25

3.2K 140 0
                                    


Chapter 25
Eros Nera's POV;
"Sistah pauwi na kami sasabay ka?" Tanong ni Moon pagkasara ko ng locker ko at makipag beso beso sakin.

"Mauna na kayo kasama mo si kuya Airo?" Tanong ko na kinapula ng pisngi niya ng masabi ko lang ang pangalan ni Kuya .

"Ahm nasa labas na siya." Sagot ni Moon na kinahagikhik ko halatang inlove na inlove na siya.

"O-Oy wag ka nga tumawa ng ganyan halatang n-nang aasar ka eh." Nauutal na saway sakin ni Moon na kinatawa ko.

"I'm happy for you sistah may pagka sapak lang yung kuya ko na yun minsan pero mabait yun." Ani ko na kinangiti ng kaibigan ko.

"Alam ko yun noh sa ilang taon ko ba namang pabuntot buntot sa kakambal mo at ilang bulyaw samahan mo pa ng mura ang natanggap ko ngayon pa ba ako maggugulat sa ugaling meron ang kakambal mo." Kinikilig na sambit ni Moon na kinatawa ko.

Masaya ako para sa kakambal ko nakahanap din siya ng taong tatanggap sakanya.

"Eros hindi ka ba sasabay?" Tanong ni Airo habang nakapamulsahang nakatingin sakin ang kakambal ko mula sa pintuan.

"May art class pa kami kuya dont worry sigurado namang andito pa si kuya Kaide sakanya na lang ako sasabay." ani ko nakita ko ang pagdadalawang isip ni Airo kaya---.

"Antayin kana lang namin ni Airo sistah siguradong babalik pa din naman ang ungas na yan pagkahatid sakin." Ani ni Moon na kinangiwi ko.

"2 hours ang klase ko mag aanta---."

"Ano yun Airo?" Tanong ko ng makitang lumabas si Kuya at susundan ko siya ng hawakan ako ni Moon at sumimangot.

"Aantayin ka namin hihi para mas mahaba pa yung time na makakasama ko yung kakambal mo." Malanding sambit ni Moon na kinapokerface ko.

"Naku sistah yang katalindaan mo bawas bawasan mapapagalitan ka nina tito pag ginabi ka." Ani ko ng---.

"Mauna na pala kami ni Moon Eros tumawag kasi si Tito Jace nasa bahay siya." Ani ni Airo pagbalik na kinakunot ng noo ko.

Kavideo call ko kanina si Uncle Jace sabi niya baka bukas na siya uuwi.

"Ahh sige ingat na lang kayo oy kuya yung bestfriend ko ah." Bilin ko kay kuya na kinanguso ni Moon.

"Hihi uwi na sistah." Pagpapalayas ko sa kaibigan at kakambal ko.

Actually wala kaming klase sa Art club may iniisketch lang talaga ako at nakatago yun da loob ng club room.

---
"Malapit na ako matapos." Nakangiting sambit ko habang inaalala ang kislap ng mata ng taong inspirasyon ko sa pag guhit ko.

"Hanggang ngayon naamaze pa din ako sa talent na meron ka."

"Shit." Mura ko ng mahulog ko yung lapis na hawak ko ng makarinig ako ng boses mula sa pinto ng club room.

Kahit hindi ako tumingin alam ko kung sino yun sa amoy at boses pa lang alam na alam ko na kung sino.

"Pinapunta ka ba ni Airo dito?" Casual na tanong ko kahit ang totoo sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko.

Hindi dahil sa galit o takot ako dahil ganitong ganito ang reaksyon ng katawan ko pag nasa paligid lang siya.

"Mamaya pa ako uuwi...kay kuya na ako sasabay kaya umuwi kana." Ani ko bago yumuko at kuhanin yung lapis ko na nahulog.

"Gusto lang kita makausap Eros about sa nangyari last time." Ani ni Cassius na kinatigil ko sandali.

"Ano pang dapat natin pag usapan natin malinaw nanaman yung usapan natin nun diba?" Kalmadong sagot ko bago tumayo sa kinauupuan ko at ilagay yung lapis sa pencil case ko at kuhanin ang mga gamit ko.

The Beast Untamed BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon