31

294 15 0
                                    

   

"What happened?"

Napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko. Nandoon si Anna, naglalakad papalapit sa akin. Naupo siya sa tabi ko sa bench, sa labas ng reception hall.

Nagkibit-balikat ako at nagbuntonghininga, saka dinama ang malamig na hangin sa labas. "Feeling ko lang na may mali." I sighed again.

Ilang sandali pa, naramdaman kong may naupo sa kaliwa ako, si Aika. Para kaming mga avatar dito na nakasuot ng blue na gown at tabi-tabi sa isang lugar.

"What? Anong mali?" tanong ni Aika.

Nagkibit-balikat ako. "Kamamatay lang ng boyfriend ko nine months ago, tapos makikita n'yo akong komportable sa ibang lalaki?" I scoffed. "That's just . . . absurd . . . in the eyes of society."

"Tss!" Napalingon ako kay Anna. "Ano bang pakialam mo sa kanila? If he helps you heal, I don't see a problem with that. You're slowly healing, Deli. Ayaw mo ba n'on? Ayaw mo bang sumaya?"

Sumaya? The last time I let myself choose happiness, I lost Dion. I don't know if I can live my life again kung sakaling bawiin na naman ng mundo ang saya na tinanggap ko.

"Kaya nga. Hindi ka pa ba pagod na umiyak? Na masaktan? Nakaka-drain yun, Deli. Alam kong hindi ko naranasan yung mga naranasan mo pero . . . I just think that, you still deserved to be happy. Why won't you let yourself heal and be happy again?" sabi ni Aika.

I smiled. "Ayaw ko na munang isipin 'yan. Mananatili na muna ako sa tahanan ko . . . sa pagmamahal ni Dion."

Alam kong may punto sila. I've been suffering these past months and years because of the two tragedies in my life. I don't think I can be happy that same way again. Sinusubukan ko namang bumalik sa dati, sa palamura at maingay nilang kaibigan. Pero kung sasabihin nilang deserve ko rin sumaya, kahit sa ibang tao na . . . hindi ko na tatanggapin 'yon.

"At isa pa . . . hindi ko kailangan ng ibang tao para sumaya," I said. "Kaya ko naman sigurong pasayahin ang sarili ko nang mag-isa, tutal, masiyahin naman akong tao noong nakilala n'yo ako, 'di ba? I think I can do that again. Bakit kailangan ko pang dumikit at iasa sa ibang tao 'yon, 'di ba?"

Hindi na sila nagsalita pa. Nanatili na lang kaming tahimik habang nakaupo sa madilim na kinalulugaran namin ngayon.

Nang matapos ang party, nauna na akong umuwi sa kanila. Wala na akong lakas para makisaya pa kasama sila. At isa pa, 2:30 a.m. na. Sa tingin ko naman, p'wede na akong magpahinga.

Naligo ako sa condo at nagbihis ng usual na pantulog. I was so ready to sleep but it has always been so hard. Lagi na lang ganito. Tuwing gabi na lang akong nahihirapang matulog!

I checked the time and it's already almost 4:00 a.m. Bumangon ako at binuksan ang drawer. Kinuha ko ang bote ng sleeping pills at kumuha ng dalawang piraso, saka lumabas ng k'warto.

Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig, pero mabilis na mabilis lang, naramdaman kong may nagbukas ng palad kong nakasarado. Kinuha niya ang sleeping pills sa loob nito saka itinapon sa basurahan nang padarag.

Napaawang ang bibig ko nang makita si Henz na nakatitig sa akin ngayon gamit ang bahagyang namumulang mga mata . . . parang galit.

"H-Henz . . ."

"I told you that too much intake of sleeping pills are not good for you," he said in his husky voice. "Why can't you stop taking them?"

Nag-iwas ako ng tingin. "H-Hindi nga ako makatulog."

"Then call me!" he almost shouted, dahilan para mapaawang na muli ang bibig ko. "I will make you sleep damn soundly without taking those pills, Deli! Kaya ko naman 'yon, 'di ba? Ilang beses na kitang napatulog nang hindi gumagamit ng sleeping pills! Bakit hindi mo hingin ang tulong ko?"

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon