03

423 26 0
                                    

   

Nang matapos nang tumugtog ang banda ng pinsan ni George, nakiupo ang mga ito sa table namin. Kaya naman pala malaki ang lamesa na naka-reserve kasi marami naman pala kaming uupo.

"Ang galing n'yo!" maligayang sabi ni Aika sa mga ito.

Kunwari pa 'yong Aika na 'to, eh. Mamaya mag-isa na namang uuwi si KC kasi may iba na namang umuwi r'yan! Tsk, tsk, tsk!

"Henz, congrats! Ang galing n'yo!!!" proud na sabi ni Anna bago yumakap sa lalaki. "Ipapakilala ko nga pala sa 'yo ang mga best friend ko."

Lumingon sa amin si Anna. "Ito si KC."

"Hi!" nakipag-beso si KC sa kan'ya.

Nakangiti lang at bumabati si Henz sa kanila habang ipinapakilala.

"At ito naman si Aika."

"Hello!" malawak ang ngiting bati ni Aika na muntik ko nang irapan dahil ilang beses ko nang nakita 'yon sa kan'ya. "Ang galing-galing n'yo! Ang ganda ng boses mo!"

"Wow." He chuckled. "Salamat."

Ilang sandali lang ay bumaling na si Anna sa akin na may malawak na ngiti. Nakita ko ang mga tingin ng lalaki sa akin nang malapitan na kanina lang, tingin nang tingin sa akin noong nasa stage pa siya.

"And finally . . ." Tumingin ako nang masama kay Anna dahil alam ko na 'yan! Hayop siya! Tumawa si Anna bago ako ipinakilala. "This is Deli."

Aamba siyang yayakap sana pero nagtaas lang ako ng shot glass sa kan'ya. Binigyan siya ni George ng isang shot glass na may laman at nakipag-toast sa akin.

"Hi. Hennessey."

Tumango ako bago ininom ang lamang alak ng shot glass ko.

"Ang suplada, palibhasa may engineer!" Rinig ko ang malakas na bulong ni Aika sa katabi niyang si KC. Tiningnan ko siya nang masama. "Oh, bakit?! Pakilala mo nga kami do'n!"

Napalingon ako kay Henz na naglakad na papunta sa tabi ni KC, sa harap namin. Kasama ni George ang mga kabanda ni Henz at nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay, bago tumikhim si Henz para ipakilala sa amin isa-isa ang mga miyembro ng banda niya. Tulad ng kanina, nakipag-beso sila habang ako ay inalok ko lang ng shot.

"Naging suplada ka ba noong naging jowa mo si Papa George?!" naiintrigang tanong ni Aika kay Anna.

"Matagal nang suplada 'yan," sagot ni George. "Ako lang ang nagtiis."

"Ang kapal ng mukha mo!"

Nagtawanan kami bago itinuloy ang inuman, kuwentuhan at pamumulutan. Bahala na silang mag-alaga sa aming lahat mamaya. Siguradong hindi kami uuwi hangga't hindi kami lasing!

"Puro po kayo Architect?" tanong sa amin ni Henz.

Tumawa ako. "Grabe 'yong po. Ang tanda na ba namin?!" sabi ko.

Ngumiti siya. "Hindi naman," he said shyly. "Pero lahat kayo, architecture ang tinapos?" tanong niya.

Tumango ako. "Yep," ako na ang sumagot kasi sa akin lang siya nakatingin, eh. "Sa Pasig nag-a-apprentice 'yang dalawa. Ako dito sa Makati. Si Anna, sa Taguig."

Tumango siya at saka ngumiti.

"Bakit, Henz? May balak ka bang pormahan sa kanila?" nakangising tanong ni George.

Tumawa si Henz sa sinabi ng pinsan. "Hindi naman, nagtanong lang!"

"Mga oldies na 'yan, Henz! 'Wag ka na d'yan!" sabi ni Anna na tinawanan naman namin.

"Oo nga, matatanda na kami. Hanap ka na lang nang mas bata!" sabi ni Aika.

Napaangat ako ng kilay sa sinabi niya. "Weh, Aika? Talaga ba?"

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon