45

2.1K 76 0
                                    


Chapter 45
3rd Person's POV;
"Ohmygod ang ganda pala talaga ng Paris." Kumikinang ang matang komento ni Moon.

"Nasa labas yung mga kotseng pinaarkila ni dad tara na." Ani ni Vio.

"Whoa may asset ba kayo dito sa Paris Vio?" Tanong no Eros.

"May ilang branch ng dress shops dito si mama at pinakausapan niya yung mga tauhan niya dito naasikasuhin ang mga kailangan natin dito once na lumapag tayo." Sagot ni Vio dahilan para sakal sakalin siya ng ilang members ng Anchor.

"Akala ko pa naman mamomoroblema tayo dahil hindi tayo marunong magsalita ng--- oh uh mukhang may mas malaki pang problemang paparating." Nakangiwing komento ni Xaide ng makita ang mga black in men na nagkalat sa paligid at patingin tingin sakanila.

"Mukhang hindi talaga tayo welcome dito." Bulong ni Kiyo.

"Akala ko pa namang banner na may nakalagay na Welcome to paris ang magwewelcome satin." Nakangusong sambit ni Eros ng makitang magbunot ng baril ang ilan sa black in men.

"Sorry to interrup your day dreaming love pero kailangan natin kumilos." Bulong ng binatang si Cassius bago pasimpleng tumabi sa kasintahan.

"Napaka thoughtful naman pala ng mga taga Paris tingga ng baril ang gagawing--- Takbo!!" Sigaw ni Hiro ng lumapit na ang mga black in men para magkalat sila sa buong airport.

"Alam niyo na kung saan tayo magkikita kita!" Sigaw ni Kaide habang tumatakbo palayo kasunod ang ilang kaibigan habang ang iba nagkanya kanya ng takbo palabas ng airport.

"Sakay Kaide!" Sigaw ni Cason matapos sipain ang pinto sa passenger seat mula sa loob ng kotse kasunod si Thallio na mabilis na sumakay sa back seat.

"Kinakabahan ako putangina hindi pa nga magaling sugat ko sa tagiliran dadagdagan pa nila." Reklamo ni Thallio ng mabilis yun paandarin ni Cason paalis.

"Kailangan natin gumawa ng mabilisang plano sa nakita ko kanina mukhang patayin tayo ang pakay nila saatin." Ani ni Kaide habang hinihilot ang sintido niya.

"Ano pa ba? Alangan namang isipin mo pang tradition na nila mang welcome ng bala" banat ni Cason na kinatawa ng kakambal.

---
"Sasabihin ba natin ito kay Porter?" Nag aalalang tanong ni Devina ng makita ang monitor na kuha mula sa Airport.

"Wag ako ang tanungin mo kapatid hindi ko din alam." Banat ng nangangalang Leonel habang sa likod naman nito ang nanahimik na si White.

"May nahuli." Nanlalaki ang matang sambit ni Devina ng makita ang apat na lalaki na napapalibutan ng black in men.

"Dehado tayo anong gagawin natin Vio?" Tanong ni Kiyo nasa likuran ni Vio.

"Cass." Ani ni Eros habang nakahawak sa braso ng kasintahan.

"Mas mabuting sumama na na kayo ng tahimi---."

*Kringgggg*

"Takbo!" Sigaw ni Cassius ng mawala sakanila ang atensyon ng mga black in men at nakisiksik sa mga taong nagtatakbuhan palabas ng airport ng tumunog lahat ng fire alarm sa loob ng airport.

"Art." Ani ni White ng---.

"Oops napindot ko." Nakangising sambit ni Art.

"Nakatakas sila nadulas eh malay ko ba." Dagdag ng binata bago tumayo at sumisipol na umalis ng kwarto ng tingnan siya ng apat na may pagdududa.

"Anong plano?" Tanong ni Devina."

"Anong planong sinasabi mo mamaya na ang welcome party para kay Porter." Pailing iling na sambit ni Leonel ng mabasa nito ang iniisip ng dalaga.

"Mangialam man tayo tatapusin pa din sila nina papa once na makapasok sila dito sa mansyon at gumawa ng gulo." Sabat ni White na kinatahimik ni Devina.

Kaide Nera's POV;
"Bakit ang tagal nila?" Bulong ko habang nakatingin sa wrist watch ko.

"Malapit na gumabi Kaide." Ani ni Cason habang pretenteng nakaupo sa damuhan at nakatingin sa malawak na kalangitan.

"Dalawang oras na lang bago magsimula ang party Kaide maganda na sana itong pagkakataon para tahimik tayong makapasok sa palasyo ng mga Porter." Ani ni Thallio habang nakaupo sa hood ng kotse at nakatingin sa napakalaking gate ng mansyon na hindi kalayuan sa kinatataguan namin.

"Sila na yata yan." Ani ni Thallio na kinatayo ko ng may mga kaluskos kaming narinig sa ibat ibang bahagi ng gubat.

"Sabi na andito na sila whoo!" Ani ni Vio na napaupo sa damuhan ng makita kami kasunod sina Cassius,Eros at Kiyo.

"Kuya." Ani ni Eros bago tumakbo palapit sakin at yumakap ng mahigpit.

"Anong nangyari? Bakit natagalan kayo?" Tanong ko matapos humiwalay ni Eros.

"Nahirapan kaming iligaw yung mga asong humahabol samin." Sagot ni Roqas.

"Same here naligaw pa kami."

Nakahinga ako ng maluwang ng sunod sunod ng dumating ang Anchor at Beast.

"Ang laki masyado ng Paris buti na lang tanda pa ni Airo yung dinaanan namin ito kasing si Xaide naiwan phone niya." Paninisi ni Moon.

"Bakit ako eh may kopya ka din naman naiwan mo din sa sobrang pagkataranta natin kanina naiwan na yung mga bagahe." Sagot ni Xaide.

"Tama na." Saway ko.

"Ang mahalaga ligtas kayong lahat walang nahuli dahil kung meron malaki pang problema natin." Dagdag ko bago tingnan ang buong gang.

"Poproblemahin na lang natin is kung pano makapasok duon." Ani ni Eros bago ituro ang napakalaking gate.

"Wag kayong mag alala may pinadala si dad na ... blueprin--- holyshit nasa bagahe ko pala." Ani ni Hiro na kinasapo nito sa noo.

"Tangna ang malas natin talaga." Mura ni Roqas.

"Hindi tayo pwedeng pumasok dun ng walang plano masyadong delikado." Ani ko na kinamura ko sa isipan ko.

Pano kami makakapasok ng tahimik dun kung hindi namin alam kung anong meron sa loob.

The Beast Untamed BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon