49

371 15 0
                                    

49:



"Delilah, the first time I saw your picture, I'm already drawn to you," I chuckled. "Alam ni George kung gaano ako nabaliw sa iyo nang dahil lang sa litrato, kaya naman ilang beses ko siyang pinilit na papuntahin kayo rito...sa Baguio. I wanted to meet you and see if my feelings are just infatuations or have I already fallen in love?"

Pinagtawan ko siya dahil sa huling sinabi niya.

"You just look like an angel in that picture...it feels like you were someone who's weak...who needed someone to take care of you. But George and Anna warned me of how noisy you are."

The guests laughed when I gave him a deadly glare. He laughed.

"But that doesn't stop me from trying to convince George to make me meet you. But...things happened, right? You have boyfriend...uhm, that...college boyfriend?" he chuckled. "I went in Nueva Ecija one time, hindi pa ako kilala ni Anna. George showed me your house, and there I saw you with your boyfriend, happily chatting at your backyard. So, there... I stopped. Kasi parang wala naman sa akin noong nakita kita," he laughed. "Nainis lang ako pero hindi ka naman maganda, sabi ko pa sa sarili ko noon."

Muling nagtawanan ang mga guest. Maging ako ay natawa dahil do'n.

"Pero baka bitter lang ako no'n, kasi noong nakita ko ulit ang picture mo, kasama si George, naka-tag siya noon, eh. Kaya ko nakita. Para na naman akong nawala sa sarili at inaya ang mga kabanda ko na kumuha ng gig sa Strumm's, kasi sabi ni George ay iyon daw ang malapit sa 'yo."

Tumingin ako kay George at kumindat lang siya sa akin bilang tugon sa masama kong tingin sa kan'ya.

"Kaso may pumoporma na sa 'yo...engineer pa. Anong laban ko?" he laughed. "Naikuwento ko naman na ang mga sumunod na nangyari sa 'yo, 'di ba? Basta ang alam ko lang, nawalan na ako ng gana sa lahat...sa sarili ko...nang makita ko na masaya kayong nag-celebrate ng anniversary niyong dalawa."

Tumango ako at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya.

"Tragedies really do happened in life unexpectedly, and you've had yours twice...just few years apart. Nakakapagsisi na sobrang huli ko nang nalaman ang tungkol sa unang delubyo ng buhay mo...kaya naman noong umalis siya...noong lumisan siya sa mundo, pinili ko ang manatili sa 'yo...kasi gusto kong maging parte ng paghilom mo. Inisip ko pa noon...okay lang kung hindi mo ako mahalin, Deli. Ang mahalaga naman sa akin ay... maghilom ka... umayos ang puso mo..."

Nag-init ang mga luha ko nang maalala kung paano siya magmakaawa sa akin na hindi niya kailangan ng kapalit...kasi sapat nang nasa tabi ko siya...na nasa tabi niya ako.

"Sobrang hirap sa aking panoorin ka na...nagdudusa. Na pinagdudusa mo ang sarili mo sa mga kasalanang hindi mo naman ginawa. Ang hirap... ang sakit panoorin. Paulit-ulit sa puso ko 'yung... 'yung parang sinasaksak... kasi masayahin kang tao, 'yon ang pagpapakilala nila sa akin tungkol sa 'yo. Paminsan-minsan ay pinanonood din kita sa malayo noong hindi pa nangyayari ang lahat. At nakita ko na masaya kang tao...kaya hindi ko matanggap na umabot ka sa ganoong punto ng buhay mo. Hindi ko matanggap. Ang sakit."

Umiyak na siya nang umiyak habang hawak ang mic at nagsasalita, inaalala ang nakaraan.

"Hanggang sa isang beses, naramdaman ko... hindi ka nagsasalita, wala kang sinasabi, pero alam ko na minamahal mo na rin ako. Alam ko 'yun. Wala kang salitang sinasabi, pero alam ko 'yung mga tinging iyon... 'yung pagbanggit mo sa pangalan ko... 'yung pagtawa mo... alam ko lahat ng 'yon...kasi ganoon ako sa 'yo. Kaya nagkaroon ako ng katiting na pag-asa na baka puwede mo akong mahalin... kahit tira-tira lang mula sa pagmamahal mo sa kanya..."

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon