29

287 19 0
                                    

   

Nagpahatid ako sa Taguig—kung nasaan ang condo unit ni Dion. Nakasunod sa akin si Henz nang tahimik pero alam kong marami siyang tanong. Pinindot ko ang 35th floor kung nasaan ang unit niya. Ramdam ko ang mga tinging nagtatanong ni Henz sa akin pero hindi na 'yon ang pinagtuunan ng pansin ko.

Nang bumukas ang elevator, lumabas ako kasunod siya. Pumunta ako sa unit ni Dion at nag-buzz. Napalunok ako sa sakit ng naramdaman dahil wala nang magbubukas nito para sa akin . . . wala na. Ako na lang ang magbubukas n'on . . . ako na lang.

Kinuha ko ang sariling kopya ng susi at binuksan ang pinto. Pumasok ako ro'n at nakita ang napakaganda at napakaayos na unit ni Dion. Everything is white but with a little touch of grey and black. Maluwang—halos triple ng unit kong para sa akin malaki na.

Hindi ito ang penthouse pero sobrang laki talaga nito kung tutuusin. May k'warto sa itaas pero hindi rin naman nagagamit dahil siya lang mag-isa. Madalas pa, sa akin na siya umuuwi simula nang maging kami.

Naupo ako sa itim na couch at iginala ang kamay sa espasyo sa tabi. I remembered how we made love here the first time we did it in his place. Even in the kitchen, I can still remember it. I remembered how he always hug me from behind whenever I am cooking or washing dishes . . . then we'd make love afterwards.

"Miss na kita . . ." I said as my voice broke.

Tumayo ako at pumasok sa k'warto niya, kung saan namin madalas gawin 'yon. He didn't want to make love to me in any inappropriate place, especially when he felt like I would be uncomfortable. He says that I deserved all the comfort in the world.

Nahiga ako sa kama niya at niyakap ang isang unan at doon . . . umiyak nang umiyak.

"Miss na miss na kita . . ." I said while crying the pain out loud. "I'm sorry for all the pain. I'm so sorry I never told you how much I love you. I'm so sorry . . ."

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na umiiyak. Nakatulog ako sa kama niya nang nakayakap sa unan.

Nang magising ako, pakiramdam ko hapon na. Bumangon ako at binuksan ang closet niya. Kumuha ako ng isang damit niya at hinubat ang top and pants ko, para 'yon lang ang isuot. Panibagong mga luha ang lumabas nang mapagtanto ko na ang pulang damit na ito ang kauna-unahang damit niya na isinuot ko.

Hindi ako lumabas ng kuwarto. Sa halip, bumalik ako sa pagkakahiga at niyakap muli ang unan. I stayed like that, until a few minutes later, someone knocked on the door.

"Kain ka na," sabi ni Henz. "Alas-dos na. Kumain ka na muna."

Tumango lang ako pero hindi bumangon. Nanatili akong nakapikit at yakap ang unan. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama ko.

"Gusto mo ba siyang . . . puntahan?"

Iminulat ko ang mga mata at nakita ang mga mata ni Henz na malungkot na nakatingin sa akin. Tumango ako bilang tugon.

"Okay, puntahan natin siya. Pero sa ngayon, kumain ka na muna."

Kinuha niya ang kamay ko at marahan akong hinila para bumangon. Nang maupo, muli siyang nagsalita. "Can you . . . walk?" I nodded.

Tumayo ako at inalalayan niyang maglakad palabas ng k'warto. Pumunta kami sa dining area. May mga takeout ng pagkain doon mula sa isang kilalang restaurant. Pinaghila niya ako ng upuan saka siya naglakad papunta sa harap ko. Nagsimula na kaming kumain.

There were too many foods. Feeling ko, kahit maubos ko 'yon, hindi ako mabubusog. I don't know what happened to me but every time I feel like this, all I want is to eat . . . and eat . . . and eat . . . until I'll need to vomit everything for too much stomach ache.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon