Chapter 42
3rd Person's POV;
"Mga pakielamero." Bulong ni Kyo ng makita ang bagong grupong dumating na may hawak na mga bakal."Long time no see uncle Kyo hindi ka ba natutuwang makita kami?" Nakangising sambit ng binatang may kulay asul na mga mata.
"Art." Bulong ng binatang si Leonel na nakatingin sa hindi kalayuan.
"Yan na ba ang tagapag mana?" Casual na tanong ng binata ng makita si Caito sa hindi kalayuan na nakapako ang tingin sa binatang nasa gitna na halos hindi makagalaw dahil sa pagkabali bali ng buto at bugbog.
"Walang sino man ang pwedeng manakit kay Kaide ... walang sino man." Bulong ni Caito na kinatingin sakanya ng lahat.
"Humanda na kayo, Devina at Leonel kuhanin niyo yung mga kaibigan ni Porter Black at White cover niyo yung dalawa." Seryosong sambit ng lalaki habang pinaiikot ikot ang dalawang katana nasa magbilang bahagi ng kamay.
Matapos sumugod ni Caito walang kaano ano niyang binalya ang mga kalaban habang paulit ulit na umiiwas sa mga bala.
"Putangina ka!" Sigaw ng isa sa mga kalaban bago paulanan ng bala ang binata na agad kinatago ni Caito.
Hanggang sa may nakita itong baril sa hindi kalayuan sa pwesto niya.
---
"Ahhhhhh!!!""Ohmygod!"
React ng dalagang si Devina habang nakatakip ang bibig ng makita kung pano humawak ng baril si Caito at patamaan yun ng binata sa ulo ng mga kalaban.
"Porter!" Sigaw ni Art bago ihagis ang hawak na katana na agad sinalo ni Caito na hindi man lang tinapunan ng tingin ang binata.
"Ilang taon ako naghirap at binangungot ng mga kababuyang ginawa niyo sakin." Walang emosyong sambit ni Caito habang mahigpit na hinawakan ang katana at tingnan ang dalawang lalaking ngayon ay naghihilakbot na nakatingin sa binatang si Caito.
"Halimaw ka isa kang demonyo!" Sigaw ng nangangalang Kyo na kinawalang expression ng binata hanggang sa may kung anong ibato sa sahig ang kasamahan nito at naglabas ng maraming usok.
Sunod sunod napaubo si Caito dahil sa usok hanggang sa---.
"Caito!"
Caito's POV;
Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng makita ko si Kaide sa harapan ko at matamang nakatitig saakin hanggang sa---."Kaide." Bulong ko ng ngumiti siya at bumagsak sa harapan ko na kinalamig ng buong kalamnan ko ng may katanang nakatusok sa likuran niya.
"Kuya!!!"
Nabitawan ko ang hawak kong katana at nanghihinang napaupo sa sahig ng makita ko si Kaide na naliligo sa sariling dugo.
"B-Bakit mo y-yun ginawa K-Kaide?" Tanong ko hanggang sa naramdaman ko ang mga luha ko na unti unting bumaba sa pisngi ko.
"Kailangan na natin umalis Caito." Bulong ng lalaking nasa likuran ko at hahawakan niya ako ng malakas ko yung tabigin.
"W-Wag niyo akong hawakan*sob*"
"Luc."
"Hindi Luc ang pangalan ko!" Umiiyak na sigaw ko bago tingnan yung lalaki na agad napaatras at yumuko.
"Nakatawag na ako ng mga ambulansya!"
"Kaide." Bulong ko bago dahandahang buhatin ang ulo ni Kaide at ihiga sa lap ko.
"Kaide wag mo ako iwan." Umiiyak na sambit ko habang hawak ang kaliwang dibdib ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"Kaide natatakot ako wag mo ako iwan nagmamakaawa ako." Parang tangang sambit ko bago idiin ang noo ko sa noo niya at pakiramdaman ang paghinga niya.
"Wag mo ako iwan Kaide ... hindi ko kaya."
---
Buong gang nasa loob ng emergency room at critical ang lagay kahit si Airo na may tama din ng bala."Ohmygod!Caito!"
Napatingin ako sa hallway ng makita ko sina Moon at Eros na agad ako sinalubong ng mahigpit na yakap."E-Eros."
Eros Nera's POV;
Hindi ko maiwasang maiyak ng sa unang pagkakataon nakita kong umiiyak si Caito at punong puno ng takot ang mga mata."Magiging okay din sina Kuya, Caito wag ka ng umiyak magiging ayos din sila." Pagcocomfort ko sakanya na kinatango ni Moon bago kami yakapin na kinahagulhol ko dahil kahit ako natatakot lalo na dalawa sa kapatid ko ang nasa E.R,mga kaibigan at ang taong mahal ko. Ayokong may mawala sakanila kahit isa.
"Art." Napatingin kami pare pareho ng may gwapong lalaki ang lumapit saamin at sa likod niya yung apat na ... estudyante sila sa university maliban sa lalaking ito na walang kaemoemosyong tumingin samin.
"Sa ayaw at gusto mo Porter kailangan mong sumama saamin pabalik." Panimula ng lalaki na kinalaki ng mata ko.
"Anong pabalik sinasabi niyo?!sino kayo?" Tanong ko bago itago si Caito sa likuran ko at tingnan sila ng masama.
"Mas mabuting wag ka ng mangialam dito Nera dahil pag hindi sumama saamin si Porter patuloy kayong hahabulin ng grupo ng mga Mafia at hindi makakabalik dito ang mga magulang niyo." Ani ng lalaki na kinapako ko sa kinatatayuan ko.
"Luc makinig ka saamin kung ayaw mong mas mapahamak pa ang mga kaibigan mo mas mabuting sumama kana saamin hinihintay kana ng mga tunay mong magulang." Sabat ng babae habang nakatingin saamin.
"Caito wag kang makinig ka sakanila Cai---."
"Sasama ako." Putol ni Caito saakin bago bahagyang tanggalin ang pagkakapit ko sakanya.
"Caito wag kang umalis baka mamaya niloloko ka lang niya." Pigil ni Moon.
"Naalala ko na lahat." Bulong ni Caito na kinatigil naming dalawa ni Moon.
"Hindi ako karapat dapat sa grupo niyo lalo na kay Kaide ... 7 years old pa lang mamatay tao na ako." Dagdag ni Caito na kinalamig ko.
"Cai---." hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng humakbang na ito palayo. Susundan ko siya ng may humarang saaking babae.
"Hindi ito ang mundo at lugar ni Porter kaya mas mabuting pabayaan niyo na siya." Pigil saamin ng babae bago tumalikod at umaalis.
"Eros si Caito anong gagawin natin?" Tanong ni Moon na kinayuko ko.
"Kailangan magising agad si Kuya Kaide siya lang makakapagpabalik kay Caito."
BINABASA MO ANG
The Beast Untamed Beauty
Novela JuvenilPrologue "Kaide hindi ako yung taong katulad iniisip mo hin---." "Tell me Caito anong gusto mong isipin ko." Kalmadong sabit ng binata. "Hindi mo ako naiintidihan Kaide." Ani ng binata habang patuloy na sa paglandas ng luha na nanggagaling sa mga be...