37

2.3K 95 0
                                    


Chapter 37

Airo Nera's POV;

"Ayos kana?" Rinig kong tanong ni Kuya ng makapasok sa kwarto ko suot ang uniform niya.

Tatlong araw na din ang lumipas ng mangyari ang kahayupan na yun sakin at hanggang ngayon naggigitgit pa din ako sa galit at nanghihina ang katawan ko

Sabi ng doctor side effect lang yun ng drugs lalo na napasama sa dugo ko na mas nakakapag pahina sakin kung wala yung gamot na nakuha ni Eros baka daw namatay na ako dahil sa drugs na humalo sa dugo ko na maaring maging lason.

"Medyo nanghihina pa din ako pero hindi na ako nahihilo." Walang buhay na sagot ko habang binubukas sara ang palad ko.

Hindi ko pa din maramdaman ang lakas ko.

"Yung tatlong Domiguez siguradong babalikan kayo ng mga yun at worst pumunta ng school." Ani ko bago tingnan si Kuya na nakapamulsahang nakatingin sakin.

"Wag mo kaming alalahanin kung may pupunta man sa school siguradong wala dun yung tatlo." Ani ni Kuya na kinakunot ng noo ko.

"Tinuluyan niyo na ba?" Tanong ko hindi ako nagaalala sa tatlong demonyong yun ang inaalala ko yung company at kasunduan nina papa.

"Buhay pa naman ... yun nga lang habang buhay na sila sa ospital at kung makakalabas man sila ang last destination na nila ang morgue." Ani ni Kuya na kinatigil ko.

'Teka anong ibig sabihin ni kuya na last destination?'

Magtatanong ako ng kumaway na ito patalikod bago lumabas ng pinto.

Caito's POV;

"Ako ba talaga yun?" Bulong ko habang nakatingin sa mga kamay ko.

Pag naiinis talaga ako nagagalit kusa ng gumagalaw ang katawan ko. Narinig ko kina Moon na nacommatoes yung tatlong nabugbog ko.

"Anong problema?" Napaangat ako ng tingin ng may lalaking umupo sa desk ng kinauupuan kong upuan.

"Natatakot ako." Ani ko na kunakunot noo ni Kaide bago sapuin ang pisngi ko at matama akong tiningnan.

"What is it?" Tanong ni Kaide bago umayos ng upo.

"Nagkadurog durog yung buto ng nabugbog ko Kaide pano pag hinawakan kita ayokong masaktan k---."

"Kung saan saan nanaman lumilipad yang utak mo ... imposible yang sinasabi mo." Putol ni Kaide bago natatawang guluhin ang buhok ko.

"Hindi mo naman sila napatay wag kang mag alala." Dagdag ni Kaide na kinapokerface ko.

"Wala akong pakialam sakanila ikaw inaalala ko." Bored na sagot ko pagkatayo ko ng kuhanin ni Kaide ang bag ko at ayain ako palabas ng class room.

"Seryosohin mo nga ako kahit minsan Kaide." Bored na dagdag ko.

"Seryoso naman ako sayo, kung ako ang humawak sa mga gunggong na yun Caito baka hindi sa ICU bagsak nila sa Morgue na kaya nga dapat pa silang magpasalamat sayo." Banat ni Kaide.

Hindi ko alam pero habang ginagawa ko yun parang normal na saakin, hindi ko alam kung normal o talagang hindi ko lang alam kung anong dapat kong maramdaman.

3rd Person's POV;

"Argggh!"

"Ibigay niyo sakin ang info na kailangan ko kung ayaw niyong pag pira pirasuhin ko kayo." Walang emosyong pagbabanta ni Cairo habang tinatapakan ang ulo ng lalaking nasa mid 30s.

"So?tama nga ang bali balitang kumakalat." Napatingin ang binata ng may grupuhang lumabas sa kadiliman.

"Hindi ko iniexpect na sa ganito tayong scenerio magkikita ulit." Dagdag ng lalaki habang humihithit ng sigarilyo.

"Wala akong balak na manggulo Sebastian kailangan ko lang ng info tungkol sa pamilyang hinahanap ko." Walang buhay na sagot ni Cairo bago sipain ang lalaking nasa paanan niya at lumayo ng ilang hakbang.

"Alam ko, hindi naman ito gagawin ng isang Nera kung walang dahilan diba? ... hindi ko lang talaga iniexpect na ganito kalayo ang mararating mo dahil lang sa pamilyang yun. Ilang clan na ang napagbagsak mo dahil lang sa pamilyang yan ha?" Natatawang sambit ng lalaki bago patayin ang sindi ng sigarilyo na kinaismid ng binata.

"Wala akong oras makinig sa mga litanya mo Sebastian." Bored na sambit ng binata.

"Tigilan mo na ang ginagawa mo Nera payong kaibigan lang dahil karamihan sa Clan nasa redline na dahil sayo. Isa ka ng threat para sa mga Japanese Yakuza dito sa japan at sinasabi ko sayo ikaw na ang huhuntingin nila pag nagkataon." Ani ng lalaki.

"I dont care Sebastian isang bagay lang ang pinunta ko dito at wala naman talaga akong balak bumangga sa kahit na sino. Kinuha nila ang asawa ko sa tingin mo mananahimik lang ako." Bored na sambit ni Cairo na kinabuga ng hangin ng nangangalang Sebastian.

"Sigurado ka bang nasa Japan hinahanap mong mga tao Cairo." Ani ni Sebastian na kinatingin ni Cairo.

"Hindi ako pwedeng magkamali sa nakuha kong info Sebastian." Ani ni Cairo.

"Kung nandito man sila siguradong suntok sa buwan ang paghahanap mo." Kibit balikat na sambit ni Sebastian bago magsindi ulit ng sigarilyo.

"Hindi basta basta mga tao ang hinahanap mong tao Nera mag iingat ka." Pagbabanta ni Sebastian.

"Mahanap mo man sila duda ako kung makakalapit ka."

Caito's POV;

"Hi!"

Napaangat ako ng tingin ng may kumaway sa harap ko.

"Kayo yung sa hallway." Ani ko bago isara ang hawak kong libro.

"Ahm oo kami nga." Ani ng lalaking nakabangga ko bago ngumiti.

"Pasensya na ah hindi ako nakapag sorry ng ayos ... nagmamadali kasi kami malapit na magsimula next class namin nun." Sincere na sambit ng lalaki.

Mukha naman siyang mabait para siyang sina Moon at Eros halos magkasing build din kami ng katawan at magkasing height kung features niya naman ang tatanungin. May kakaiba din itong kagwapuhan.

"Im Leonel Maximus nga pala then ito si White Crossford pareho kaming first year college sa Engineer department." Nakangiting pagpapakilala niya saakin at sa nakasalamin na kasama niya bago ilahad ang kamay niya.

"Caito." Walang buhay na pagpapakilala ko bago iabot ang kamay ko.

"Ano palang ginagawa mo dito at nag iisa ka?" Tanong ni Leonel.

"May inaantay lang ako." Maikling sagot ko ng---.

"Caitobabes!" Napatingin ako kay Eros at kay Cassius na naglalakad palapit samin ng nakangiting kumaway si Eros.

"Andiyan na pala ang---."

Naputol ang sasabihin ko ng paglingon ko sa mga kausap ko kanina bigla na lang nawala ni hindi ko man lang sila naramdaman umalis.

"Pasensya na Caito sinermonan pa kasi kami ni prof nag antay ka ba ng matagal?" Tanong ni Eros na kinatingin ko sakanya.

"Hindi naman tara na." Yaya ko bago kuhanin ang mga gamit ko.

Maximus at Crossford? parang narinig ko na ang apilyidong yun minsan.

The Beast Untamed BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon