33

2.5K 93 1
                                    


Chapter 33
3rd Person's POV;
"Ibalik niyo ang asawa kung ayaw niyong magkamatayan tayo dito." Nagdidilim ang anyong sambit ng lalaki habang may hawak na katana.

"Eh kung hindi namin ibalik anong gagawin mo?" Tila nang aasar na sagot pa ng isa sa mga black in men na nakaupo sa mono block.

"Kung ibibigay mo samin yung tagapag mana ibabalik namin sayo ang pinakamamahal mong asawa." Nakangising sambit ng lalaking mukhang pinakaleader mg grupuhan.

"Wala akong ibibigay dahil kayo ang may dapat ibalik sakin." Walang emosyong sagot ng lalaki habang pinaglalaruan ang hawak na katana.

---
"Kanina pa kita hinahanap akala ko nakauwi kana." Bulong ni Kaide bago yakapin mula sa likod si Caito na tahimik na nakahawak sa railing at nakatingin sa ibaba.

"Tahimik kasi dito at napagod na din ako umikot ikot sa buong university." Walang buhay na sagot ni Caito.

"Inagawan mo na ng trabaho yung gwardya." Natatawang biro ni Kaide.

"Nabobored lang ako." Sagot ni Caito bago bahagyang sumandal sa katawan ng binata at matamang pinagmasdan ang mga ilaw sa baba.

"Pag ba nahanap ko ang mga magulang ko matatahimik na sina papa papayagan niya na tayo magsama?" Tanong ni Caito na kinatingin ni Kaide.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kaide.

"Naisip ko nag aalala sina papa sa kahihitnan ng buhay ko in future once na humiwalay ako at hindi maging parte ng isang pamilya." Bulong ni Caito bago bahagyang iangat ang daliri at isulat sa hangin ang sariling pangalan.

"Bukod sa Caito ang pangalan ko wala na akong alam tungkol sa sarili ko."

"Even a surename wala." Dagdag ni Caito na kinabuga ng hangin ni Kaide at mas hinigpitan ang yakap sa maliit na katawan ng binata na kinatingin ni Caito.

"Masyado akong selfish kung sasabihin ko ito Caito ... pero ... mas gusto ko ang Caito na Inosente at walang alam ... Caito na saakin lang."

"Natatakot ako sa mga inaasta at tinatanong mo." Ani ni Kaide na kinapako ng tingin sakanya ni Caito.

"Natatakot ako na pag may alam kana, natuto ka mg mag isa, iwan mo na lang ako bigla ... dahil hindi mo na ako kailangan."

"Masyado akong natatakot sa katotohanang sobrang talino mo, naperfect mo nga ang entrance exam kahit isang araw ko lang yun sayo tinuro, you can survive without me at natatakot ako na dumating yung araw na yun Caito ... matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa." Bulong ni Kaide.

"Bago tayo umalis sa puder ni lolo sinabi mo na din sakin na malaki ang mundo. Natakot ako nung una dahil hindi ko alam kung anong meron dito at para sakin yun ang pinakanakakatakot na bagay na haharapin ko sa buong buhay ko ang harapin ang bagay na hindi ko nakikita." Ani ni Caito na kinatingin ni Kaide.

"Pero sumama pa din ako sayo ... hinarap ko yun kasama mo. Nagsilbi kang mga mata ko at kung ano mang natutunan ko dahil yun sayo. Lahat ng galaw at kilos mo ginagaya ko, kung may gusto man akong malaman lahat yun konektado sayo dahil gusto ko mabuhay kasama mo. Gusto ko gumalaw at maglakad kasama mo Kaide." Ani ni Caito bago humarap kay Kaide at hawakan ang pisngi nito.

"Para sakin kasing lawak ng universe ang mundong ginagalawan mo. Katulad ng sinasabi mo maari akong mawala lalo na kung isa lang ako sa mga bituin na nasa kalangitan ,walang pagkakakilan lan at walang pangalan. Pero ito tatandaan mo Kaide kahit saan man ako lugar pumunta o kung saan man ako nakapwesto makikita at mahahanap kita. Dahil para saakin ikaw lang ang nag iisang buwan sa kalangitan at nag iisang liwanag mo lang ang sunusundan."

Kaide Nera's POV;
Hindi ko alam pero sa oras na ito mas lalo akong natatakot. Habang nakatingin ako sa mga berde niyang mga mata na mas lalong lumiliwanag dahil sa buwan mas lalo kong napatunayan na hindi ko siya kayang pakawalan. Mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko na hindi ko na yata kayang pigilan pa.

"Iloveyou Caito." Bulong ko sasagot siya ng siilin ko siya ng malalim na halik dahilan para mapasandal siya sa railing at alalayan siya gamit ang kaliwang braso ko.

Palalim ng palalim ang halik namin hanggang sa pareho kaming kapusin ng hininga.

"Kaide." Bulong ni Caito ng halikan ko ang likod ng tenga niya pababa sa leeg niya.

"Hindi ko alam kung anong isasagot ko." Napaangat ako ng tingin ng magsalita si Caito.

"I can't breath." Bulong ni Caito na kinagat ko sa gilid ng labi ko ng makita kong pulang pula siya at hindi makatingin sakin ng diretso. Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa dahil ayokong masira ang moment na ito. Ito kasi yung first time na makita ko ang ganitong expression ni Caito bukod sa bored expression at pag nagmamaking love kaming dalawa.

"You mean you love me too?" Pinipigilan ang ngiting tanong ko na kinatingala niya sakin ng tumayo ako ng ayos.

"Love?" Tanong niya na kinangiti ko.

'My innocent Caito.'

"I can't breath too Caito, specially when our eyes will met." Bulong ko bago yumuko at idikit ang noo ko sa noo ni Caito.

"You mean everything for me Caito at hindi ko alam ang mangyayari sakin once na mawala ka."

Caito's POV;
"Caito wag kang saan saan pumupunta." Bilin ni Kaide habang naglalakad kami papasok ng university.

"Hindi naman ako umaalis sa university ng wala ka." Sagot ko na kinabuga niya ng hangin bago huminto sa paglalakad na kinatingin ko.

"Kahit na alam mo namang hindi ako mapakali pag hindi ko alam kung nasaan ka." Bulong ni Kaide bago hawakan ang laylayan ng hood ko at ayusin yun suot ko.

"Naiintindihan ko." Sagot ko bago marahang tumango.

"Ang cute mo talaga." Nakangiting sambit niya na kinaskip bahagya ng hininga ko.

"Una na ako sa council office lang ako." Paalam niya bago maglakad paalis sa harap ko at kumaway patalikod.

"Ang sakit niya sa dibdib." Bored na sambit ko bago maglakad papunta kung saan dala si Galaxy.

3rd Person's POV;
"May something sakanila noh?" Ani ng lalaki habang ngumunguya ng bubble gum.

"Ang ganda niya talaga." Kumikinang ang matang sambit ng isang babae habang nakatingin sa binatang nakatayo sa pinakafield at may dalang pusa.

"Hindi na talaga nakakapagtaka na pag agawan siya ng iba pang clan kahit isa palang na litrato ang kumakalat." Ani ng lalaking humihithit ang sigarilyo.

"Mapapasama kaya natin siya, kung sakaling magbigay na ng go signal si boss?" Tanong ng babae na kinatahimik ng tatlong lalaki ng ilang segundo.

"Hindi ko alam pero kung hindi siya sumama ... yung mga taong pumuprotekta sakanya ang mapapahamak." Makahalugang sambit ng lalaki bago ayusin ang suot na salamin habang nakapako ang tingin sa binata.

The Beast Untamed BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon