47

2.1K 83 1
                                    


Chapter 47
3rd Person's POV;
"Tamang tama ito para sa pagpasok natin sa palasyo." Bulong ni Vio ng makapag suot siya ng pang waiter ganun din si Kiyo.

"Assistant ako." Nakangiwing sambit ni Hiro ng makita ang tuxedo na nadampot at makita ang isang name tag.

"Wtf?waitress?" Nanlalaki ang matang sambit ni Thallio na kinalaki din ng mata ni Hiro at Cason.

"N-No hindi ako magsusuot nan." Ani ni Cason matapos mabitawan nito ang hawak na Uniform.

"Wala na tayong time guys kailangan na natin kumilos." Bulong ni Kiyo.

"Kailangan lang magawan natin ng paraan pano natin maipapasok si Kaide sa loob ng walang nakakapansin." Ani ni Vio na kinangiti ng malapad bago tapikin ang isang food Carrier.

"Sa tingin mo magkakas---."

"Wag na kayong maarte kilos na bilis. Meron na lang tayo na ilang minuto."

"Moon at Eros sasama ba kayo?" Tanong ni Vio ng makitang hindi gumagalaw ang dalawa.

"Nag aalala ako kina Cass at kuya." Sagot ni Eros.

"Puntahan niyo sila back up kayo kung sakaling magkagulo sa loob." Ani ni Kaide na kinatango ni Eros bago ngumiti.

"Susunod kami kuya."

Cason Lopez's POV;
Lahat na yata ng mura sa utak ko sinabi ko na habang pilit na binababa ang mini skirt ko.

Buti na lang hindi ako nagwowork out at tama lang katawan ko kung hindi magmumukha akong katawa tawa dahil sa suot ko.

"Dukutin ko kaya mata nila." Pabulong bulong na sambit ni Hiro ng makita ang tingin samin ng mga gwardya.

"Sinuswerte pa rin tayo kahit papaano dahil medyo nagbago ang itsyura natin dahil sa mga cap." Bulong ni Vio habang tinutulak ang isang food container.

"Sandali." Napatigil kami pare pareho ng may humarang samin na armadong lalaki.

"Ang alam ko anim na waitress at apat na waiter ang kinuha galing sa agency bakit iilan lang kayo?" Tanong ng mukhang head security.

"Pinauna lang kami dahil sa mga inngredients na kailangan ng chef na nasa loob ng container yung iba parating na." Sagot ni Vio matapos kami pasadahan ng tingin ng gwardya.

"Patingin na lang nitong loo---."

"Pasensya na manong guard hindi niyo pwedeng buksan yan dito may frozen meat kasi sa loob at ilang ingredients na kailangan frozen talaga.

*Plak*

"Ano yun?" Tanong ng gwardya ng tumunog yung container mukhang nilalamig na si Kaide sa loob patay na.

"Buksan niyo ang---."

"Aray!"

'Putangna pagtapos nito papasok ako sa simbahan at buong hapon ako magdadasal para sa kahihiyang gagawin ko ngayong araw.'

"A-ang sakit." Arte ko habang pilit kong pinababa ang boses ko pagkatapos ko mapaupo sa sahig habang hawak ang paa ko.

"Cas anong nangya---."

"Pumasok na kayo sa loob." Mahinang bulong ko kay Thallio.

"Anong nangyari sayo ms?" Tanong ng gwardya na agad mabilis lumapit saakin kasama na dun ang ilang gwardya.

'Nice galing mo talaga umarte Cas pero pano ka naman aalis ngayon.'

"M-Masakit kasi p-pinupulikat yata ako." Palihim akong napangisi ng matulala sila saakin hanggang sa---.

"Don't dare to touch her." Napaangat ako ng tingin ng tumabi yung lalaking dapat hahawak sa paa ko at sumulpot yung babaeng--- siya yung nasa eskwelahan.

Black na ang buhok nito at wala na din itong makapal make up disente na din ang pananamit nito.

"Ano ikaw naman natulala ngayon?" Bulong niya matapos ngumiti at lumuhod sa harap ko.

"Lady Devina---."

"Ako na bahala sa waitress na ito bumalik na kayo sa kanya kanya niyong pwesto." Walang emosyong utos niya sa mga tauhan na kinakurap ko ng magtama ang mga mata namin.

"Ang cute mo pala sa waitress uniform hindi ko alam na may side line kang ganito." Komento niya na kinatuyo ng lalamunan ko at kinainit ng pisngi ko.

'Putangina nakakahiya.'

Thallio Lopez's POV;
'Sana ayos lang si Kuya.'

"Ngayon naman pano natin mailalabas sa loob ng food container si Kaide ng walang makakapansin at makakalabas." Bulong ni Kiyo.

"Una akong papasok sa loob sumunod kayo then tumuloy tuloy lang kayo hanggang sa makarating kayo sa kabilang pinto." Bulong ko.

"Anong gagawin mo Thal?" Tanong ni Hiro.

"Yung bagay na hindi ko nagawa sa buong buhay ko." Bulong ko pagkatapos kong pumikit ng madiin at naglakad papasok sa loob ng dining area ng palasyo.

Pagkabukas ko ng pinto kitang kita ko na busy ang lahat sa pag aayos ng lamesa at pag oorganize.

"Ahm Hi?" Bulong ko na kinatingin nilang lahat.

"F-First time ko kasi maging waitress dito ahm p-pwede niyo ba ako turuan?" Ani ko inlow tone.

"Kyaaah! Ang cute ako na."

"No ako na magtuturo!"

"Wow pre chix."

Nang nasaakin na ang atensyon ng kahat nakahinga ako ng maluwang ng makapasok na sila sa kabilang pinto kung nasaan ang lobby.

"Kyaah ako na mag aassist sayo."

Napangiwi ako ng hilahin ako nung babae.

"Teka ako mag aassist sakanya."

"Ms pahinging number may boyfriend kana ba?"

Napalunok ako at napaatras ng para na nila akong kakainin ng buhay.

Isa pang hakbang ko paatras nagulat ako ng may matamaan ako kaya mabilis akong humarap at--.

"Anong nangyayari dito?" Napatingala ako ng tumama ang mukha ko sa dibdib ng kung sino as in? Hanggang dibdib lang? Hindi naman ako maliit pero ... oo na ako na maliit pero tama lang naman ang height ko sa age ko.

"Master Black." Rinig kong sambit ng mga waitress ng magtama ang mata naming dalawa at matulala ako.

The Beast Untamed BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon