31

2.6K 109 1
                                    


Chapter 31
3rd Person's POV;
"Nakita din kita." Nakangising sambit ng lalaki habang nasa loob ng kotse at nakatingin sa binatang si Caito na naglalakad papasok sa isang village.

"Katulad ng iniexpect ko kamukhang kamukha ka ng putang inang ama mo." Nakangising sambit ng lalaki habang parang wala sa sarili na dinilaan nito ang hawak na patalim at ngumiti ng malademonyo.

"Malapit na tayo magkita kita." Dagdag pa ng lalaki ng paglabas ulit ni Caito kasunod na nito ang binatang si Airo kasama si Moon na may dala na plastic bag.

Caito's POV;
"Busy na busy si kuya ah." Ani ni Eros ng makita Kaide na nakikipag usap sa tatlong lalaki.

"Nakatulog ka kagabi?" Tanong ni Moon.

"Konti." Sagot ko dahil pagkatapos kong magising hindi na talaga ako nakatulog at tinitigan ko na lang si Kaide magdamag.

"Anong konti? Dont tell me nag ano pa kay---aww Moon! Bakit ka naghahampas." Reklamo ni Eros ng hampasin siya ni Moon.

"Privacy na nilang dalawa yun noh." Sagot ni Moon bago ako tingnan.

"Nag sex pa din kayo kahit ganyan kabusy---araay!"

Napapokerface ako ng batukan siya ni Eros na kinailing ko na lang bago kagatin ang choco bar na hawak ko.

"Walang nangyari tinitigan ko lang magdamag si Kaide." Sagot ko na kinatingin ng dalawa.

"Wth?seryoso wala talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Eros.

"Pinatapos ko sakanya yung ginagawa niya then as expected madaling araw na siya natapos." Sagot ko na kinanguso ni Moon.

"Ipagcocompare ko pa naman sana kung sino mas magaling sa position at kama sa magkapati---."

"Pusang gala ka Moon, virgin here duhh and seriously? Sex life niyo at ng mga kapatid ko ang itotopic natin like ewww." Oa na react ni Eros.

"Hina ni Roqas hindi pa pala nakafirst base." Komento ko na kinatingin ng dalawa.

"Ohmygod! Sinong nagturo sayo ng ganyan my innocent Caitobabes!" Tili ni Moon na kinatingin ko pati na din ng ilang boys na members ng Beast at Anchor na nasa paligid.

"Oy oa mo Moonababes ah." Saway ni Eros bago hilahin si Moon at mag peace sign kina Roqas na nasa tapat ng cafeteria.

"Ang oa mo Moonbabes." Ulit ni Eros bago ako balingan ng tingin at hawakan ang magkabilang balikat ko.

"Sino nagturo sayo ng ganyang salita ipapashoot to kill natin." Tanong ni Eros na muntikan ng ikahulog ni Moon sa kinauupan bago ako hilahin at iharap sakanya.

"Bad yun Caitobabes hindi dapat---."

"Kaide!" Sigaw ko ng hindi sinasadyang mapatingin ako sa fourth floor ng Highschool department ng may makita akong tao sa taas at may mahuhulog na isang bulletin board.

"Tabi!" Sigaw ni Kaide bago itulak patabi yung mga kausap at bumagsak sa hindi kalayuan sakanila ang isang bulletin board habang sina Cassius nanakbo pataas.

"Ayos lang kayo?" Tanong ko na kinatingin ng dalawang lalaki sakin na nakaupo sa sahig.

Hahawakan ko ang isa sakanila ng hawakan ako ni Kaide at siya ang umabot sa kamay nung lalaki.

"Napasama yata bagsak ko." Reklamo ng isa sakanila.

"Mas mapapasama ka kung sa ulo niyo bumagsak yung bulletin board." Pokerface na sagot ni Kaide.

"Kaide ayos ka lang?" Napatingin ako sa babaeng naglalakad palapit samin kasunod sina---.

"What are you doing here Aira?" Tanong ni Kaide bago tingnan tung tatlong lalaki kanina.

"Ahm pasensya na nagpumilit kasi siyang sumama."

"Maiwan ko muna kayo." Paalam ko iikot ako paalis ng makita kong yakapin nung babae si Kaide na kinapako ko sa kinatatayuan ko.

"Imissyou ... Kaide."

Kaide Nera's POV;
"Anong problema Nera hindi ka mapakali diyan?" Tanong ni Cassius na kinatingin sakin nina Aira.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Aira bago hawakan ang kamay ko na nasa lamesa na agad ko namang kinuha.

'Hindi ko nakikita si Caito where the fuck he is?' Nag aalalang tanong ko pagkatapos kasi ng yakapan scene namin ni Aira biglang nawala si Caito gusto ko man siyang hanapin kanina hindi pwede dahil sa nandito ang anak ni Mr.Dominguez.

"Masyado na din malalim ang gabi bakit hindi na lang natin ito ipag pabukas bigyan niyo muna ng time si kuya makapag isip." Bored na sambat ni Airo.

"Pumayag man siya o hindi may permission na kami kay Tito Caito." Rinig kong sagot ni Aira na kinayukom ko ng kamao sa ilalim ng mesa.

Bakit ba nagkasabay sabay pa? Ayokong isipin na pinaplano talaga ito nina dad pero ano bang maaring dahilan kung bakit nandito ang apat na Dominguez.

"Duhh Aira Girl nakausap ko si papa na kay kuya pa din yung last decision school pa din niya ito at pinagkatiwala sakanya ito ni papa." Sabat ni Eros na kinabuga ko ng hangin.

"Pipirmahan ko ang tranfer papers pero hindi ibig sabihin nun papayag na ako sa gusto niyo." Ani ko bago tumayo aalis ako ng---.

"Teka lang pre mali naman yatang ikaw pa ang tumanggi sa kapatid namin." Ani ni Aldrin bago hawakan ang balikat ko.

"Gumaganti ka ba?" Tanong ni Andrei na napatayo din sa sinabi ko.

"Hindi na tayo mga bata at kung ano mang nangyari dati kalimutan niyo na." Bored ba sambit jo bago tabigin ang kamay ni Aldrin aalis ako ng hawakan ako ni Aira.

"Kaide para ito sa kompanya niyo at kompanya namin once na maikasal tayo siguradong ang pamilya natin ang magiging pinakamakapangyarihan sa buong bansa at isa pa---."

"Wala akong kainte interest sa mga sinasabi mo Aira?" Putol ko bago alisin ang kamay ko at aalis ako ng harangan ako ni Aljun.

"Pare bastusan naman yata yan. Walang pwedeng bumastos sa kapatid namin at sino ka para tanggihan ang kapatid ko? Kayo ang may mas kailangan nito hindi kami." Ani ni Aljun.

"Kung gusto niyo ng gulo magsabi kayo baka nakakalimutan niyo kung nakanino kayong teritoryo?" Bored na sabat ni Airo na nakahilig sa pinto.

"Narinig niyo naman sinabi ni Nera ayaw niya magpasakal sa kapatid niyong retokada." Banat ni Eros.

"What do you mean by that?!" Sigaw ni Aira sasampalin niya si Eros ng saluhin ko yun at hilahin ni Cassius si Eros.

"Hurt him Aira kakalimutan ko mga naging kaibigan ko kayo." Nagdidilim ang anyong sambit ko pagkatapos hilahin ni Andrei si Aira na naiiyak.

"Hindi pa tayo tapos."

The Beast Untamed BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon