14

348 16 0
                                    

R-18

   

Halos sabay-sabay kaming nakarating sa Sky High Bar sa Pasig, malapit sa condo ni KC. I suddenly missed the presence of Aika in this kind of situation dahil yung kalandian niya minsan ang talagang nagpapasaya sa akin.

"Mga bakla! Kumusta?!" masayang bati ko sa kanila nang matapos mag-park ng sasakyan. Nakita ko silang dalawa na naghihintay sa labas dahil siguro alam nilang malapit na ako.

Nagyakap kaming tatlo dahil tunay namang miss na namin ang isa't isa.

"Nasaan si Papa Dion?" tanong ni KC habang naglalakad kami papasok sa loob.

"Nasa Cebu pa, may project."

Napuno na ng malakas na tugtugan ang mga pandinig namin kaya naman nagmadali na kaming pumunta sa pwestong pina-reserve ko saka nag-order ng Bacardi at Jack Daniel's.

"Treat ko 'yan! Kayo na bahala sa chips, o kung ano ang gusto n'yo." I laughed.

"Naku, nagiging galante ka na, ha?" pang-aasar ni Anna.

"Tss. Buti hindi sumama si Papa George?" tanong ko sa kan'ya.

Ilang sandali pa, dumating na ang in-order kong mga alak at saka shot glass. Sabay naming binuksan 'yon ni KC.

"Naku, kasama pa ang mga katrabaho niya. Hayaan mo siyang magsaya ro'n." She chuckled before drinking the very first shot glass filled with Bacardi.

Bakit pakiramdam ko, hindi lang ako ang may problemang puso dito?

"Hay, nako, kalimutan nga muna natin 'yang mga lalaking 'yan sa buhay natin at magsaya na lang tayo!" sabi ni KC bago nag-angat ng shot glass. Nakipag-cheers kami ro'n saka uminom.

"Mag-video tayo, send natin sa pokpok na nasa ibang bansa!" sabi ko na pinagtawanan naman nila.

Tulad ng sinabi ko, v-in-ideo namin ang sarili nang magkakasama sa kani-kan'yang cellphone at saka ni-send sa group chat naming apat. Mabilis siyang nag-reply.

Virgin MOMOL Girl Aika:

Napakasama ng ugali n'yo!!!

Pinagtawanan na lang namin siya at sinabing bumawi na lang sa pag-uwi niya. Um-oo naman siya at hinayaan kaming mag-enjoy.

Hindi nauubos ang kwentuhan namin pero alam ko sa sarili ko na pare-pareho lang kaming may iniiwasang pag-usapan kaya naman nilunod namin ang mga sarili namin sa alak. Bahala na kung paano kami makakauwi mamaya.

Nang makaramdam ng tama ng alak, magkakahawak ang kamay naming pumunta sa gitna ng dance floor at sumayaw nang sumayaw na parang walang problema sa mundo. Sa maikling sandaling 'yon, muling pumasok sa isip ko ang lahat ng nangyari para sa araw na ito. Naramdaman ko ang mabilis na paglandas ng mga luha sa pisngi ko na mabilis kong pinalis.

They can't know that I am not really fine. Hindi rin naman sila okay para intindihin pa ako.

Nang mapagod, bumalik kami sa puwesto at um-order ng Jose Cervo at muling uminom.

"Ahh, putang ina mga weak!" sabi ko saka humagalpak ng tawa nang makita ko kung paano sila magreklamo sa pag-order ko ng bagong bote ng alak.

"Sus! Eh 'di ikaw na manginginom!" bulyaw ni KC na kitang-kita na ang kalasingan sa kan'ya ngayon.

Anna's face is very red when he took the Jose Cervo. Kanina pa rin inom nang inom 'to, ah? Parang may gustong kalimutan.

I just laughed at how I chose the right circle of friends. Graduate na kaming lahat, tapos na sa apprenticeship, nakapasa sa licensure exam at may kani-kan'yang trabaho pero nandito pa rin kami para sa isa't isa sa lahat ng oras.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon