17

348 20 1
                                    

     

It's been months since Dion came home to me. Gaano man kalaki ang condo unit niya kaysa sa akin, hindi siya umalis sa tabi ko at hindi muna umuwi sa condo niya.

"Anong gusto mo kainin?" Dion asked me as we both wake up, still lying on the bed.

Walang trabaho ngayon dahil weekend. May mga projects pa rin siyang tinatanggap pero puro malalapit lang ang site. Feeling ko nga, tinatanggihan niya ang mga offer sa kan'yang big projects para samahan ako rito dahil alam niyang kahit na sampong buwan na ang nakakaraan simula nang mamatay ang anak ko . . . hindi ko pa rin kayang ibalik ang dating sarili ko. I gulped at the first thought.

Mamatay ang anak . . .

Hindi ko alam na 'yon na pala ang pinakamasakit na salitang puwede kong masabi sa buong buhay ko. Sobrang sakit na pakiramdam ko . . . hindi na ako makakaahon.

"Kahit na ano, okay lang."

I feel so bad for Dion.

Sobrang haba ng pasensiya niya sa akin kahit na alam kong hindi lang naman ako ang nawalan . . . siya rin. Gaano man kalamig ang pakikitungo ko, pilit siyang gumagawa ng paraan para iparamdam sa akin na hindi siya mawawala.

He makes me feel assured that I will always have him . . . that he'll always be there . . . my home.

He hugged me tight as he kissed my forehead. "Do you want to go out?"

Umiling ako. "Gusto ko dito."

He nodded slightly. "Miss ka na ni KC. Hindi mo raw siya gaanong kinakausap."

I smiled. "She can come over if she wants."

Tumango siya at nanatili na muna kaming nakayakap sa isa't isa bago siya tumayo at nagsuot ng damit na pinulot sa sahig, saka lumabas ng k'warto para magluto ng agahan naming dalawa.

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si KC. Mabilis niya itong sinagot.

"Good morning, bakla! Ano? Tapos ka na bang toyoin?" Humagalpak siya ng tawa. "'Tang ina isang taon na 'yan, ah!"

Tumawa ako sa sinabi niya. "Gaga ka, okay lang ako! Kung ano-ano iniisip mo, magkasama naman tayo minsan, ah?"

Nangilid ang mga luha ko sa pagpapanggap na ako pa rin 'to . . . yung happy go-lucky Deli n'yo. Ako pa rin naman talaga 'to . . . still me but tormented me.

"Sus! Isang dekada na tayong magkakaibigan, Delilah! Wala ka nang maloloko dito!" She sighed. "Alam kong normal na magkaproblema sa relas'yon pero kung toxic na, sa tingin mo, p'wede namang magpahinga."

Napaawang ang bibig ko at natawa na lang. She really thought that my problem is my relationship? Sabagay, sinong mag-aakala na namatayan ako ng anak kung hindi naman namin pare-parehong alam na nabuntis pala ako?

Namatayan ng anak . . .

These words . . . I can and will never say it out loud.

"Tingnan mo si Anna at George. Hindi natin sigurado yung dahilan ng paghihiwalay nila but we can see how Anna has changed a lot based on all the talks we had with her. Nagtuon siya sa pangarap niyang maging isang magaling na architect. Tingnan mo, natutupad niya 'yon kahit wala si George."

Napaisip ako matapos kong marinig 'yon.

Kinakausap ko naman na ulit si George at maging ako, tumutulong na rin na makahanap ng idea kung nasaang lupalop si Anna. Pakiramdam ko, nasa malayong lugar siya ng Pilipinas dahil ang lakas ng loob niyang tumawag sa pamilya niya at sa amin nang madalas gayong alam niyang pinaghahanap siya ni George at ng ilang pinsan nito.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon