40

2.2K 82 1
                                    


Chapter 40
3rd Person's POV;
"Damn it!" Mura ng binatang si Cason bago malakas na suntukin ang pader na gilid niya.

"Devina anong nangyari?" Tanong ni Leonel ng makita ang kakambal na nagaalalang nakatingin sa binata.

"Nawala yung batang madalas niya nakakausap sa elementary department." Sagot ni Devina ng hindi man lang tinapunan ng tingin ang kakambal.

"May kinalaman ba ito sa mga organization na naghahanap sa tagapagmana?" Tanong ng binata na kinatahimik ng ilang segundo ng dalaga.

"Imposible kuya si kuya Art ang nagbabantay at imposibleng may mga makalusot sakanya kung galing sa labas ng bansa." Sagot ni Devina habang matamang nakatingin sa lalaki.

"Cas ayos ka lang?" Parehong napatago ang dalawa ng may lalaking lumapit sa binata.

"How would i? Naawa ako sa bata Thal baka kung anong mangyari sakanya." Walang buhay na sambit ng lalaki.

"Gusto mo tawagan ko sina dad? Hihingi ako ng permission niya para hiramin yung mga tauhan niya at mahanap yung bata." Ani ng binata.

"Once na gawin mo yun naghihinala sina dad at malalaman nila ang nangyayari sa eskwelahan. Saatin binilin ang school na ito at ayoko na silang pag alalahin."

"Wow magkapatid sila." Bulong ni Devina na agad napatakip ng bibig ng mapatingin ang kambal sa paligid.

"Alis muna ako honey malalate na ako sa music club." Paalam ni Thallio bago naglakad pabalik habang si Cason ay nanatiling nakatayo.

"Hanggang kailan mo ako susundan babae kung hindi ko nabasa ang mga student info mo mapagkakamalan kitang isa sa grupo ng gang na may galit sa grupo." Bulong ni Cason na kinangiwi ng dalaga bago dahan dahan lumabas sa tinataguang pader.

"Pasensya na n-napadaan lang ako."

Devina Maximus's POV;
'Anak ka ng tatay mo Devina kumalma ka mygosh hindi ikaw yan kailan ka pa naging pabebe.'

"Hindi safe na lagi mo akong sinusundan." Ani ni Cason bago lingunin ako na kinanganga ko ng bahagya dahil hindi ko maiwasang matulala sa kanya.

'Ohmygod!>//< ang gwafuu.'

"Hindi naman talaga kita sinusundan n-napapadaan lang ako." Pagsisinungaling ko na kinalunok ko ng nakapamulsahan siyang lumapit saakin.

Saktong pag atras ko napatili ako ng bahagya ng mapaupo ng matalisod ako sa bato na nasa likod ng mga paa ko.

"Lampa." Bulong niya na kinaangat ko ng tingin ko handa na akong singhalan siya ng---.

"Sa susunod na susundan mo ako siguraduhin mong wala kang buntot." Ani ni Cason matapos niyang ipulupot ang malaki niyang jacket sa katawan ko na kinatulala ko bahagya.

"H-Ha?" Ani ko na kinatingin ko sa tinitingnan niya.

'Wtf.'

May ilang estudyanteng lalaki ang nakatingin sakin as in kaya ba nalaman niya na nandun ako.

"Teka." Ani ko ng tumalikod ito at maglalakad paalis.

"G-Gusto ko lang makipag k-kaibigan." Lakas ang loob na sambit ko na kinatigil niya sandali.

"Ayoko ng kaibigan ng hindi ko nagagawang tingnan." Makahalugang sambit sagot niya na kinakunot ng noo ko.

"What do you mean by that?" Tanong ko ng---.

"Ayusin mo ang pananamit mo." Ani niya bago nakapamulsahang umalis.

'Wth!'

Airo Nera's POV;
*booogsh*blaag*
"Arggghh!"

Daing ng isa sa limang taong humarang sakin ng sipain ko siya at bumangga sa poste.

"Airo." Napatingin ako ng makita ko si ... Caito na naglalakad palapit saakin.

"Kanina pa tapos ang klase bakit hindi ka pa umuuwi?" Bored na tanong ni Caito ng hindi man lang pinansin ang mga taong nagkalat sa sahig.

"Nakipaglaro lang ako sandal---Caito!" Sigaw ko ng may humaharurot na kotse ang bigla na lang pumasok sa eskinita mababangga si Caito ng tabigin ko siya patabi at pareho kaming tumumba sa kabilang gilid.

"Fuck!" Mura ko at tiningnan si Caito ng---.

"Wag na kayong pumalag." Napamura ako sa isipan ko ng may malamig at matigas na nakatutok sa sintido ko.

"Bitawan niyo siya." Rinig kong sambit ni Caito ng may brasong pumulupot sa leeg ko at ipagduldulan pa yun sa ulo ko.

"Mas mabuting sumama na lang kayo ng tahimik kung ayaw niyong masaktan." Rinig kong sambit ng lalaki sa likuran ko.

"Caito tumakbo kana." Ani ko ng makitang pwedeng pwede tumakas si Caito dahil sa isa pang daang nasa gilid niya at alam kong magkakasya siya dun.

"Hindi ka pa din nagbabago Cairo lagi ka pa ding nagpapakabayani." Rinig kong sagot ng lalaki na may hawak sa leeg ko.

'Fuck!akala ba niya ako si dad?'

"Isakay niyo na yan sa kotse." Utos ng lalaki papalag ako ng---.

"Sasama kami." Ani ni Caito na kinakurap ko ng makita kong hawak niya yung baril na dapat ipupukpok sakin ng lalaking nasa likuran ko.

Kailan pa siya nakalapit?

"Wag ka ng lumaban mas lalo lang mag aalala si Kaide pag may isa saating masaktan." Kalmadong bulong ni Caito bago ako hawakan at alalayang tumayo.

Damn bat mukhang ako lang ang natatakot o wala talaga sa bokubularyo ni Caito ang takot.

'Fuck pag may nangyari kay Caito siguradong magwawala si Kuya.'

Caito's POV;
'Shit.' Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot nanaman yun at may mga scene nanaman na pumasok.

"Caito ayos ka lang?" Tanong ni Airo habang nakahawak sa balikat ko.

"Alam kong darating si Kaide hindi niya tayo pababayaan." Bulong ko bago tingnan ang mga malalaking taong dumampot samin kani kanina lang.

Kaide Nera's POV;
Naiyukom ko ang kamao ko habang hawak ang kapirasong papel na nakuha ko sa labas ng gate ng mansyon.

'Once na may mangyari kay Caito at sa kapatid ko, patawarin sana ako nina dad dahil makakapatay ako.'

"Roqas tawagan mo ang grupo may hahanapin tayo." Utos ko kay Roqas na nasa likuran ko.

The Beast Untamed BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon