38

311 13 0
                                    

     

Kumatok siya sa pinto ng k'warto ko hanggang sa siya na rin ang nagbukas. Hindi pa ako tapos gumayak kaya naman hinayaan ko na siyang pumasok.

"Ready ka na?" tanong niya nang maupo sa kama ko.

"Wait lang."

Kumuha ako ng lipstick at ipinahid 'yon sa labi ko. Nakita ko sa reflection ng salamin na tumayo siya at naglakad papalapit sa akin. Lumingon ako sa kan'ya habang pinapantay ang lipstick ko.

"Bakit?"

Tumawa siya. "You shouldn't put lipstick anymore."

Napakunot ako ng noo. "Bakit naman?" tanong ko.

Tumawa siya bago yumuko at hinalikan ang labi ko. Natawa ako bago pinaghahampas ang dibdib niya, pero hindi pa rin ako binibitiwan.

"Hennessey!" natatawa kong saway sa kan'ya.

Sa ilang beses kong pagsaway sa kan'ya, hindi niya binitiwan ang labi ko, hanggang sa natawa na lang ako at kumapit sa batok niya at hinalikan siya pabalik. I felt his mouth sucked mine. I almost moan.

Ilang sandali lang, kumalas na siya nang may ngiti sa labi. "Better."

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. My lips are slightly swollen! Tiningnan ko siya nang masama bago siya tumakbo palayo sa akin. Hinabol ko siya palabas ng k'warto at pinaghahampas dahil sa kalokohan niya.

Wala pa kaming relasyon pero ganito na siya . . . at hindi ko alam kung bakit hindi ako nagrereklamo!

Nang matapos akong gumayak, bumaba na kami at nagpunta sa parking lot. Pinatunog niya ang sasakyan saka ako pinagbuksan sa shotgun's seat. Nang makasakay na ako, isinarado na niya ang pinto bago umikot para makasakay sa driver's seat.

"Pupunta rin si Anna at George?" tanong ko.

Nang ini-start niya ang engine, saka lang siya sumagot. "Oo naman. Lagot sila kay Mama kapag hindi sila pumunta."

I laughed. Nag-drive na siya paalis doon. Hindi ko alam kung anong oras na kaming makakarating doon, pero pakiramdam ko, maggagabi na dahil tanghali na kaming umalis.

Sa haba ng byaheng 'yon, hindi ako nakatulog dahil sa dami ng pinagkukwentuhan namin ni Henz tungkol sa mga pinsan niyang ang dami-dami.

"Ang cute n'ong Ruby!" sabi ko. "Gandang-ganda ako ro'n, ang liit!" Tumawa ako pagkatapos.

He laughed at my remark. "Ang yabang mo, sakto lang naman ang height mo!" he said. "Huwag mong sasabihin kay Ruby na maliit siya, mag-aaway kayo."

Tumawa ako nang tumawa nang makaisip ng plano. "Pikon ba 'yon?"

"Sobra! Ang hilig pang manabunot." He sighed.

Muli ko siyang pinagtawanan. "Sino yung kapatid niya?"

"Solong anak 'yon. Kaya spoiled 'yon. Pero magkakasundo kayo n'on, pareho kayong maingay, eh." Lumapit ako sa kan'ya at sinakal siya kunwari na tinawanan naman niya. "Mababangga tayo!" natatawang saway niya sa akin.

"Maingay ako?!"

"Oo!" He laughed as I choked him more.

Ilang sandali pa, huminto siya sa gilid ng kalsada saka ako hinil paupo sa kandungan niya. Napahinto ako at nag-init ang mukha ko dahil sa posisyon namin ngayon.

"You know we can just not go to Baguio and stay like this, Deli." He chuckled.

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. "T-Tumigil ka, magagalit ang Mama mo!"

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon