23

312 16 0
                                    

   

I pulled him up but he just won't stand up.

"Tumayo ka na please . . ." I said, begging. "Dion, please . . . stand up."

He smiled. "Answer me first, please," he said, almost begging too.

Napapikit ako nang mariin sa paraan kung paano niya ako tanungin n'on.

"Oo . . ." I nodded as I pulled him up again. "Oo na, yes. Please, stand up now."

Kinuha niya ang singsing at isinuksok sa daliri ko. Halos iurong ko ang daliri ko dahil sa ginawa niya dahil sa totoo lang, takot na takot ako. Mahal na mahal ko siya at natatakot ako.

Tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit. "I love you. Deli, I love you."

Narinig ko ang palakpakan ng mga taong nanonood sa amin, pero hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko. It was painful to look at their happy faces when inside, I am scared . . . so scared to be happy.

Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon pero umiiyak pa rin ako. Gusto kong pigilan ang mga luha ko pero hindi ko magawa. Dion is still holding my hand. Hindi pa kami umaalis sa Cloud9 at hindi pa siya nagdi-drive.

"It . . . wasn't a yes . . . right?"

Napalingon ako sa kan'ya. Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya. Hawak pa rin ng dalawang kamay niya ang kaliwang kamay ko, ayaw bitiwan. Nakabukas ang aircon, at p'wede na siyang mag-drive, pero pakiramdam ko, wala rin siyang lakas matapos matanto kung anong nangyari kanina.

"Dion . . ." I said in a broken voice.

Hindi ko alam kung ano ang magiging sagot ko tungkol dito. Takot lang ang unang pumasok sa isip ko, dahil hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang katotohanan na sobrang dami niyang naisakripisyo para sa relasyon naming dalawa.

Natatakot lang ako na baka magsisi siya na sa akin niya napiling mag-settle down.

I've done the worst in this relationship. This proposal is actually long overdue based on what he told me earlier. Maybe it happened for a reason, right? Baka hindi pa ito yung panahon. At baka hindi ako ang nararapat, kahit na ito man ang panahon.

"You don't want to spend your lifetime with me?"

"No!" I said as I looked at him. "Hindi 'yan. Dion, kung may pakakasalan ako, ikaw at ikaw lang. Kahit paulit-ulit pa . . ." I cried again. "Pero hindi mo ba naisip?"

Lumunok siya at tumingin sa akin nang may nangingilid na mga luha. "Ano pa ba ang dapat pag-isipan? Noon ko pa gustong gawin 'to, pero laging hindi naaayon sa plano ko! Lagi na lang may humahadlang!"

"Dion . . ." I called him. "Naisip mo ba na . . . sobrang worth it ko bang tao? Kasi hindi ko mahanap yung worth na 'yun para magsakripisyo ka nang sobra."

Lumunok siya at nag-iwas ng tingin bago hinarap ako nang may galit na mga mata.

"Deli, you're worth more than anything!" he said as his tears fall. "Wala na akong pakialam sa lahat ng isinakripisyo ko, kasi ikaw na ang lahat-lahat ko!"

"Pero naiwala ko yung anak natin!"

"Hindi mo kasalanan!"

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kanang kamay dahil hanggang ngayon, hindi niya pa rin binibitiwan ang kaliwa ko. Umiyak lang ako nang umiyak sa palad ko nang maalala ang trahedyang 'yon.

"Hindi mo naman alam. At kung alam mo man, hindi mo pa rin kasalanan dahil sensitibo kang magdala ng bata, Deli. Hindi mo kasalanan na mahina ang kapit ng bata."

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon