13

330 16 0
                                    

   

Many months went by so fast, nakakatanggap ako ng mga text mula sa Mama ni Dion pero hindi ko na nire-reply-an pa. Hindi ko na rin sinasabi kay Dion dahil ayaw kong magkaroon pa ng mas malaking hidwaan sa kanila.

Unregistered Number:

Do you think I'll let my son end up with you? Architect, I am sorry to say but I will do everything to stop the both of you. This is my family we are talking about and you are very irrelevant in our matter. Sa ngayon, hahayaan ko kayong magsaya, pero alam kong darating ang araw at iiwanan ka rin ng anak ko at masasabi mong tama ako sa lahat.

Unregistered Number:

Girlfriend ka lang, pamilya kami ni Dion. Sa tingin mo totoong pipiliin ka niya kaysa sa amin? Really, Architect?

Unregistered Number:

Matatanggap ba ng konsensya mo na nang dahil sa 'yo, itatakwil si Dion ng sarili niyang pamilya? Para lang sa girlfriend? Para sa isang architect na wala pang napapatunayan at isang taon pa lang na lisensyado?

Unregistered Number:

Leave my son. Titigilan kita kapag iniwan mo na ang anak ko.

Nanginginig ako sa tuwing binabasa ko ang mga text na 'yon. Hindi naman pinakikialaman ni Dion ang cellphone ko dahil noong minsan niyang ginawa ay nainip lang siya dahil wala siyang nakitang kakaiba.

"Sleep na."

Napalingon ako sa natutulog sa tabi ko at niyakap ako nang mas mahigpit. Pinatay ko ang cellphone at ibinaba 'yon sa side table at saka yumakap sa kan'yang hubad na katawan.

"I want a baby," I whispered.

Naramdaman ko ang paggalaw niya. Iminulat ko ang mga mata at nakitang nakatitig siya sa akin.

"Really?" he said happily. "Do you really want that, babe?"

I smiled, nodding, as I hugged him tighter. "I've wanted it for so long. Gusto ko na."

He chuckled before claiming my lips. Gumalaw siyang muli hanggang sa naramdaman kong nasa ibabaw ko na siya. Since we actually made love earlier, we're still naked.

We did it again, this time, carefully. He said that he will give me a child no matter what to become the mom I've always wanted . . . and that was the most comforting words I got recently.

The past weeks, matapos akong ipakilala sa pamilya niya, I stopped taking birth control pills. Naisip ko lang na baka kapag nabuntis ako, hindi na p'wedeng umalma ang pamilya ni Dion sa relas'yon naming dalawa.

At isa pa, gusto ko na rin talagang magkaanak. I'm 26 already and he's 29. I know that I don't need to rush but I really wanted it already. I wanted to become a mom and Dion is the only man I've always wanted to be the father of my child . . . wala nang iba.

Pero isang taon na ulit ang nagdaan, hindi niya ako nabuntis. I was always crying whenever I saw a negative result on every pregnancy tests that I bought. I always feel tormented and failure.

This body . . . its one of the main purposes is to carry a child. Bakit hindi ko magawa 'yon?

Alam kong hindi niya iniiwasasn 'yon dahil gustong-gusto na rin niyang magkaanak. Pero mukhang talagang hirap lang akong magbuntis tulad ng mama ko. 25 sila ikinasal ni Papa pero 30 na siya nang manganak kay Ate. Limang taon pa ang hinintay nila bago siya magkaanak at tatlong taon ang bawat agwat naming magkakapatid.

Maybe that's one of the reasons why Mama's very clingy to her children. Tumatanda na siya at p'wede nang mag-retire sa pagtuturo.

I sighed. It's funny that Mama is clingy but she really did not contact me anymore when I didn't go to Qatar. 'Yong isang taong palugit na ibinigay niya sa akin, hindi ko pinansin. Nanatili akong nakatira dito sa Pilipinas dahil nandito ang sa tingin ko'y lahat-lahat sa akin.

Unmended [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon