay, anong oras?"

"Sunduin na lang kita. Sasakyan ko na lang yung gamitin natin. Hindi ko naman isasama si Tyrone, eh."

I chuckled. "Mabuti naman at committed ka na ngayon, kaloka ka. Ang tagal mo pinaghintay yung tao."

I heard her laugh. "Sulit naman yung pagpapahintay ko sa kan'ya."

I just realized how happy KC can be now. Hindi siya nagmadali sa pagkakaroon ng matatawag na boyfriend kasi para sa kan'ya, kung talagang mahal siya ng tao, maghihintay ito na maging handa siya.

Kahit na medyo hindi ako agree, wala na rin akong nagawa at sumang-ayon na lang. Masaya naman na siya.

At isa pa, si KC ang taong palaging sinasabi na hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya. She's strong and independent and I'm very proud of her because of that.

***

"I should've stayed at home
'Cause right now I see all these people that love me
But I still feel alone
Can't help but check my phone..."

Napataas ako ng kanang kilay habang umiinom ng mojito nang marinig ang magandang boses ni Henz sa stage. Nakita kong nakapikit ang mga mata niya habang nakadikit ang mga labi sa mic at kinakalabit ang gitara, nakasukbit sa kanang balikat ang strap nito.

"I could've made you mine
But no, it wasn't meant to be and see, I wasn't made for you
And you weren't made for me
Though it seemed so easy..."

Pumalakpak si KC sa tabi ko nang magkaroon ng mahabang pause ang kanta, dahilan para mapatingin sa amin ang bokalista. Ngumiti siya sa amin.

"Ang galing talaga ni Henz!!!" excited na sabi niya.

Tinawanan ko na lang siya bago inubos na ang laman ng baso. Sinalinan ko ng Tequila ang shot glass naming dalawa ni KC.

"And that's because I wanna be your favorite bo
I wanna be the one that makes your day
The one you think about as you lie awake . . ."

Muling sumulyap sa gawi namin si Henz. Itinaas ko ang shot glass para ipakita sa kan'ya. Gumalaw ang dalawang kilay niya nang sabay at saka ngumiti. I smiled at him as I drank my shot.

"I can't wait to be your number one
I'll be your biggest fan and you'll be mine
But I still wanna break your heart and make you cry . . ."

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon