27

3K 129 0
                                    


Chapter 27
3rd Person's POV;
Tahimik lang na kumakain si Caito habang nag uusap usap ang mag aama ng---.

"Iho yung tungkol sa adopt papers... pinaasikaso ko na pirma mo na lang ang kailangan para dun." Ani ni Kace na kinatigil ni Caito at Kaide.

"Pa." Ani ni Kaide na kinatingin ng binata sa anak.

"About sa adopt papers ni Caito kailan---."

"Hindi po ako magpapaampon." Putol ni Caito na kinatingin ng mag aama.

"Buksan mo ang laptop mo Kaide." Walang emosyong sabat ni Cairo na kinatahimik ni Kaide bago patayin ang tawag at walang imik na kuhanin ang laptop niya sa lamesa.

"Caito magagalit sina papa oras na---."

"Ayoko ng magexpect sila." Putol ni Caito na kinatigil ni Kaide bago buksan ang laptop na siyang pag pop ng pangalan ng ama sa screen niya.

Nang sagutin yun ng binata agad na napako ang paningin ni Kace at Cairo sa binatang nakaupo sa tabi ng anak.

"Caito willing naman kami maging anak ka at ampunin anong sinasabi mo na ayaw mo?" Tanong ni Kace na kinatahimik sandali ng binata.

Kace Nera's POV;
"Dahil ba kay Kaide?" Straight to the point na tanong ni Cairo na kinatingin ng dalawang bata.

Una pa ang alam ko ng mangyayari ito hindi kami tutol ni Cairo sa kung anong meron sila...pero---.

"Dad I-Im---."

"If you like it or not Caito pipirmahan mo ang adopted papers na ibibigay namin. Kung ano mang meron sainyo Kaide mas mabuting itigil niyo na because one of this days magiging magkapatid na kayo." Putol ni Cairo bago patayin ang tawag na kinasapo ko sa noo.

"Anong gagawin natin Cai?" Alanganing tanong ko.

"Meron lang tayong dalawang pag pipilian Kace, first paalisin si Caito sa puder natin at hayaan siya or second na gawin natin siyang anak at hayaang manatili siya sa puder natin." Sagot ni Cairo na kinayukom ng kamao ko.

"Pag nagpumilit pa si Kaide sa gusto nilang dalawa wala na tayong magagawa Cairo." Bagsak ang balikat na ani ko.

"Ano hahayaan mo si Kaide?" Tanong ni Cairo na kinagat labi ko.

"Malaki na si Kaide Cairo at yung sitwasyon nilang dalawa hindi nagkakalayo sa sitwasyon natin dati." Ani ko na kinadilim ng anyo ni Cairo bago naiinis na tumayo at mahigpit na hawakan ang railing.

"Kamatayan na ang papagitna sakanila once na mareveal ang katauhan ni Caito Kace at hindi ako makakapayag na mapahamak si Kaide dahil lang sa---."

"Anak lang natin si Kaide at hindi tayo ang dapat magdesisyon kung anong buhay ang gugustuhin niya specially si Caito."

3rd Person's POV;
"May Lq kayo ni kuya?" Tanong ni Eros bago umupo sa tabi ni Caito na pinaiikot ang hawak nitong plastic bottle.

"Hindi lang siguro maganda gising ko." Palusot ni Caito na kinatango tango ni Eros.

"Andito rin pala kayo." Napaangat ng tingin ang dalawa ng makita si Moon na papalapit sakanila kabuntot ang Anchor.

"Nasaan ang Beast?" Tanong ni Cassius bago lumapit kay Eros na kumakain.

"Nasa office sina kuya." Sagot ni Eros ng maramdaman ang pagpatong ni Cassius ng makapal na jacket sa balikat niya.

"Puntahan lang namin ang Beast." Paalam ni Cassius bago tingnan ng masama ang Anchor na inaasar siya.

"Caito ayos ka lang?" Tanong ni Moon bago umupo sa kabilang gilid ng binata.

"Napakaganda niya."

"Siya ba ang tagapag mana?"

"Hindi ako pwedeng magkamali siya yun."

"Hindi pa ba halata?kahawig niya si boss."

"Anong problema Caito?" Tanong ni Moon ng mag angat ang tingin ng binata at tumingin sa kabilang bahagi ng field.

"Umalis na tayo mukhang nararamdaman niya din presenya natin."

"Ano pang ginagawa niyo dito?"

Napatingin ang apat na lalaki na nagtatago sa kadiliman ng may grupong lumapit sa tatlong lalaki na pinangungunahan ng binatang may may kakaibang kulay ng mata.

"Siya yung lalaking nasa picture diba?"

"Shhh."

"Ang tagal tagal niyo kasi tapos na ba kayo mag meeting?" Patanong na sagot ni Eros.

Caito's POV;
Matapos ang nangyaring yun na pag uusap nina papa halatang iniiwasan na ako ni Kaide at naiinis na ako sa ginagawa niya kaya yun din ang ginawa ko.

Hindi na ako natutulog sa kwarto niya at natutulog ako sa kwarto ni Eros pero dahil wala ngayon si Eros mag oovernight sila kasama si Moon para sa project nila wala akong tutulugan nakalimutan ko ding magpaalam kay Eros na kung pwede ako matulog sa kwarto niya kahit wala siya.

"Airo." Ani ko habang nasa hapag kainan kami na kinatingin sakin ni Airo.

"Pwede ba ako makitulog sa kwarto mo wala kasi si Eros." Ani ko.

"Taas na ako." Walang emosyong sambit ni Kaide bago ibagsak ang hawak na kutsara at tinidor sa lamesa.

"Hindi pa ubos pagkain mo Kaide." Ani ni Tito Jace.

"Nawalan na ako ng gana." Walang emosyong sagot ni Kaide bago nakapamulsahang umalis at umakyat ng hagdan.

"May away ba kayo ni kuya,Caito?" Tanong ni Airo na kinayuko ko.

"Yang batang yan talaga sa dami ng mamana sakin pagiging mapride pa." Naiinis na sambit ni Tito Jace.

"Sa penthouse ko na lang ikaw matulog baby Caito may plano ako." Ani ni Tito Jace na kinatingin ko pagkatapos niya akong kindatan at tingnan si Airo na nagkibit balikat lang.

"Support ako honestly naiirita na ako sa ginagawa ni kuya sayo kahit ano pang dahilan wala siyang karapatang ganyanin ka." Bored na sambit ni Airo.

'Pano kung ginagawa niya ito dahil sawa na siya sakin?'

'Naiinis ba siya dahil ayaw kong pumayag sa gusto nina papa na maging kapatid ko siya.'

Ang daming tanong sa utak ko pero isa lang ang naiisip kong sagot dun iniiwasan niya na talaga ako ng hindi ko alam ang dahilan.

The Beast Untamed BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon