09

404 26 0
                                    

R-18

   

Hindi ko na alam kung paano ako nasundo ni Dion sa condo nila Aika at KC. Basta ang alam ko lang ngayon, nakasakay na ako sa sasakyan ni Dion at kinakanta ang kantang minsan kong narinig.

"Waitin' for a minute 'til the sun's seen through my eyes
Make it down down, d-d-down
Diggy dig down, du du du du . . ."

Tumawa pa ako nang tumawa dahil sa totoo lang, hindi ko na alam kung tama ba ang mga lirikong binabanggit ko. Hindi ko naman nakabisado ang kantang 'yan at ilang buwan ko nang hindi naririnig.

Huminto siya sa pagdi-drive at pinagbuksan ako ng pintuan. Inakay niya ako palabas doon at naramdaman ko ang pagsakay namin ng elevator.

"Dito ka na matulog," I said as I touched his face. He chuckled. "Please?"

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa mukha niya at pinatakan ako ng halik sa labi. "Okay, ma'am."

Lumabas kami ng elevator saka ako muling inakay papunta sa unit. May kinuha siya sa bag ko—pakiramdam ko susi 'yon ng unit. Nang makapasok kami at maisarado niya ang pintuan, niyakap ko siya at paulit-ulit na hinalikan ang labi.

He laughed. "Sana pala lagi kang lasing, eh."

Hinatid niya ako sa kwarto ko pero hindi ko pa rin siya nilulubayan sa paghalik.

"Kukuha ang ako ng bimpo at tubig, lilinisin kita."

"No," I said. "Dito ka lang."

He chuckled before lying beside me. "Sleep now, babe. So I can clean you."

Umiling ako at muli siyang siniil ng halik sa labi. I felt him laugh while our lips were kissing mine before I felt his hands pull the back of my head, pulling me closer to him, kissing me deeper.

I gasped when I felt him bite my lip, making me moan a little. I felt his tongue play inside my mouth as he pulled my head closer to him. When he broke the kiss, I almost chased for his lips.

"Hmm," reklamo ko.

He chuckled. "Not when you're drunk, babe." He kissed me again for a few seconds. "Sleep now. I love you."

I hugged him. "I love you. I love you so much. I love you more."

And after that, I finally fell asleep.

***

Nang magising ako kinabukasan, wala akong ideya sa pinaggagawa ko, pero sa tingin ko naman, hindi ako naging wild katulad ni Aika dahil wala naman silang sinabi. Siguro, nag-pass out lang ako. Ang alam ko lang, mas naging clingy sa akin si Dion simula noong magising kami.

A few months later, dumating na ang araw ng paglabas ng resulta ng ALE. Nag-usap-usap kaming magkakaibigan na hindi kami magkakasama sa pagtingin ng resulta dahil ayaw namin makita ang reaksyon ng isa't isa kung sakaling bumagsak kami.

Umaga pa lang, posted na ang resulta pero hindi ko 'yon tinitingnan. Hindi rin ako nagbubukas ng cellphone at wala akong sinasagot na tawag ng kahit na sino—text or chat—dahil baka mamaya, wala naman pala ako ro'n sa listahan. Mahirap na.

Sabi ni Dion, sabay daw naming titingnan ang resulta ng ALE ko. Ayaw ko pa nga noong una dahil nahihiya ako. Paano kung bumagsak ako, hindi ba? But he assured me that I'll pass.

"And if you don't pass, nothing will ever change, babe. I'll still love you as always."

At dahil doon, nakumbinsi niya akong pumayag na sabay naming tingnan ang resulta.

Maghapon akong nanonood ng series sa Netflix dahil sa pag-iwas kong hawakan ang cellphone at laptop para i-check ang resulta pati na rin ang mga messages sa akin. Bukas pa kami magkikita ng mga kaibigan ko dahil 'yon naman ang napag-usapan, na after lumabas ng resulta, magkikita-kita kami kinabukasan. Baka lang 'di ba may bumagsak sa amin.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon