32

301 15 0
                                    

   

Sa buong maghapon na kasama ko si Anna, kahit na nagkakatuwaan naman kami, talagang ramdam na ramdam ko ang hinanakit niya kay George. Hindi siya humingi ng tulong ko noong umalis siya at hindi nagsabi kung nasaan. Talagang humanga ako dahil kinaya niya 'yon nang mag-isa. Sa nakita ko sa kan'ya sa maghapon, siguro sobrang hina niya rin noong mga panahong mag-isa siya.

I wish I was there for her . . . pero noong mga oras na yun, pinoproblema ko rin ang pagkawala ng anak ko. Baka mas lalo lang lumala ang sakit na nararamdaman namin kung sakaling dinamayan namin ang isa't isa.

Hindi ko pa rin nasasabi kay Anna at Aika ang tungkol sa pagkawala ng anak ko, pero sa susunod siguro, kapag kaya ko na . . . kapag sigurado na akong hindi ako magbi-breakdown kapag in-open ko ang tungkol doon. Baka no'n ko pa lang masabi sa kanila.

Bago ako umuwi, malakas ang loob kong mag-aya ng bar dahil alam ko namang si Henz ang magdi-drive sa akin pauwi. Hindi ko na sinabi sa kan'ya na kasama ko si Henz dito, kahit na kinumusta niya naman sa akin. Ayaw ko lang na mabigyan pa nila ng malisya ang tungkol dito. Malisyosa pa naman itong si Anna.

Habang nag-iinuman kami sa loob, nakita ko kung gaano kalaki ang pinagkaiba ng bar dito sa bar sa Manila. Mas nararamdaman ko ang respeto ng tao rito kaysa do'n. Masyado kasing wild ang mga taga-Manila, sa totoo lang.

Bigla ko tulog na-miss ang Classmate na pinupuntahan namin noong college kami.

Nang lumabas kami matapos makainom nang kaunti, doon ko lang nasabi ang lahat ng hinaing ko tungkol sa bagay na 'yon.

"'Tang ina, buti pa rito may respeto mga tao kahit lasing na!" sabi ko nang makalabas kami sa Drop Out bar. "Taena sa BGC mga nag-aaya agad ampota, pokpok ba?" I laughed. Maging si Anna ay natawa nang matanto 'yon.

Naglakad na kami papunta sa parking lot. Nakapagsabi na rin ako kay Henz na paalis na ako kaya malamang, naghihintay na siya sa akin ngayon.

"Kaya mo bang mag-drive? Gusto mo ipag-drive kita?" tanong ni Anna.

Wow, ha? Ako pa ang tinanong niya? Ano ako, weak?

I pointed at myself. "Anna, ako ba itong minamaliit mo sa inuman?" Pinagtawanan niya ako. "Hindi nga ako nahilo! Kayang-kaya ko, 'no!"

Totoo namang hindi ako nahilo dahil isang bote ng Tequila lang ang naubos namin. Hindi pa nga naubos, iniwan niya pa ang kaunti do'n dahil baka raw malasing ako. Ang kapal ng mukha! Ako pa raw ang malalasing, amputa.

Tumawa siya. "Oo na!"

Ngumiti ako sa kan'ya nang huminto kami sa paglalakad matapos makarating kami sa parking lot.

"Basta ikaw, ang gusto kong gawin mo, umuwi ka kay George."

Umuwi . . .

Bigla kong naisip ang sarili ko. Paano pa ako makakauwi kung umalis na ang tahanan ko at iniwan akong mag-isa dito? Gusto kong magbuntonghininga pero pinili kong magsabi ng mga bagay tungkol sa paano naming nasubaybayan ang relasyon nilang dalawa ni George, dahil sa totoo lang, hindi ang preparation nila sa kasal ang pinanghinayangan ko kung hindi ang relasyon nila.

They were too precious for me. Ayaw kong mauwi sila sa hiwalayan, kasi alam ko naman na mahal na mahal nila ang isa't isa, higit pa sa nakikita namin.

"Nand'yan na siya sa 'yo, kasal na lang ang kulang. At gusto kong maging masaya ka. Kahit ikaw na lang, kahit huwag na ako, Anna, kasi sa totoo lang, mas nanghinayang pa ako sa relasyon n'yong dalawa kaysa sa relasyon namin ng jowa ko."

I tried to joke about my relationship with Dion but I ended up breaking my own heart. Tumawa ako pero nangilid lang ang mga luha ko. Nakita ko kung paano lumungkot ang mga mata niya sa pagbanggit ko ng huli.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon